XV.

1.9K 55 9
                                    

"I'm dying to be in your arms again it's the closest to heaven I can get."
-gemma troy

Chapter Fifteen: Why?

Den's POV

Alam niyo ba yung feeling na may sugat ka na dapat pagaling na tapos biglang dumugo ulit.

Yung feeling na pagaling kana sa sakit mo pero di mo alam mamamatay kana pala.

Ganun yung feeling ko ngayon.

Kakagising ko lang, nakasandal sa headrest ng kama ko tapos nakatulala. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayong araw na to. Pagkatapos nung nangyari kagabi.

Nakatatak parin sa utak ko yung mga luha niya habang nakatitig sakin. Ang sakit sakit lang para sa akin nun, kasi ganun na ganun yung huli kong nakita sa kanya nung naghiwalay kami. Yun yung pinakamasakit na naramdaman ko sa buhay ko, tapos parang naramdaman ko ulit ngayon.

Feeling ko ang sama sama ko. Sising-sisi ako sa ginawa ko. Heto na naman ako, sa huli nagsisisi. Alam ko ng mali, pero ginawa ko parin.

Tama nga si Bea, hindi ko nga alam na sinasaktan ko siya sa ginagawa ko.

Speaking of Bea, pumasok siya sa room ko. May dalang coffee.

Umayos ako ng upo. Umupo siya sa tabi ko tapos inabot yung coffee sa akin.

"Thanks Bei."

Ngumiti siya.

"Den, sorry sa nasabi ko sayo kagabi." sabi niya.

"Okay lang Bei. Naiintindihan ko naman."

Ngumiti siya.

"Kasalanan ko naman talaga. Hindi na talaga dapat ako sumama pa kay Kianna. Namis-interpret niya ulit eh."

"Hindi na dapat talaga Den. Alam mo kasi, yung nararamdaman mo sa isang tao, hindi naman agad agad nawawala yun. Kagaya nung kay Kianna. Alam natin, mahal ka niya. Oo nga, nagpaliwanag ka. Pero di naman basta basta mawawala yung nararamdaman niya sayo. Eh naging malapit na kayo ulit, kaya bumalik ulit." sabi niya.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya.

"Ganun din yung nararamdaman ni Aly. Ang pinagkaiba lang nun, yung kay Aly hindi naman talaga nagbago. Tsaka si Alyssa mahal mo. Bakit si Kianna mahal mo ba?" sabi niya.

"Hindi."

"Eh yun naman pala eh. Tapusin mo na yan Den. Kausapin mo si Kianna."

"Oo Bei, aayusin ko to. But I still need answers."

"I know Den. But for now, yan na muna ang ayusin mo. Everything will fall back to their right places."

- - -

I went to Ateneo for my application for Med School. Yep you heard me right, I'm going to Med School.

Napagtanto ko rin kasi na why not pursue this dream. Kahit na hindi ko naman talaga to gusto. But I can feel na I need to do this.

While I was waiting in line...

*calling...Mom*

Muntik ko ng mabagsak yung phone ko sa kaba. It was an unexpected call. While my hands are shaking, I answered it.

Mga 30 seconds bago siya magsalita. Ayoko naman mauna.

"Den?" sabi niya sa kabilang linya.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon