MV's POV
Pagkauwi ko...
Dumaretso ako sa kwarto ko at agad nagihis para basahin yung sulat...
To: Mhavelish Voreen Gomez,
May party nga pala sa bahay.Punta ka ah?Di ko alam ang number mo e.Kaya sumulat na lang ako ^___^
From: Lerick
Anak naman ng TOKWA!Akala ko kung ano na e!Bakit ba naman kasi pakaba-kaba pa kong nalalaman eh yung ex crush ko lang naman pala ang sumulat.*sigh* Yes!Ex Crush ko na siya.May gf na siya.Hirap talaga sa panahon na ito ngayon ang lablayp.
Anyway,di naman ako nagalit sakanya.Eh ano bang karapatan ko?E crush ko lang naman siya..DATI.Psh!Friends parin kami ni Lerick kahit ganun.
FISHTEA!Antagal ko nang di nakakareceived ng mga chocolates sa locker ko.Puro flowers na lang ang natatanggap ko.Siguro,naghirap na yun?Baka nga!
Anyways,makapag-ayos na nga!Baka ma-late pa ko sa party nila e.
Ranz's POV
"Sir,ito na po yung gamot niyo."-sabi nung nurse ko saka inilapag sa table yung gamot na tablets at isang basong tubig na nasa trey.At umalis na nga yung nurse.Sinarduhan niya yung pinto ng kwarto ko.
Tumayo ako sa pagkakahiga at pinagmasdan ko na lang ang sarili ko sa isang malaking salamin.Namayat na ko ng konti.At namumutla pa signs na ba talaga ito na mamamatay na ko?
Hindi pwedeng mamatay ako ng hindi man lang sasabihin sakanya ang totoo.Ayaw ko pang mamatay ng malungkot.Simula bukas,papasok na ko.At pagpasok ko,isang bagong Ranz Rey Perez na ang makikita nila.
*Door Opens*
"Pre."-napalingon ako sa pumasok.And it is Lerick.
Lumapit siya sakin sabay palo sa balikat ko ng mahina.
"Lerick,tuloy ba ang party dito sa mansion?"-tanong ko sakanya.Bday kasi niya ngayon.
"Oo e.Pero don't worry!Walang makakapasok dito sa kwarto mo."-sabi niya.
"Okay.Sige,ayos lang saken yun.Invited ba si MV?"-tanong ko.Tumango lang siya sakin at saka ako napakamot sa batok ko.
"Pre.Una na ko huh?"-siya saka lumakad na.Pero bago pa siya makalabas,tinawag ko siya at sinabing..
"Pre!Happy birthday."-sabi ko.Ngumiti lang siya ng bahagya at saka umalis na.
Naiwan na kong nakatayo dun sa Kwarto ko.Saka ako bumalik sa pagkakahiga.Di ko ininom yung gamot nilang yun.Ayaw ko ng lasa nun e.
***********************************************************************************************************
MV's POV
Ano ba naman ito??Sobrang laki ng mansion nila Lerick?!!! *O*
Marami akong nakasalubong na pormal yung mga damit.Lahat sila halatang mayayaman.Mayaman din naman ako ah?!Kaso di ko reach ang pagka-rich nila.*Sigh*Nandito kaya yung Tatlong lokaloka?
Napatigil ako sa pag-iisip nang maymapansin ako. -_____- SINA IZZY,VAM,VECH AT EYOSS yun ah?Nilapitan ko sila.
"Huy!"-ako.Lumingon naman sila sakin habang nakain sila.
"Oh?MV!Invited ka pala?"-Izzy.
"Ay hindi!Actually hindi!"-sabi ko.Tumawa naman sila.
Nagkwentuhan lang kami dun sa may table namin.Nang biglang mag-umpisa ng magsalita yung MC na nasa unahan.
"Good evening Ladies and Gentlemen.Tonight,we are celebrating the 15th birthday of Mr.Lerick Horran Perez.."-MC.Ngpalakpakan naman kami.
Saka lumabas si Lerick sa isang room.Dumaan siya samin na kasama ang girlfriend niya.Okay lang saken yun.Ansaya naman niya ngayong bday nya e.
"~Happy Birthday to you!Happy Birthday to you!Happy Birthday to you!HAPPY BIRTHDAY MR.PEREZ!"-we all sang him a happy bday song.
Nahihiya pa siyang nagsalita ng thank you sa may unahan.At pagkatapos nun,balik ulit kami sa pagkain ng masasarap na ulam!
Pero nakaagaw pansin sakin ang nakita ko sa may 2nd feet ng mansion.Isang nurse na pumasok sa isang kwarto.Teka!Diba magkapatid sina Lerick at Ranz?So,that means na nasa iisang bahay o mansion pa man sila?
Ibig sabihin...May posibilidad na si Ranz yung nasa loob ng kwartong yun??
"Mv!"-tawag sakin ni Izzy.Kaya napalingon ako sakanya.
"Ano ba ang tinatanga mo diyan?"-tanong niya.Siguro,nahalata niya na nakatingin ako dun sa may taas.
"Ah!Wala!Nevermind that!"-Sabi ko saka humiwalay sakanila pero bago pa man ako makaalis may sinabi sakin si Eyoss.
"Mv,Mag-iingat ka diyan sa mga tao huh?"-Sambit niya.Tumango lang ako at saka umalis na.Sa sobrang lawak ng Mansion at sa dami ng tao na nandito...
-____- Anhirap hanapin yung hagdan pataas sa second floor ng mansion nila.
Pero sa awa ng diyos,nakita ko rin!Tumakbo ako dun kahit naka-casual dress ako at naka highheels.Kaso,di ko inaasahang may makakabangga ako.
*Bogsh!*
"Ouch!"-daing ko.
"Gomene!Gomene!"-siya.Sabay baw sakin.
"A-ahmm..Ano daw?"-ako.Gomene siya ng Gomene eh di ko naman alam ang ibig sabihin nun e.
"Ahhh...Sorry ang ibig sabihin nun.Sorry nga pala huh?"-sabi niya saka nag baw ulit.Nanlaki naman yung mata ko.Siya yung Gf ni Lerick!
"Ahhh!Hayaan mo na lang iyon!Sorry din!"-sabi ko.Tumigil na naman siya sa pagba-baw niya.Maganda siya At artistahin ang dating."Ikaw yung girlfriend ni Lerick,Diba?"-paninigurado ko.
"Oo.My name is Dayne ."-sabi niya.
"Nice meeting you.Im Mhavelish Voreen!"-nakangiti kong sabi.Anluh!May pupuntahan pa nga pala ako!!
Dadaan na sana ako ng bigla siyang humarang sa dadaanan ko.
"We must go to garden,Let's talk about you."-sabi niya saka niya ako hinila papuntang Garden.Ano ba naman yan?Pano ko mapupuntahan si Ranz kung napaka-epic naman ng isang ito?Wrong Timing e!
***GARDEN
"Ano nga pala ang pag-uusapan naten?"-tanong ko sakanya.Asa garden kami ngayon at nakaupo sa may table.
"About You."-mahinahon niyang sabi.
"Sa akin?Well,dati kong crush si Lerick."-sabi ko.Bigla siyang ngumiti.Bakas sa mukha niya ang pagkamabait.
"Really?"
"Oo.Tapos..."-Nagkuwento na lang ako ng nagkwento sakanya.At halata namang masaya siya sa pakikinig sakin.Lahat ikinuwento ko.Kung paano ko nagustuhan si Lerick at iba pa.
Masaya siyang kausap at mabait at maganda pa,kaya di imposibleng maging sila ni Lerick.Three weeks na palang sila.
Huhubels!Madaldal lang siya masyado kaya halos maya't maya na siya uminom ng tubig kasi natutuyo na yung laway niya kakaimik.Hahah XD Buti na lang di ako katulad niya.Yun lang naman ang mali sakanya e.Masyadong mapalakuwento .
Hanggang sa matapos na yung party.Nakauwi naman ako ng safe dahil hintid ako ng Crazy Pumps.
Ansaya pero nakakapagod rin.Kaya pagkadating na pagkadating ko,Bagsak agad ako sa kama ko.
Tulo laway pa. -____-
BINABASA MO ANG
My Boastful Secret Admirer...
Teen Fiction"My Boastful Secret Admirer..." -AvahPurple (A/N: Take 2.Denelete ko po yung dati,kasi pansin ko pong lumalayo na yung kwento.At nawawala na rin sa plot ng istorya.Kaya inulit ko na lang po. Im not a professional author but I tried my best to make t...