CHAPTER 2: #Comfort
Mhavelish's POV
*1 week later
*Room ko
Nakahiga ako sa kama ko habang naka-headphone at nag-aaral.Sabado kasi at walang pasok.
Kailangang ako ang maging Valedictorian ngayong Batch na to.Para makapag-aral ako sa HARVARD!
Yeah,Harvard University sa States.May pangako kasi sakin si Mammasy,na kapag ako ang naging valedictorian ngayong Batch na ito,pag-aaralin nila ako sa Harvard,na matagal ko ng pangarap sa buong buhay ko.
Kaya kahit 1 week palang ang nakakaraan simula nung first day,puspusan na talaga ang pag-aaral ko.Engineering ang kukuhanin kong kurso.Magaling kasi ako sa Math,bukod pa dun,mahilig rin akong magdrawing.Kaya dapat galingan ko.
*Tok tok!*
Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may kumatok.
"Bakit?" tanong ko.Pero di pa rin ako naalis sa pwesto ko.
"Mhavelish,may pag-uusapan tayo."sabi ni Mammasy.
Kaya napatayo na ko atsaka binuksan ang pinto.Pumasok naman siya,at naupo sa kama ko.Sinundan ko lang siya at naupo rin sa tabi niya.
"Ano po ba yun,Mammasy?"tanong ko.
"Mhavelish,tanda mo ba sina Vamleen,Izzy at Vechleyn?"tanong niya.Ahhh..Yun yung pinsan kong makukulit from States.
"Yeah..Bakit niyo naman po maitanong?"pagdidiretso ko.Ayaw ko kasi ng paligoy-ligoy.
"They decided to transfer here."sagot niya.
"What?Ano naman kaya ang naisipan ng mga yun at dito sila mag-aaral?!Tsk!"sabi ko.
"Because they want."
"Fine.At saan naman po sila titira?"tanong ko.
"Here.With us."sagot niya.Napatayo naman ako mula sa pagkakaupo.
"WHAT?!"
*A few moments later
"Mhavelish,aalis na ko!"sabi ni Mammasy saka ako kiniss sa cheek.
"Ingat po kayo!"sabi ko naman.
At nang makaalis na si Mammasy,agad akong pumasok sa kwarto ko.Yung tatlong yun?Titira kasama ko?Gosh!Tsk.Ang kukulit kaya ng mga yun!Sana naman,nagbago na sila sa loob ng 9 years naming di pagkikita.
Dale's POV
"Manang,napakain niyo na ba si Mousvy?"tanong ko habang nakain ng breakfast.
"Ahh..Sir,si Mousvy po kasi.."
"Ano?"
"Kanina pa siya tulog dun sa backyard."sagot ni Manang atsaka ako napilitang napatayo.
"Sir!Saan po kayo?"tanong ni Manang habang nakasunod sakin.
"Gigisingin ko muna si Mousvy,Manang.Ayaw kong nalilipasan siya ng gutom."sagot ko.
At pagkarating namin sa may backyard,nabitawan ko yung hawak kong dog food na hawak-hawak ko kasi nakita ko siyang nakahiga habang labas ang dila.
"Mousvy!"sabi ni Manang.
"Ano kaba Manang?Sobra atang napagod si Mousvy eh!Kaya ganan siya makatulog."sabi ko at saka nilapitan si Mousvy.Kahit alam ko na naman na...
Pilit kong pinipigilan ang ppagpatak ng mga luha ko.Pero nang makalapit ako sakanya.Tama nga.Wala na siya.
Biglang nag-ring yung phone ko,si Dale yung natawag.Sinagot ko agad yun.
"Dale?Napatawag ka?"tanong ko.
(Ahh..Ano kasi..Mhavs.)
"Ano yun?"
(Pwede ba tayong magkita ngayon?)tanong niya mula sa kabilang linya.Ano ito?May meeting ba kami o...Hayst!Di pwede yung iniisip ko.Kasi naman bestfriend ko lang sila at hanggang doon lang yun.
"Ahh...Dale kasi-"di ko natapos ang sasabihin ko nang biglang nagsalita siya.
(Sandali lang.Kailangan ko lang ng makakausap.) sa tono ng pananalita niya,parang may problema siya.Kaya naman napangiti nalang ako atsaka nagsalita.
"Osige!Saan ba?"
(Sa meeting place naten.)sabi niya at saka namatay yung tawag.
Tumayo na ko sa pagkakahiga atsaka naligo at nag-ayos.At pagkatapos,nagpahatid na ko kay Manong sa may Tree House Private naming magbebestfriend.
Pagkaakyat ko dun,nandun na siya at umiiyak.Bigla akong nalungkot dahil sa nakikita ko.Naiyak siya at masakit para sakin yun,kahit di ko alam kung bakit.Ganito ba talaga pagkaibigan mo?Nalulungkot ka rin kapag malungkot siya?At isa pa,ngayon ko lang siya nakitang ganan.
Nilapitan ko siya atsaka ko siya niyakap.
"Mhavelish!"sabi niya saka ako niyakap ng mahigpit habang umiiyak.
"Sshh..Nandito na ko.Ano bang problema,Dale?"tanong ko saka ko hinipo-hipo yung buhok niya.
"Si Mousvy."(yung aso niya)
"Bakit?Anong nangyari kay Mousvy?"tanong ko.
"Namatay na siya..."umiiyak na siya at lalo pang napahigpit yung yakap niya sakin.
Patay na?Yung asong inalagaan niya for almost 7 years?Pero yun na lang yung nahuhuling alaala sakanya ng mga magulang niya bago ito namatay.
"Dale..Condolence."sabi ko.Saka hinaplos ang likod niya.
"Ansakit...Bakit lahat na lang,nawawala sakin?!"sabi niya.
"May pagkakataon talagang kailangan na nilang umalis at iwan tayo.Pero di ibig sabihin nun,iniwan kana talaga nila.Kasi nandiyan parin naman sila eh."Umalis siya sa pagkakayakap saka ako tinignan.Eyes to eyes...
"What do you mean?"tanong niya.
"Binabantayan parin nila tayo.Kahit di natin sila nakikita."sabi ko saka siya nginitian.
And from that moment,ngumiti siya at pinahidan ang mga luha niya.At sumaya ako.Kasi nagagawa ko siyang i-comfort.At pasayahin muli.
"Salamat,Mhavelish."sabi niya saka ako niyakap muli.Gumaan naman ang pakiramdam ko dun.
Sinamahan ko lang siya doon hanggang sa gumabi.At inihatid na niya ako mga alasais ng gabi.
"Mhavs."-napatigil ako sa tapat ng gate ng bahay ko ng bigla siyang nagsalita.
Nilingon ko siya.
"Bakit?"
"Salamat."sabi niya saka ngumiti ng napakatamis.Biglang kung anong meron na siyang nagpatibok ng malakas sa puso ko.
Nginitian ko lang siya saka pumasok sa gate.Nakita ko pa siya nagwave-hand kaya nagwave-hand din ako sakanya saka siya umalis sakay ng kotseng kumikintab mula sa dilim.
Pagkapasok ko sa bahay,agad na kong pumunta sa aking kwarto saka pinilit na makatulog.Nakakapagod man,masaya kase nagawa ko siyang i-comfort sa pamamagitan ng pakikinig at pagdamay sakanya.
Hanggang sa muli.....
Zzzzzzzzzz......... ♥♥♥♥♥
(A/N:
HI THERE!GINANAHAN NA NAMAN AKONG GAWIN TO!KASE NGA MAY INSPIRASYON HAHAHAHA !!!
SA UULITIN,READERS! ^____~
BINABASA MO ANG
My Boastful Secret Admirer...
Teen Fiction"My Boastful Secret Admirer..." -AvahPurple (A/N: Take 2.Denelete ko po yung dati,kasi pansin ko pong lumalayo na yung kwento.At nawawala na rin sa plot ng istorya.Kaya inulit ko na lang po. Im not a professional author but I tried my best to make t...