Chapter 19: Quiz?!

65 5 0
                                        

Nicky's Point of View:

"Hoy nerd! Tulog na!"

"Hoy nerd! Tulog na!"

"Hoy nerd! Tulog na!"

"Hoy nerd! Tulog na!"

'Aish! Bat ba hindi mawala sa isip ko yan?!'

Kagabi pa yan na paulit ulit na nagflaflash sa utak ko. Ehh anong espesyal diyan sa message na yan?! Eh wala naman ah! Ano ba kasing pumasok sa utak ng crocodilong yun? Pati tuloy ang nananahimik kong utak nagulo dahil sakanya. Ni hindi na nga ako makapag concentrate sa mga ginagawa ko eh! Aish! Peste ka nga sa buhay ko kelan kaba mawawala? Kagaya dati?

Pero kasi makulit ang utak ng lola ninyo eh, laging pumapasok sa utak ko ang tanong na.

'Bakit kaya siya ng message ganun..? Anong purpose niya?'

Kung ang plano niya ay ang guluhin ang utak ko pwes nagtagumpay siya....Pero.....Hindi kaya....Gusto niya ako—

Yak!! Eww! Eww! Eww! Never Nicky never! Yung heneral na yun magkakagusto sakin? Hahahaha!Nahihibang na ata ako? Aish! Kadiri naman! Ano ba yan kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko!

Buti nalang at nagising ako sa isang napakasamang muni muni ko sa buong buhay ko dahil sa ingay ng classroom namin. Wala pa kaming lecturer ngayon at kasalukuyang hinintay namin, nasa kasamaang palad nga lang. Siya lang naman ang pinaka maganda, pinaka mabait, pinaka sweet, pinaka maintindihin, at pinaka paboritong lecturer ng mga estudyante dito sa buong Star Mist Heartfillia High! Wanna know her? Do you? You know what scratch everything I said a while ago. Masama mag sinungaling eh!

Agad kaming tumahimik dahil sa makarinig ng isang  malakas na kalampag ng pagbukas ng pintuan ang umalingaw-ngaw sa buong apat na sulok ng silid aralan namin. At agad inuluwa nun ay walang iba kundi ang pinaka legendary sa lahat ng teachers dito.

Ang nag-iisang "Mrs. Satana Lashoka De Ville."

Si Mrs. De Ville lang naman ang pinaka terror sa lahat ng teachers dito. Hindi naman kagandahan dahil medyo matanda na ito at mahaba ang baba animoy spada. Buti nga hindi namamatay eh ang talim kasi, siguro kapag ihohostage yan mamatay yung manghohostage dahil papatayin niya agad yun. Tapos ang napaka-lapad at makinang na noo na akalain mong ulo ng isang panot it kalbong tao sa kinis nito, dinaig pa nga ata nito ang skin head na nagpawax ng ulo eh! Ang mga mala-alon nitong wrinkles sa noo na magmumukhang alien sa dami.

Ang mukhang parang sinipa ng kabayo na nabwisit sa pagmumukha niya, ang kayang ipinagmamalaking dibdib na animoy sinuksukan ng papel para lang magka-umbok, at ang napa-lakas na boses nito na kapag nagsalita ay parang kabayo. Dagdag mo pa ang kasungitan nito at pagkasobrang strikta, marami sigurong staff dito ay halos nasigawan na niya at nasermonan. Buti nga nakapag-asawa pa eh.

Tsaka pala eh sino ba naman ang hindi matatakot sa terror na yan! Pag sinaltik yan kahit walang valid reason detention. Ganyan kalala yang tandang yan. Bali-balita nga ang dami na niyang ibinagsak. Na hindi naman nakakapag-taka, siya pa! Oh don't get me wrong hindi naman na hate ko siya neutral lang naman. I'm just simply stating the facts that I observe.

Naglakad lang siya at hindi kami pinansin ng dere-deretso  papunta ng teachers table. Pero malapit na ito sa table ng matisod at tumama sa lamesa ang noo at napa atras pa ito at nagsihulugan ang mga hawak niyang libro at netbook.

"Pfft!" Hirap na hirap akong pigilin ang tawa ko na nakita kong eksena kani-kanina lang. Sino ba namang hindi matatawa sakanya? Eh mukha siyang talong na may bunganga at mala alien dahil sa lawak ng noo. Dagdag mo pa yung facial expression niyang naka "O" ang bibig tapos sabay himas sa noo. Actually sratch lahat ng sinabi ko in short mukha siyang unggoy.

Am I Falling for a BadBoy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon