VII.

1.6K 40 2
                                    

"It's still you. It's still you."
- Margaret Atwood.

Chapter Seven: Star.

"My biggest mistake was I did not wait for you"

Paulit-ulit kong inikot sa isip ko yung sinabi ko. Kung mali ba na yun ang sinabi ko, o tama lang na nalaman niya yung totoo. Oo yun yung totoo, na hanggang ngayon umaasa ako na maaayos pa ang lahat. Na babalik pa sa dati ang nakaraan. Oo hindi ako naghintay, hindi ko siya hinintay. Kasi ang buong akala ko, imposible na bumalik pa siya. Na tapos na lahat. Tumigil ako sa paghintay, pero hindi ako tumigil umasa. At ngayon ko lang napagtanto na mali pala na umasa ako. Dapat pala naghintay ako.

Napamulat ako sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Binuksan na pala ni Mama yung kurtina. Tinanghali na pala ako.

"Ly, tumayo ka na jan. Lalamig na yung almusal sa baba." sabi niya.

"Anong oras na Ma?"

"Alas onse na anak." sabi niya.

Nag-unat na ako at umupo sa kama. Si Mama inaayos yung mga libro ko sa study table ko.

"Kamusta naman yung party kagabi?" tanong niya.

"Okay naman po, masaya."

Umupo siya sa tabi ko. Inayos yung mga unan ko. Bigla siyang tumingin sakin.

"Nakabalik na pala siya." sabi niya.

"Opo, nung isang linggo pa."

"Kamusta kayo?" sabi niya.

"Ewan ko Ma, hindi ko alam."

Tumayo siya at tinupi yung mga kumot ko.

"Hindi mo naman siya masisisi, Ly. Nasasaktan parin yun." sabi niya.

"She looks fine, Ma. She looks happy."

"Hindi porket masaya, okay na. Baka sa ganung paraan lang niya kayang itago yung sakit na nararamdaman niya, yung maging masaya."

Napatingin nalang ako sa kawalan. Siguro nga tama nga si Mama, hindi ko nga siya masisisi kung hindi pa siya handang makausap ako. Kasalanan ko naman kung bakit kami napunta sa ganito in the first place. Siguro nga, nasasaktan parin siya.

Bumaba na ako para mag-breakfast. Pumasok na si Papa sa work at pumasok narin si Nico sa school. Kaming dalawa nalang ni Mama sa bahay. Sinabayan niya akong kumain.

"She looks more mature compared before." sabi niya

"Nagkita rin kayo Ma?"

"Yeah! Nung championship game, sa dugout." sabi niya.

"Really?"

"Oo pero nginitian niya lang ako, nahihiya siguro." sabi niya.

"Pero tama ka Ma, mas matured na siya ngayon."

"Baka yun yung turo ng buhay sa kanya. Dati kasi nanjan ka pa para sandalan niya. Eh ngayon, siya nalang. She needs to be mature, for her own." sabi ni Mama.

Nag-adjust din naman ako nung umalis siya. Nung nawala siya. Nahirap din ako. Kung nasasaktan siya, nasasaktan din ako. Nakakapanglumo nga lang isipin na ako yung dahil ng lahat ng to. Kung bakit nangyayari to. Ako yung nanakit, ako yung nang-iwan.

- - -

*Bea Tan calling..*

I pick up the phone.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon