III.

1.9K 42 2
                                    

"But the good times couldn't last forever"
- Trainspotting.

Chapter Three : You, again.

Hindi na ako nakabalik ng hotel kagabi. Nagkayayaang uminom eh, halos madaling araw na kami natapos. Kaya dito na ako pinatulog ni Bea.

Pag-gising ko ang sakit ng ulo ko, kaya tumayo na ako at dumeristo sa kusina. Nagtimpla ng coffee tapos umupo ako sa terrace. Tulog pa sila, mga lasing eh. Haha.

Tanaw na tanaw mo ang buong Makati mula dito sa terrace ng condo ni Bea. The sun is rising behind the buildings. Hindi ko alam pero there's something special about sunsets and sunrises for me.

Habang malalim ang inisip ko. Gising na pala si Bea.

"Sakit ng ulo ko. Ughh!!" sabi niya habang nakaupo at hawak ang ulo.

"Parang di ka naman sanay. Hindi ka nga marunong malasing eh. Haha"

"Haha. Oy! Natigil na yun noh. Hindi na ngayon." depensa niya.

"Ah nagbago na ba? Haha. Coffee? Gusto mo? Pamtimpla kita."

"No! It's okay. Tubig lang to" sabi niya.

Pumunta siyang kusina, kumuha ng tubig tapos bumalik din siya.

"Babalik ka sa hotel ngayon?" sabi niya.

"Oo eh. Nandon mga gamit ko"

"Mag-check out kana. Dito ka muna mag-stay sa condo ko." sabi niya

"Ha? Wag na! Nakakahiya naman"

Natawa siya.

"Jusko talaga? Kelan ka pa nahiya sakin Den?" sabi niya.

Natawa din ako. Oo nga pala.

"Sige na, dito kana. Dito rin nagsstay sina Ella. Tsaka madami kang utang samin no kaya maraming kang babayaran." sabi niya.

"Haha. Oh sige sige. Pero kukunin ko muna mga gamit ko sa hotel"

- -

Sinamahan ako ni Bea at Ella na kunin mga gamit ko sa hotel gamit yung kotse niya.

Habang nasa daan kami. Tingin ng tingin sakin si Ella.

Hinampas ko siya.

" Hoy Ella! Ano ba yan. Ang creepy mo na ha?"

"Kasi pinagmamasdan ko yang mukha mo. Haha" sabi niya habang natatawa.

"Ha? Bakit ano ba meron sa mukha ko?"

"Kasi inaalala ko yung itsura mo nung last tayo nakita. Ang laki ng ginanda mo." sabi niya

"Tigilan mo ako Ella ha! Wag ako!"

Natawa kaming tatlo.

"Totoo nga Den! Ano bang meron sa LA? Baka kailangan ko na rin pumunta doon" sabi niya

Napahalakhak kami ni Bea.

Tapos biglang sumeryoso yung mukha niya.

"Nako! Pano pag nagkita na kayo. Malaking pagsisisi siguro." sabi ni Ella

Walang nagsalita. Napatulala nalang ako sa daan. Sila din tumahimik. Hindi siguro nila sinasadyang masabi yun.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon