V.

1.7K 42 0
                                    

"Hard to sit here and be close to you, and not kiss you."
- F. Scott Fitzgerald.

Chapter Five : Game Day.

Game day against La Salle. Championship game.
Nakakamiss din maglaro. Dati ako yung pinapanuod, ngayon sila naman yung papanuorin ko.

Nandito pa kami sa condo ni Bea, nag-aayos.

"Tara na guys! Nagtext na si coach." sabi ni Ella.

"Jusko! Si coach Tai talaga." sabi ni Bea.

Umalis na kami ng condo at pumunta na kami ng Ateneo.

Pagdating namin sa gym. Nakita ko sina Coach Tai, sina Coach Charo.

Tumakbo ako at niyakap ko si Coach Cha.

"At last! Nagkita rin tayo Den." sabi niya.

"Akala ko kasama ka namin sa Puerto Galera trip."

"Kasama dapat ako kaso lang may meeting for UAAP nung araw na yun. Sayang nga eh." sabi niya.

"Don't worry. Marami pang next time."

"How are you Den! Sobrang tagal mo ding nawala ha!" sabi niya.

"Haha. I'm good Ate Cha."

"That's good. I'm happy na happy kana din." sabi niya.

"There's so much reason to be happy. Nanjan pa kayo."

"Oo naman. Kami, hindi ka namin iiwan." sabi niya.

- - -

*MOA*

As usual, puno na naman ang arena.

Lumabas na sila sa court. Syempre hiyawan naman yung mga tao nung pinakita sila sa LED screen.

Umupo na ako sa may bench kasama si Coach Cha. Nagwarm-up na sila.

Maya-maya pa, biglang naghiyawan yung mga tao ng malakas. Parang magigiba na yung arena. Kinalabit ako ni Ate Cha, sumenyas siya na tumingin ako sa taas.

Nasa LED screen pala ako. Ngumiti ako sa camera.

"Si ate Den!!" naririnig ko sa may likod ko.

"Nakabalik na siya. Ohmygosh!!" sabi pa nung isa haha.

Pinapanuod ko parin silang magwarm-up. Nagwarm-up narin yung ibang team.

Naalala ko nung season na naglalaro din ako. Nakakamiss yung pressure sa game. Nakakamiss yung mga supportive fans.

Dumating na si Aly, late siya eh. Hiyawan yung mga tao nung ipakita siya sa LED Screen.

Kinalabit ako ni Ate Cha.

"Kamusta naman kayo?" sabi niya habang nakatingin kay Alyssa.

"Uhm okay naman."

"Nag-uusap kayo?" sabi niya.

"Hindi."

"Ha? Bakit naman? Di kapa nakamove-on?" sabi niya.

"What! No Ate Cha. It's just that, hindi pa ako ready makausap siya."

"Why? Natatakot ka na may bumalik?" sabi niya.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon