XXIII

179 6 6
                                    

"Some people make you feel safe in this world, not because they understand you deeply but because they love you despite everything." -Kriti.G

CHAPTER TWENTY-THREE: Flashback Series II.

BEA'S POV

Denden Lazaro is the kind of girl na you wouldn't even notice right away in a crowded room. But she is the kind of girl na once you get to know, she's gonna be the only one you'll gonna look for in a crowded room.

Because her simplicity and her amazing personality are the ones that really stand out about her. Especially kapag nakilala mo na talaga siya ng lubusan. Kaya naiintindihan ko yung mga taong nagsasabi na mahirap daw kilalanin ang isang Denden Lazaro, Kasi even me, kung iba akong tao tapos wala akong alam sa kwento ni Den, pakiramdam ko sobrang hirap nga niyang kilalanin.

Pero pano nga ba kami nagkakilala ni Den? And paano nga ba ako naging parte ng kwento nila ni Alyssa?
Yep, the iconic story.

I didn't even know na kahit ako magiging favorite ko yung kwento nila.

It's beyond my imagination.

The Lazaro's and Tan's are family friends na talaga even bago pa kami maipanganak ni Den. Pero naging parte nalang kami ng buhay ng isa't isa nung nakaisip na kami, nung grade school kami sa CSA. At mas lalo kaming naging sobrang close nung high school. Naging mag teammates kami during our first year in high school, sa female volleyball team. So growing up, kasama ko na talaga yan si Den.

We saw each other grow up.

Naging parte kami sa bawat ganap ng buhay ng isa't isa. Lalong na lalo na sa buhay niya.

So masasabi ko talaga na I've seen Denden during her best years and also during her lowest and worst years. Grabe kaya yung pinagdaanan ng babae na yan. Minsan nga iniisip ko, how did she even manage to get through all that has happened to her? Dumating pa nga ako sa point na naisip ko, she wouldn't even gonna make it at 25. Kasi ganun na kalala yung lagay ng buhay niya noon.

Not everybody knows this, but Denden survived mulitiple suicide attempts during those dark times of her lives.

Hindi ba halata sa kanya? That's because behind that angelic face of her, hindi mo talaga aakalain na may madilim siyang background. Iilan lang kami sa buhay niya na may alam sa mga bagay na yan.

May time noon na hindi ko makakalimutan, kakatapos lang mangyari yung pinakamalaking tragedy sa buhay ni Den. This was during our 1st year in highschool. Doon na siya nagstart na halos hindi ko na siya makilala. Parang hindi na siya yung Dennise na nakilala ko sa CSA noon. Pero we stayed as bestfriends parin. Kasi ako, kilala ko siya, alam ko kung bakit siya nagkakaganyan.

Hindi na siya umuuwi non sa kanila. Tumawag siya sakin in the middle of the night.

"Den?" sabi ko.

"Bea, kunin ko muna yung pera ko sayo ah." sabi niya.

"Girl, sunog na. Pinangbayad ko ng hotel mo. Yung iba, don sa extreme adventure events na pupuntahan natin. Ano na naman ba yang gulong pinasok mo?" sabi ko.

"Osige sige. Ako na bahala." sabi niya.

"Ano na naman ba yan, Den?" sabi ko.

"Wala wala. May kailangan lang akong urgent bayaran. But I don't have the money right now." sabi niya.

"Edi iwithdraw mo yung pera mo sa ATM." sabi ko.

Matagal bago siya sumagot.

"Pera ni Dad yon, hindi ko pera yon." sabi niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon