XVII.

1.8K 58 9
                                    

"Your love is the only love that I ever want to come home to."
-gemma troy


Chapter Seventeen: Waiting is Over.


Alyssa's POV


"Mahal na mahal kita Den. Hinding hindi kita susukuan."



Paghakbang ko paalis sa swing. Halos mahimatay ako sa kinakatayuan ko. Hindi ako nakagalaw. Tumigil yung oras. Parang nagstop yung pagpatak ng ulan. Hindi ko na nahakbang pa ulit yung paa ko.



Lord, oras na ba?


Parang biglang lumiwanag yung paligid. Parang sumilip yung araw pagkatapos ng malakas ng ulan. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang pag-agos ng mga luha ko. Nararamdaman ko na sa katawan ko na basang basa na yung jacket ko.



Hanggang ngayon hindi ko parin nahahakbang yung mga paa ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Alam ko hindi to totoo. Hindi ito nangyayari. Kanina ko pa siya iniisip kaya siguro naiimagine ko siya sa harap ko ngayon. Pero alam ko hindi to totoo. Imagination ko lang to. Napaka-impossible.


Pinikit ko yung mga mata ko baka sakaling mawala siya sa harap ko, dahil alam ko hindi totoo tong nakikita ko.


Pero pagdilat ko muli ng mga mata ko. Nandon parin siya. So ibig sahin hindi nga to imagination.


Nakajacket din siya, at gaya ko basang basa na siya ng ulan.


Mas lalo akong naniwala na totoo tong nakikita ko nung bigla siyang humakbang papalapit sa akin. Don na ako naniwala na hindi nga ako nananaginip.


Totoo nga to. Nandito nga siya.


Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi hindi parin ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harap ko. Hindi parin ako makapaniwala na pagkatapos kong marinig yung mga sinabi nung babaeng yun, nandito na mismo sa harap ko yung dapat pupuntahan ko palang. Tinadhana ba talaga na mangyari ngayon to?


Bawat hinga ko, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Nakalapit na siya sa akin. Mga 3 hakbang yung layo niya sa akin.



Parang tinutuklak tuloy ako ng katawan ko na yakapin siya ngayon. Isang hakbang ko lang mayayakap ko na ulit siya. Pero bigla kong naisip, bakit siya nandito? Nandito ba para magpaliwanag nung tungkol sa kanila ni Kianna? Nung naisip ko yun. Naglaho yung kagustuhan kong yakapin siya.


Mas lalo pa siyang humakbang papalapit sa akin. As in sobrang konti nalang yung pagitan naming dalawa. Dalawang hakbang nalang.


Bigla siyang nagsalita.


"Hindi ka parin ba maniniwala na nandito ako?" sabi niya.


Nabasa ata niya yung nasa isip ko.


Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nandito talaga siya sa harap ko.


Ito lang nasabi ko.


"Anong ginagawa mo dito?"


StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon