Chapter 20: Curiosity

28 2 0
                                    

Hey pandas! Here's the promised update! Medyo nalulungkot ako kasi may mga nag-unfollow sakin pero okay lang yun I won't blame you :). That's only a warning that I should be more attentive to you guys. Sorry kung natagalan, personal problems.

-Ms. Author

Nicky's Point of View:

"Ito na talaga yung last na mangyayari ito. Hindi ko na ito dapat ulitin!" Padabog kong bilin sa sarili ko habang inaayos ang mga box.

"Hoy! Mukha kang engot jan kausap ang sarili mo." Pang-aasar naman ni Giovani sakin.

"Edi wow!" Bulyaw ko naman sakanya.

"Will you two stop talking and just work?!" Sigaw naman ni Ma'am Satana.

Nakalimutan ko palang nakabantay siya saamin. Hindi kasi siya nag titiwala saamin. Baka daw tumakas lang kami at hindi gawin ang inuutoos niya. As if naman na gagaiwn ko yun? Except lang dun sa isa. For sure tatakas yan, yan pa? Tamad eh.

"Yes ma'am." Sabay naming sagot kay ma'am.

At muli nag umpisa akong ayusin ang mga papel na nag kalat sa paligid at inilalagay sa box. Mag dadalawang oras na kaming ng lilinis dito sa Statistics Office ng school.

Hindi ko nga maintindihan si Ma'am Lashoka eh, sabi niya one hour community service pero naging two hours! Ang galing!

Bitbit ko ang isang box na naglalaman ng daang daang mga papel ng mga naging estudyante ng school. At sobra ng bigat pa nito! Ngalay na nga mga braso ko eh!

Dahil sa layo ng nilakad ko mula sa pinang galingan ko kanina ay unti unting dumidilim ang paligid ng dinadaanan ko ngayon. Napupunta na ako sa isang madilim na parte ng Statistics Office.

At ako naman tong si engot hindi nagdala ng flashlight. Hmp! Bahala na jan! Kaya ko naman siguro?

Habang naglalakad ako sa masukal na parte ng office. Bigla akong natisod at nadapa.

"Aray! Fishoko naman oh!"

Nabitawan ko kasi yung box na naglalaman ng mga papeles. Na nagkalat tuloy sa paligid. Na dagdag tuloy sa trabaho ko ulit.

Dahil dulot ng katangahan ko kanina lang, maski yung salamin ko natanggal. Ayan tuloy wala akong makita. Peste naman oh!

"Asan na ba salamin ko?" Kinapa kapa ko ang paligid ko baka sakaling mahawakan ko ang salamin ko. Mabuti nalang st sumang-ayon saakin ang swerte at nahanap ko ito.

Agad ko iyon sinuot at pinag-pag ko ang mga duming kumapit sa uniform ko dahil sa pag ka dapa ko kanina.

'Whoo! Buti nalang walang naka kita nun, nakakahiya.'

Matapos kong ayusin ang sarili ko huminga ako ng malalim at tinitigan ang kalat na asa harapan ko ngayon. Mapapa hilot ka nalang ng sintido dahil sa dami ng nag kalat na papeles sa sahig ng opisina.

"Kaya ko ito, fighting!"

At muli nag-umpisa na akong ayusin ang kalat na asa harapan ko.

Am I Falling for a BadBoy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon