Part:1

620 19 2
                                    

Krishna's P.O.V.

Habang kumakain kami sa caf ni Joyce at syempre nag kwe kwentuhan sa kahit ano anong bagay.

Biglang bumukas yung pintuan ng caf kaya halos lahat napatingin dun.Halos lahat lang ahh..

2 lalaki ang pumasok na naka agaw ng pansin ng lahat ng mga babae dito tsaka bakla din pala haha.Kahit bata pa sila ang lalakas na ng mga appeal kala mo model ehh..

Kasali pala si Red dun and hindi ko alam kung sino yung isang lalaki.Siguro tropa niya lang or what.

Tumungo sila sa may malapit sa amin na table.Tapos syempre doon umupo.
Malamang uupo sila dun alangan tatayo lang sila.

"Uyyy...Bes kinikilig ako."sabi naman bigla sakin ni Joyce na medyo pabulong tapos naka tingin ng deretso sa akin na para bang nag blu-blush.

"Luh.Bakit naman?"tanong ko sakanya ng may pagtataka sa mukah ko.Syempre di ko naman alam kung saan siya kinikilig.Malay ko ba diyan sa babaitang yan.

"Ehhh kasi naman ehhh.."sabi niya ng medyo pabebe pa ang boses.

"Ewww...Ang pabebe mo naman Joyce di mo bagay."sabi ko pabalik sa kanya ng may expression na naman sa mukah ko.Yung para bang nang didiri.Halata naman sa sinabi ko kanina ehh diba.

"Ehhh kashi naman nasa malapit lang sa atin yung mga fafa."sabi niya with matching kilig kilig actions...

"Ano ba yan Joyce.Study first muna ako kaya wag mo nga akong masali sali sa kalandian mong yan."sabi ko sa kanya tapos winave wave ko yung kamay ko na para bang pinapaalis ko siya.

"Ang sama mo naman sa akin bes.Parang di naman kita kaibigan diyan ehh..Tsaka maka landi ka naman sa akin.Hindi naman ako sobrang landi konti lang.Crush ko lang naman yang dalawang pogi na nasa paligid natin ehh."sabi niya ng mahaba tapos parang hinihingal din syempre ang haba kaya nun.

"Ohh.tubig,inom ka muna."sabi ko sa kanya sabay abot ng mineral water na naka bottle.

Kinuha niya naman yun tsaka binuksan tsaka uminom din kaagad.Yung para bang uhaw na uhaw.Kala mo naman hindi na kainom ng isang taon.And take note, naubos pa niya yun ahh.Grabe ang takaw niya sa tubig.

"Takaw mo ahh.."sabi ko sa kanya ng deretso.Tapos tumingin sa baba tapos tumingin ulit sa kanya.

"Matakaw talaga ako sa tubig kaya ganun."sabi niya sakin tapos naka tingin sa ibang dereksyon.Kaya tinignan ko naman yung tinitignan niya.

"Luh, ano yan ha Joyce baka matunaw na sila nan."sabi ko sakanya tapos nakatingin din sa dereksyon nila Red.

"Ehhh...Kasalanan ko bang biniyayaan  sila ng diyos ng ganyang ka gwapong mukah.Kabata bata pa naman nila pati din naman tayo pero ang pogi talaga nila."sabi niya sa akin ng nakatingin na sa akin pagkatapos niyang magsalita tumingin na naman siya sa dereksyon nila Red.

"Ayyy...In love ka na noh Joyce?"sabi ko sa kanya.

"H-hindi ko alam pero aalamin ko yan."sabi niya sa akin.

"Alis na tayo Joyce ubos na yung pagkain natin ohh.."sabi ko naman sa kanya tapos tinignan tignan yung mga platong wala ng laman.

"Mamaya muna."sabi niya sa akin tapos nakatitig kay Red?!May ghad kaylangan na di ko na siya maging crush para hindi kami mag ka away ni bes.

"Halika na kasi."sabi ko naman sa kanya sabay hila ng kamay niya kaya wala naman na siyang nagawa kundi tumayo na rin.

Habang naglalakad ako i mean kami ni Joyce.May naisipan akong itanong sa kanya.

"Joyce."tawag ko sa kanya.

"Hmmm?"sabi naman ni Joyce ng nakatulala tapos parang ang lalim pa ng iniisip niya.

Crazy InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon