Nicky's Point of View:
Kinabukasan.
Maaga akong nagising at pinatay ko ang alarm at kinuha ang glasses ko at sinuot iyon. Matapos non ay bumangon na ako at inayos ang kama, and after that i just did my everyday exercise routine and went to the bathroom and bathed and got dressed after that.
After kong makapag-bihis ay ginising ko na ang mga bessy ko para pumunta sa cafeteria at kumain ng agahan.
Cafeteria.
"Good Morning Ma'am! Ano pong order ninyo?"
"Hmmm? I'll take the Set A9 with black coffee."
"Okay po ma'am! That will be P246." At inabot ko ang student card ko sa cashier at agad naman niyang iniswipe ito at ibinalik din sakin.
"Thank you ma'am! Paki hintay nalang po order ninyo. " At inabot niya sakin ang isang tray na may number stand. "Next!!"
Agad ko naman kinuha iyon at pumunta sa table namin. Pagkalapag ko ng tray ay agad akong umupo at kunot noong tinititigan ang number stand.
Iniisip ko kasi kung ano nanaman ang gagawin saking 'kababalaghan' ni General mamaya.
'Ano kayang kalbaryo nanaman ang haharapin ko?'
Taimtim akong nag-iisip kung papaano ko siya iiwasan para hindi niya magawa ang plano nito ng biglang....
*POINK*
"ARAY! Sinong namitik?"At hinimas ko ang noo ko at napatingin ko sa mga kaibigan ko. Na nagpipigil ng tawa, kaya naman ay nainis ako.
"Bakit kayo natatawa?" Inis na tanong ko sakanila. Nagkatinginan lang ang mga ito at nag-ngingitian.
'May mga sayad yata ang mga ito? Aish!'
"M-Ma'am?"
"Ano?!" Sigaw ko, at napalingon naman ako sa direksyon kung saan may tumatawag sakin. Nagulat ako ng kaunti dahil nasa harapan ko pala yung order ko hawak hawak ng waitress.
"Ah? S-sorry po ma'am. Kanina ko pa po kasi kayo tinatawag eh? Hindi ninyo po ako pinapansin. Ito na po order ninyo ma'am." At inabot niya sakin ang pagkain ko. Pero hindi ko iyon tinignan dahil naka-tuon ang atnesyon ko sakanya. Iniintindi kong mabuti yung sinabi niya sakin.
Pero naka kunot parin ang noo ko, kung hindi ko man narinig ang tawag niya sakin bakit pa kelangan niyang mamimtik ng noo? Eh kung siya gawan ko niyan. Naka tingin lang ako nang blanko sakanya habang naka kunot parin ang noo ko.
'May narinig ba ako kanina? Eh wala naman? Gaano pa ako ka tagal nag-iisip? Aish! Ewan!'
"Sige po ma'am." At lumisan na sa harapan ko ang waitress, naka-tigtig lang ako kay ate na papalayo samin.
Napailing nalang ako at napatingin sa pagkain ko. Bago ako nagsimula ay nagdasal ako ng taimtim at pagkatapos non ay nagsimula na akong kumain.
Habang kumakain ako ay nagkwekwentuhan ang mga kaibigan ko habang ako ay tahimik lang at nakikig sakanila. Nakikitawa narin ako sakanila. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami agad sa dorm.
Dorm.
"Ah? Ano pang kulang? Uhm? Ahh!Tama! Benda!" At agad kong hinanap ang benda sa emergency kit namin dito sa dorm. At inilagay sa backpack ko.
"Hoy?Anong ginagawa mo?" Napaangat naman ako ng tingin dun sa nagsalita. At nakita ko si Samantha na natingin sakin ng puno ng pagtataka habang naka-meywang. Ibinalik ko ang tingin ko sa backpack
BINABASA MO ANG
Am I Falling for a BadBoy?
Novela Juvenil*Taglish* What if I tell you I hate him? What if I show you who he really is? What if I tell you he is the most evil person I know? But why did I experience this feeling? The most odd thing I ever encountered? I never got along with him, but I fo...
