*True Colors*Krishna's P.O.V.
"Antagal naman.." Reklamo ko kasi nga andito kami sa practice ngayon.. And sobrang bagal pa kumilos ng mga batch mates ko kaya sobrang nakakabagot...
"Hindi ka ba nangangawit Ryle?"Tanong ko kay Ryle.. Kay Ryle ako nagtanong kasi syempre siya ang malapit sa akin and he is the salutatorian kaya magkatabi kami..And sa likod namin yung mga parents which is okay para makasabay na din yung mga magulang namin.
"Nangangawit na din...pero okay lang katabi naman kita" Sagot niya pabalik sa tanong ko... Bakit ang hina ng pagkasabi niya sa dulo-duluhan... Masyadong pa mysterious tong si Ryle kala mo naman kasali sa isang gang XD
"Kainis naman yang ibang batch mates natin.. Ang tagal mag lakad eh noh" sabi ko naman sa kanya kaya tumawa siya... Ano naman kayang nakakatawa sa sinabi ko aber?
"Tinatawa mo diyan?"
"Kanina ka pa kasi reklamo ng reklamo eh...pfftt.."
"Edi wow" sabi ko sabay peace sign... Wahahahahaha ang ganda ng pagsasagot ko noh?
Tinoon ko nalang yung tingin ko stage tinignan ko yung susunod na aakyat.. Babae siya and i dont know kung anong pangalan niya kasi di naman namin ka section yan eh... Di ako mapagtanong.. Chhaarrr..
Tinignan ko sa mata yung girl.... Bakit parang ang sama ng tingin niya sa akin? Anong ginawa ko? Kung tungol man toh sa crush niya or whatsoever.. Wala na akong pakeelam diyan isaksak niya pa sa baga niya tskk...
Masyado siyang possessive kung totoo man yung hula ko...*6 minutes later*
"Please stay in youre place" sabi ng mcee
Natural andito lang naman kami... Tapos tatayo ulit ng matagal... Masiyadong madaming gagawin sa graduation eh noh? Andaming arte naman..
*after the practice*
"Hoy Joyce wag ka na ulit mag e-space out" sabi ko sakanya..
"Opo madam"sagot naman niya sabay saludo.. Ayyy... Nababaliw teh?
Naglalakad kami ngayon kasi katatapos lang ng practice namin and pwede na ring mag recess kaya papunta ulit kami sa cafeteria gaya ng kahapon....
"Parang ayaw ko ng pumasok bukas"sabi ko kay Joyce
"Hoy babae... May practice tayo noh.. Valedictorian ka pa naman.Bad influence ka sa mga students"
"Paki ko ba... Eh antagal tatayo eh tsaka nakakatamad kaya.."
"Katabi mo kaya si fafa Ryle.. Kung ako sayo di na ako a-absent"sabi niya sabay hawak sa face niya... Kunware parang namumula ang peg..
"Puro pogi nalang nasa isip mo... Bad influence ka din... Dapat pag-aaral muna bago landi"
"Grabe naman toh... Syempre para busog mata... Di ko naman lalandiin sila.. Tsk.. Mapagalitan pa ko ni mommy"sagot niya na naman ulit
"Good"sabi ko sabay tumbs up sa kanya... Di ko alam kung paano ako nagkaroon ng kaibigan na ganito.. Puro pogi ang laman ng isip.. Kung mag stock kaya siya para sa studies..
Hayyss ayaw ko talagang pumasok.. Kaso baka magalit teachers... But would they mind? Kabisado ko naman na eh.. Paulit-ulit lang naman kasi ginagawa.. Sinong hindi makaka kabisado dun... Tsk.. This is so freaking boring..
"Sa labas nalang tayo kumain.. Tara"sabi ko sa kanya.. Madami din kasing nagtitinda diyan sa labas.. May street foods din... At kung hindi niyo pa alam na street food lover ako pwes, ngayon alam niyo na...
"Ala di ko makikita si Red"sabi naman ni Joyce
"Gaga ka talaga.. Kaka kita mo palang kanina... Sa labas nalang tayo kumain. Miss ko na rin kumain ng street foods eh"
"Sabagay.. Tara.."sabi ni Joyce sabay higit sa kamay ko at naglakad na..
Buti naman pumayag na tong babaitang toh... Puro Red nalang tumatakbo sa isip ganern? Masyadong adik lang ang peg niya..
*fast forward*
"Magkano po lahat?"tanong ko kay manong na nagtitinda... Nasa labas na po kami... And nabasa niyo naman na bumibili na ako so yun..
"35 lang ineng"sabi ni manong na nagtitinda kaya kumuha ako ng 50 pesos sa wallet ko...Tsaka binigay kay kuya...
Kukuha na sana siya ng pang barya niya ng..
"Keep the change nalang kuya"sabi ko. Whahaha ang bait ko diba? Ehh.. Konti naman na yung sukli eh.. Tsaka para tulong na rin kay kuya...
Ayy.. Oo nga pala, Si Joyce wala pa...
Bumili kasi siya ng tubig kaya nagpabili na rin ako... Bakit kaya ang tagal nung babaitang yun.. Anong kabalbalan na naman kayang ginagawa niya 0o0
Emeghed...Charot lang... Wag niyo nang intindihin yung sinabi ko dahil nakita ko na si Joyce na papalapit dito na may hawak na plastic... Siguro junk foods na naman kakainin nito.. Di man lang nagsawa. Well sa totoo.. Di naman talaga nakakasawa XD
Nang nakalapit na sa akin si Joyce agad ko siyang tinanong..
"Inumin ko?"sabi ko.. Kaya kinuha niya doon sa loob ng plastic bag na hawak niya and ibinigay sa akin...
"Balik na tayo"sabi ko tsaka nauna ng maglakad...
Nang nakarating na kami sa loob ng school.. Naghanap muna kami ng bench syempre para may upuan habang kumakain...
**fast forward (again XD)**
Kumakain na po ako ngayon... And dinadama ko yung bawat lasap hahaha... Malasa naman kasi eh..
Mayamaya may nakikita akong papalapit sa amin...
Una kong nakita si Ryle...
And kasunod yung isa niyang kaibigan pero di ko alam pangalan.. Sabi ko naman sa inyo di ako chismosa...
Nang medyo malapit lapit na sila dito sa amin... Nakita ko na kung sino yung nasa likod nilang dalawa ng kaibigan niya...
Bakit ba lagi nalang kita nakikita?Ano bang kasalanan ko sayo at palagi tayong pinagtatagpo ng tadhana?
To be continued...
-------------------------------------
A/N:Sorry for the late update... And sorry rin kung mahilig akong magpahula ng kung ano anong bagay.. Ganyan talaga ako... Anyways salamat sa mga patuloy na nagbabasa parin ng story ko.. I really do appreciate it. And I decided na ituloy ko nalang tong kwentong to... And fo the next chapter i tutuloy ko tong mystery kuno na toh para malam niyo kung sino.. Hopefully kilala niyo na siya XD.. And again dont forget to vote and comment on my story... Hope you guys enjoy this chapter see you in the next update good bye..
💜little-carly
BINABASA MO ANG
Crazy Inlove
Teen FictionYung mahulog ka nalang bigla sa isang lalaking hindi mo pwe-pwedeng mahalin kasi may masasaktan.At yung malapit mo pang kaibigan. At sa hindi inaasahan nahulog rin siya sayo.Kung mag mamahal ka pabalik baka masira ang pagsasama niyo ng matagal mo ng...