XVI.

1.7K 54 4
                                    

"I would walk through fire again and again if you were the price in the end."
-gemma troy

Chapter Sixteen: Suko na o laban pa?

Alyssa's POV

We all need to feel pain. Parte ng pagmamahal ang sakit. Normal lang ang masaktan pag nagmamahal ka, pero minsan hindi na normal yung paulit-ulit mong tinitiis yung sakit. Yung kahit alam mong masasaktan ka lang kapag umasa ka, umasa ka parin.

Pinakamasakit parin palang parte ng pagmamahal yung makita mo siya na hawak ng iba. Mas masakit pa yun kesa nung naghiwalay kami. Kasi may tendency na pwede ka pa niyang balikan. Pero pag hawak na siya ng iba, ibang usapan na yun.

'Wag mong bitawan kung hindi mo kayang makita na hawak ng iba' sabi nga nila.

Yung gabing yun ang pinakamasakit na gabi ng buhay ko. Kasi naramdaman ko yung sakit na unti-unting gumuguhit sa puso ko. Yung sakit na naramdaman ko nung naghiwalay kami parang sumabog yung puso ko, biglaan yun. Pero ito hindi, unti-unti kong nararamdaman yung sakit. Mas masakit to.

Mas masakit to dahil ang buong akala ko may pag-asa na akong bumalik kami sa dati. Mas masakit to dahil hindi ko inexpect. Mas masakit to dahil alam kong kasalanan ko kung bakit siya humanap ng iba. Mas masakit to dahil pakiramdam ko talunan ako. At higit sa lahat, mas masakit to kasi mahal ko pa.

Pinauwi ako ni Papa ng Batangas after nung nangyari. Sabi niya mag-sstart na yung sem next week, hindi makakatulong sa team at sa akin kapag ganito ako.

Pero gaya sa bahay sa Manila, nagmokmok lang ako dito. Hindi kumakain, hindi lumalabas ng kwarto. Hindi ko nga alam kung bakit umuwi pa ako dito eh ganito lang din gagawin ko dito.


Pakiramdam ko nag-flashback yung mga araw at oras na ganitong-ganito yung sakit na nararamdaman ko. Yung araw na naghiwalay kami. Yung araw na pakiramdam ko patay ako. Ganun yung pakiramdam ko ngayon. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit parang mas masakit to. Hindi ko alam kung bakit parang mas mahirap to kesa nung noon.


Habang nakadapa at tumutulo mga luha ko sa unan, 3 araw na akong ganito. Biglang nag-ring yung phone ko.


*Ate Cha...calling..*


Ayaw ko sanang sagutin kasi alam ko mga nakakasawang advice lang maririnig ko. Hindi dahil sa paulit-ulit nilang sinasabi sakin, kung di dahil kasi hindi ko naman na-aapply sa sarili ko.


Mas pinili kong hindi nalang muna sagutin.


Nakaka-ilang calls and texts narin sina Bea at Ella sakin. Pati si Sinjin. Pero ni isa wala akong sinasagot sa kanila.



Medjo dumidilim na sa labas. Nakikita ko sa bintana ko. Medjo madilim din yung mga ulap, parang uulan. Nakikisabay sa nararamdaman ko.


May naisip ako bigla.


Tumayo ako sa kama ko, dumeritso sa may kabinet at kumuha ng jacket. Tapos lumabas ako ng kwarto ko. Pagbaba ko ng hagdanan, nadatnan ko si Papa at Mama nanunuod ng balita. Nashock sila nung nakita nila ako, napatayo si Mama sa upuan niya.


"Alyssa." sabi niya.


"Labas muna ako, Ma."


Naglakad na ako papunta sa may pintuan.


"San ka pupunta anak? Uulan na." sabi ni Papa.


StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon