*Long time crush*Krishna's P.O.V.
"Uhmm Jake sino yang tinititigan mo?"tanong ko ng maayos. Alangan namang pasigaw. Ayaw ko namang mag scandal dito noh.
"Siya si Maxine Benavides. Long time crush ko."sabi naman pabalik ni Jake..
Wait, wait... What?! Long time crush niya?!
"Paano?"tanong ko. Kailangan ko munang kilatisin yung babaeng yun. Waaahhhh... Nag aya pa kasi ako dito yan tuloy nakita na niya yung long time crush niya.
"Nung bata pa kasi kami palagi ko siyang kalaro kaya nung tumagal naging crush ko na siya" Sabi naman ni Jake sa akin....
Nice huh? Childhood friends tapos nagka developan. San ako din -_-
"Childhood best friend?"tanong ko naman kay Jake. Malay ko ba kung mag best friend sila. Mamaya may gusto din yang maxine na yan kay Jake.
Edi END OF THE WORLD na!
"Hindi naman, childhood friends lang" sabi naman ni Jake kaya naka hinga naman ako ng maluwag.
Pero bakit kanina sinasabi ko na parang nag fa-fade na yung feelings ko kay Jake pero ngayon nababaliw ako dahil nalaman ko na yung crush niya at yung malala pa nun hindi ako yun.
Haysss.. Mamaya ko na nga lang problemahin toh. Mag lalaro na nga lang muna ako.
"Jake, mag lalaro na ako ah" sabi ko naman at umalis na dun sa kinatatayuan niya...
Pumunta ako sa may claw machine at naglaglag ng isang token sa machine.
*few minutes later*
Anu ba yan?! Kanina pa ako naglalaro dito tapos wala man lang akong nakukuha?! Paubos na yung tokens ko.. May daya ata toh eh?!
Bwisit na claw machine yan.. Nagsasayang lang ako ng token dito sa larong toh. Aissttt..
Okay kalmaaaaaaaa.......
So eto na tayo kalma na... May nakita akong lalaking tumapat sa akin. I mean sa tabi ko..
Wait, wait... Si Red toh ah.. Pati ba naman dito sinusundan kami. Pero ayaw ko anmang maging assuming ngayon kaya siguro nagkataon lang na dito rin siya pumunta pagkatapos ng movie.
Nakita kong naghulog na siya ng token tapos naglaro...
Wow... Nakuha niya.. Bakit ang galing niya dito.. Bakit maswerte siya dito hah... Tapos ako hindi. Syetness.
Tumingin siya sa akin ngayon tapos parang pina iinggitan.. Aba- Aba... Lakas ng loob ng lalaking tong mangiingit ahh...
Pero sa totoo lang naiinggit nga ako -_-
Ikaw ba naman pakitaan ng teady bear na nakuha niya kahit unang try niya palang nakuha niya tapos ikaw ilang try na tapos di parin nakakakuha ni isa... Sinong hindi maiinggit dun aber?"Sayo na nga lang kawawa ka naman"sabi sakin ni Red tapos tumawa. Wow nagmalasakit na nga nang insulto pa.
Pero okay na rin. Binigay niya naman sakin yung nakuha niya eh. Kaya good.
"Thank you"sabi ko kay Red habang niyayakap ko naman yung teady bear na binigay niya sa akin.
"Youre not welcome -_-"sabi niya naman. Nasabihan na nga lang ng thank you tapos naging demonyo ulit?Ano sya transformers?
Lumakad na siya papaalis...
"Thank you ulit!"sigaw ko naman sa kanya habang naglalakad siya pero dinedma niya lang ako. Talagang masama talaga ugali nito.
Walang manners lang bes? Parang di naturuan ah..
*Krishna's Condo*
Nasa condo na ako ngayon kasi po may pasok na kami bukas.. Kaya dito na ako sa condo ko. Back to reality na naman ulit.
Ang saya ngayong araw na toh. Ewan ko kung bakit... Basta masaya lang ako ngayon. Yun na yun....
Kinuha ko yung cp ko tapos nag log-in sa fb acount ko and then nag status.
"Best Day Ever"
Ayan yung status ko..... Sa sobrang saya ko ngayon pati facebook account ko dinamay ko na rin para masaya. Damayan lang ang peg.
Bigla namang nag vibrate yung phone ko..
Red Collins comment on your post
Nice nag comment kaagad tong pulang toh...
Pinindot ko yung sa post ko tapos tinignan ko yung comment niya.
'Idiot'
Yann... Wow hah mag co comment na nga lang tatawagin pa akong ganyan. Hindi ba pwede nice comment naman para mas natuwa pa sana ako.
Hay nako masyado kasi siyang mayabang kaya ang lakas parin ng loob niyang mag comment sa walang kalaban laban XD
Binuksan ko yung messenger ko tapos sinearch yung pangalan ni Pula...
Tapos minassage ko siya..(A/N:Uyy pumapagibig..Wahahaha. Wala paring porebs mag bre break din kayo sa 23)
So eto yung message ko sa kanya..
*Conversation*
Krishna-Hoy anong Idiot ka diyan na pinag co comment mo.. Burahin mo yun.. O kaya wag ka nalang mag comment kung ganun lang din i co comment mo!!
Red- Tss... I dont care
Krishna-Wow hah. Ang haba ng sinabi ko tapos I DONT CARE lang reply mo. Walang kwents.. Bala ka na nga sa buhay mo..
*End of conversation*
Ayan yun..
Nakakabwisit naman pala ka chat yang pulang yan.. Ang haba mag reply grabe kinabog pa yung tula sa sobrang haba mag reply... Katamaran nga naman..
Pag nakita ko yan bukas sisigawan ko talaga yan.. Ka banas talaga yang lalaking yan ehhh..
Bahala nalang bukas... Matutulog na ako para maaga pa akong makagising. Ayaw ko din namang ma late..
K bye bye guys.....
"Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz"
-----------------------------------------------
A/N: double update for today. Gusto ko lang makabawi kahit hindi masyadong mahaba toh.. Minadali ko lang kasi eh... Habang may naiisip pa akong mga ideas....Ano kayang gagawin ni Krishna pag nakita niya si Red sa school..Hala baka ma suspend siya malapit pa naman graduation nila....
Anyways abangan niyo nalang yung next update and dont forget to vote and comment in my story hope you guys enjoy.. Byee
💜little-carly

BINABASA MO ANG
Crazy Inlove
Fiksi RemajaYung mahulog ka nalang bigla sa isang lalaking hindi mo pwe-pwedeng mahalin kasi may masasaktan.At yung malapit mo pang kaibigan. At sa hindi inaasahan nahulog rin siya sayo.Kung mag mamahal ka pabalik baka masira ang pagsasama niyo ng matagal mo ng...