Chapter : 17 His Command

90 10 4
                                        

Nicky's Point of View:

"Aray! Dahan dahan lang!"

"Pwede ba wag kang magulo? Ikaw na nga tong ginagamot ikaw pa tong maingay?!"

"Aba? Dapat lang no! Ikaw kayang may kasalanan nito?! Tsaka dahan dahan lang kasi! Palibhasa hindi Ikaw yung napuruha eh?!...Aray!!" Dahil may pagka-pikon ako ay diniian ko ang pag-dampi ko ng ice pack sa ulo ni General.

"Aray! Ikaw babae nakaka-ilan kana ah?! Sige isa pa hindi lang sapak abot mo sakin!" Pagbabanta niya sakin habang matalim na nakatitig sakin, syempre hindi ako umatras nakipag-tuos ako sa titig. Siguro kung sa comic book to or anime? May electric current na sa tindi ng pagtitigan namin.

Ewan ko ba may topak ata tong lalaking to? Ako daw ang sinisisi sa pagsalo niay sakin? Eh siya naman pala tong may sayad eh! Kung hindi niya sana ako sinalo edi hindi siya nagkaganyan. Tapos ang daming ekek ng lalaking to! Ako nalang "daw" ang gumamot sakanya, dahil ako "daw" ang may kasalanan sa nangyari kainis! Kung hindi lang talaga ako kinakain ng konsensya ko edi hindi ko to gagamutin! Nasugat din kasi ang mukha niya pero galos lang naman, meron ding sugat sa may parte ng ulo niya. Kung saan siya nauntog, at ang polo niya ay may mga bakas ng kaunting dugo. Pasalamat siya mabait ako. Hay nako! Nakakadagdag sa pimples bes!

*TUG DUG* TUG DUG* TUG DUG* TUG DUG* TUG DUG* TUG DUG* TUG DUG *

Oh? Ito nanamang puso ko nagwawala ulit? Hay naku! Nakakstress!

Agad akong iniwas ang paningin ko kay Gio at ibinalik sa pagdampi ng ice pack sa may bandang uluhan niya kung saan napuruhan but this time
dahan dahan na, kasalukuyang nasa clinic kami ngayon ng school dahil yun nga dinala namin siya dito ni Brent.

Nagpaalam narin si Brent dahil may klase pa ito binilin kong paki-excuse nalang kaming dalawa ni General at mamaya na kami papasok. Tinext ko narin ang mga besties ko na mamaya na ako papasok kasi may inaasikaso ako.

'Syempre kapag sinabi ko ang totoo edi aasarin nanaman nila ako.'

Ibinilin rin kasi ni Nurse Kim and school nurse namin, na dito muna kami para makapagpahinga si General, kaya ayan andito pa kami. Nang nangalay na ako ay ibinigay ko na kay General ang ice pack na nakapatong sa ulo niya, nuong una nag inarte pa pero sa huli ako nalalalo.

Panangdaliian ko munang iniwan si General at pumunta dun sa medical cabinet at kumuha ng bandage, cotton balls at betatine. Nang nakuha ko na ang lahat ng kailangan ko para gamutin ang sugat ni General ay hindi ko inaasahang mapapadako ang atensyon ko kay Nurse Kim.

Nakita kong nakangiti siyang palipat lipat ng tingin sakin at kay General kaya naman at nagtaka ako.

"Bakit po Nurse Kim? May problema po ba?"

She smiled even wider. "Ang cute ninyo mag-away, at tsaka bagay na bagay kayo sa isat-isa iha."

*TUG DUG* TUG DUG* TUG DUG* TUG DUG*

"Ang cute ninyo mag-away, at tsaka bagay na bagay kayo sa isat-isa iha."

"Ang cute ninyo mag-away, at tsaka bagay na bagay kayo sa isat-isa iha."

"Ang cute ninyo mag-away, at tsaka bagay na bagay kayo sa isat-isa iha."

Hindi ko inaasahang bigla kong naramdaman ang pag-init ng dalawang pisngi ko.

'Why Am I even freaking blushing?!'

Napailing nalang ako sa mga iniisp ko at tsaka mabilis na naka-isip ng sagot.

Am I Falling for a BadBoy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon