Nicky's Point of View:
Nagmamadali akong naglalakad ngayon dahil baka hindi ko na maabutan si Head Mistress. Habang naglalakad ako ng hallway nagtaka ako dahil marami akong nasasalubong na mga istudyante.
'Saan kaya sila pupunta?'
Hindi ko nalang pinansin ang mga nasasalubong kong mga istudyante at nagpatuloy lang akong maglakad papuntang head mistress office.
Pero unti unti rin akong huminto ng may marinig akong sumigaw sa may likuran ko.
"Nicky!! Nicky!!" Agad naman akong napaharap kung sinong tumatawag sakin. At nakita ko ang mga kaibigan ko na tumatakbo paplapit sakin. Nang nasa harapan ko na sila, isa isa nilang hinahabol ang kanilang hininga.
Ako naman ay nakatayo lang doon at inaantay silang matapos. Nang matapos na sila, agad silang nag-ayos ng kanilang sarili.
"N-nicky, hindi mo ba kami naririnig kanina?" Tanong sakin ni Alliah. Nagtaka ako ng kaunti at napa-iling nalang ako bilang sagot ko sa tanong niya.
"Hay naku! Na sobrahan niya ang pakikinig ng kpop." Parangal sakin ni Imman na agad ko namang ikinatawa. Pero napansin kong seryoso silang nakatingin sakin kaya naman ay huminto na ako.
"S-sorry guys, kung hindi ko narinig ang tawag ninyo kanina nagmamadali kasi ako." Mahinang sabi ko at napa yuko ako sa harapan nila.
Narinig kong bumuntong hininga si Irene bago siya nagsalita.
"Oh, tama na nga iyan. Halikana Nicky sama kana samin." Sabi sakin ni Irene. Agad ko naman itinaas ang aking ulo para sagutin ang sinabi niya.
"Ah? Ako sasama? Eh, pupunta ako kay Head Mistress eh." Malumanay sa sagot ko sakanya. Agad naman silang nagitinginang lahat sa isat-isa na puno ng pagtataka. Ako naman rin ngayon ay nagtataka sakanila.
"Anong pinagsasabi mo ha? Wala dun si Head Mistress, nasa gymnasium sila ngayon. Inannounce pa ni Ma'am Emerlyn kanina na pumunta daw lahat ng studyante sa gym. Dahil may iaannounce si' HM'. " Pag-papaliwanag sakin ni Irene. Tinignan ko siya ng puno ng pagtataka ang aking mukha.
"Baka i-we-welcome tayo ni HM? Just like every year. " Sabi naman si Francheska.
Doon na nag-sinkin sa utak ko ang lahat ng sinasabi nila. Nakalimutan ko na na iannouce pala ni Ma'am Emerlyn iyon, kaya naman ay napa-tango naman ako at inaya sila.
"Oh? Tayo na guys."
"Tara."
At naglakad na kaming lahat papuntang gymnasium, medyo malayo ang gymnasium sa head mistress's office tsaka medyo late narin kami kaya naman nag decide kami na takbuhin nalang namin.
Ako naman before kami tumakbo nakipag bet ako, kung sino ang huli siya ang maglilibre ng lunch. Kaya naman nagsi-kuri paspas ang takbo naming lahat.
And guess who kung sino ang pinaka una, si Atasha! She's so fast!
Pagkarating naming lahat doon ay hinihingal at pinagpapawisan kami dahil sa kakatakbo. Marami samin kagaya ko ang napayuko at nakahawak sa tuhod habang hinahabol ang hininga. Ang iba samin naman ay nakasandal sa pader habang naka tayo.
Pero may isa samin ang tinitignan kami ng puno ng pagtataka, guess who?
"Anong ginagawa ninyo?! Halina kayo, baka wala na tayong maupuan." Sabi samin ni Atasha. Nakita ko na nakatayo siya sa harapan namin, kaya naman tiningala ko siya at nakita ko ang gagang naka meywang habang tinasaan ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
Am I Falling for a BadBoy?
Teen Fiction*Taglish* What if I tell you I hate him? What if I show you who he really is? What if I tell you he is the most evil person I know? But why did I experience this feeling? The most odd thing I ever encountered? I never got along with him, but I fo...
