Chapter 11: First kiss

78 31 13
                                        

Nicky's Point of View:

Patuloy parin ako sa paglakad at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Medyo naiinis parin ako dahil sa mga nangyayari ngayon.

General dito! General don! Tukso dito! Tukso don! Argh! Cant i just have a little peace and quiet?

Hindi ko napansin na nasa labas na ako ng school at nasa garden na pala ako ng school. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko, napangiti naman ako sa natanaw ko napaka lawak at napakaganda ng lugar madami kasi ang mga bulaklak sa paligid at maganda ang pagka landscape nito. 

Tahimik din ang lugar dahil karamihan ng mga istudyante ay nasa cafeteria ngayon break time pa kasi. Malamig ang simoy ng hangin sa garden. Kaya naman ay nakaramdam ako ng kahit kaunting ginhawa.

Naghanap ako ng isang lugar sa garden kung saan ako pwedeng makapag-pahinga, kasi medyo pagod at masakit narin ang mga paa ko eh. Medyo may kalayuna na  pala ang nilakad ko mula kanina.

Nahagip ng mga mata ko ang isang malaking puno na nasa gitna ng garden, agad naman akong naglakad papalapit dun. Nang nakarating ako dun sa puno ay inilapag ko ang backpack ko at umupo sa ilalim ng puno.

"Hay! Finaly! Peace and Qui--"

"Woof! Woof!"

"Ay kabayo!"  

Napabaligkwas ako mula sa pagkaka-upo at napahawak sa dibdib ko. Nararamdaman kong mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa gulat. Magugulatin kasi ako, kaya wag ninyong subukan. 

'Alam ninyo namansiguro yung ginawa ko kay Brent?'

Napatingin ako dun sa pinaggalingan ng tahol at nakita ko ang isang cute na cute na golden retriever. Na nasa tabi ko at nag-pupuppy eyes sakin. Nuong una ay medyo  nag-aalangan a ako pero kalaunan ay naging okay narin ako.

"Hmp! Ikaw talaga! Kung hindi ka lang cute eh!"  Pagduduro ko dun sa aso, na nakatingin lang sakin at nagpapacute. Kaya naman ay unti unting nawala ang inis ko at napalitan ng ngiti.

"Halika nga!" At binuhat ko ang cute na cute na aso at inilapag sa lap ko. Muli nanaman akong sumandal sa trunk ng puno at hinahaplos ang ulo ng aso habang nakatingin siya sakin.

"Ano bang pangalan mo?"  Tanong ko dun sa aso habang hinahaplos ang ulo nito.

'Ang engot ko talaga no? Tinanong ko pa? Eh alam ko naman na hindi sasagot.'

"Teka." At binuhat ko ang aso at tinignan ko kung may dog tag pero wala akong nakita. Kaya naman ay nagtaka ako.

"Hmm? Bakit wala kang dog tag? Well since wala ka namang pangalan. Ako na magpapangalan sayo." Masayang sabi ko sa aso na ikinatuwa nito. Nag-isip ako ng magandang pangalan para sakanya. 

"Hmmm? Ma? Ma? Ah!  Alam ko na! Maxwell! I'll call you Maxwell!" Nakangiting tugon ko kay Maxwell. He just wiggled his tail in excitement. Napaisip tuloy ako kung sino ang may ari kay Maxwell.

'Ang swerte siguro ng owner ni Maxwell? Sana ako nalang owner niya.'

Patuloy parin ako sa paghaplos sa fluffy na ulo ni Maxwell habang siya naman ay nakatingin sakin at tuwang tuwa. Kaya naman ay biglang nag-pop up sakin na isang idea.

"Maxwell? Gusto mo kantahan kita?" Magiliw na sabi ko kay Maxwell.

"Woof! Woof!" At sabay wagayway niya sa maliit at cute na buntot niya na ikinangiti ko.

 I silently thought about a song while paying with this cute little dog I saw. when I already thought of one, I stared to sing.

Do you hear me?
I'm talking to you
Across the water, across the deep blue ocean
Under the open sky, oh baby I'm trying 

Am I Falling for a BadBoy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon