Chapter 7: His Come back

105 35 20
                                        

Nicky's Point of View:

*ring! ring! ring!*

Agad akong napabangon sa aking higaan na may mawalak na ngiti sa labi, kinapa ko ang bedside table sa tabi ko para makuha ang salamin ko. Pagkakapa ko sa salamin ko agad ko iyon na isinuot at luminaw ang paningin ko.

Napatingin naman ako dun sa alam clock ko na maingay, 4:30 palang ng umaga at mamayang 7am pa mag-uumpisa classes namin. Nakuha na namin yung mga libro, uniform, at class schedules namin kahapon.

At naka-usap ko narin si Head Mistress about dun sa dorm number ko, humingi siya ng paumanhin dahil typographical error na nangyari. Masadyo daw kasi silang naging busy sa pag-aasikaso nuong bakasyon.

Napa ngiti naman ako at pinatay ko ang alarm clock ko.

"Mmmm, ahhhww~. Good morning Tuesday!" Masayang sambit ko sa hangin at inunat ko ang aking mga kamay at paa. Matapos kong ginawa iyon, napatingin naman ako sa mga kaibigan ko.

Mahimbing pa silang natutulog, na ikina-ngiti ko nanaman, bumangon na ako sa hingaan at inayos iyon.

Pagkatapos kong inayos ang higaan ko, nag-exercise ako ng kaunti, after i did that nagpahinga ako ng kaunti at kinuha ko ang damit and underwares ko pati
tuwalya mula sa cabinet ng kwarto namin. At pumunta na ako sa comfort room para maligo.

*After a few minuets*

Natapos na akong naligo at naka bihis narin ako, bumalik ako sa kwarto namin at wala parin nagbago. Tulog parin silang lahat, napatingin naman ako dun sa alarm clock ko. 5:13 am medyo naringi kong kumulo ng kaunti ang sikmura ko. Kaya naman nag desisyon akong gisinngin na sila.

Una akong lumapit kay Atasha na mahimbing na natutulog, yakap yakap ang kayang teddy bear na puti.

"Atasha? Atasha? Gising na." Mahinang tugon ko. Bahagyang gumalaw si Atasha at kalaunan ay nagising na rin ito.

"Mmm, Ahhww~" At minulat niya ang kanyang mga mata.

"Good morning bestie!" Mahinang tugon niya sakin.

Ginatihan ko siya ng matamis na ngiti.

"Good morning, come on bangon ka na tapos gigisingin ko lang yung iba para kumain na tayo sa cafeteria." Masayang sambit ko kay Atasha.

Tumango lang siya bilang sagot sakin, at umalis na ako dun sa tabi niya at ginising na ang iba. Akmang gigisingin ko si Alliah ng bigla itong bumangon at nag-unat.

"Good morning!" Masayang tugon ko kay Alliah, napatingin naman siya sakin at ngumiti.

"Good morning." Inaantok na bati sakin ni Alliah.

"Halikana gisingin na natin yung iba para makakain na tayo sa cafeteria." Aya ko sakanya, tumango siya sakin.

"Sige sige, mag-eexercise lang ako ng 10 min. tapos kukunin ko na yung card ko." Tumango naman ako sa sinabi ni Alliah. Napatingin naman ako sa iba naming kaibigan, napansin kong isa isa silang nagising at binabati ako ng "Good Morning" ganon din ang bati ko sakanila. Manliban lang kay Jaira.

This time since tulog mantika ito, gugulatin ko nalang.

'I'm so evil haha!'

Dahan dahang akong lumapit sa tabi niya at nakita kong masarap nga ang tulog niya, may eye mask nga siya at nakasulat ang favorite kpop boy group naming lahat and BTS.

Pilit kong pigilin ang tawa ko sa aking gagawin, bahagyang nakikita ko rin ang mga kaibigan ko na humahagik-gik pero pigil dahil baka masira ang plano ko.

Am I Falling for a BadBoy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon