XII.

1.6K 38 6
                                    

"You stopped falling but I never did."
- gemmatroy

Chapter Twelve: Rivals Game

Alyssa's POV

Sunday morning, Game Day.

All smiles habang bumababa ako ng hagdanan namin. Natanaw ko na sina Mama at Papa sa may sala.

"Goodmorning!!"

Wala silang reaction. Yung mga mukha nila parang gulat na gulat. Si Mama napatigil sa pag-inom ng kape niya. Si Papa napatigil sa pagbabasa ng dyaryo.

"Ano meron? Bat ganyan mukha niyo?"

Nagkatinginan silang dalawa.

"Wala naman. Eh ikaw, anong meron?" sabi ni Mama.

"Ha? Wala po. Ang weird niyo Ma"

Naglakad na ako papuntang kusina.

"May almusal na jan. Baka gutom lang yan." pahabol na sabi ni Mama.

Hindi parin naaalis yung ngiti sa mukha ko. Feeling ko ang saya saya ng araw na to. Medjo nakakagulat nga lang kasi parang last week lang hindi ako ganito kasaya. Ewan ko ba, hay! Basta ang alam ko masaya ako kasi nakakapag-usap na kami.

"Ate!!" sigaw ni Nico

Halos mabitawan ko yung hawak kong baso sa gulat.

"Pucha! Nico ano ba! Papatayin mo ba ako?"

"Haha. Eh kasi naman ate yung mainit na tubig kumukulo na. Kanina ka pa nakatunganga jan." sabi niya.

Oo nga nawala sa isip ko yung mainit na tubig. Pinatay ko na yung stove tsaka nagtimpla ng kape. Pumasok si Mama sa kusina, narinig niya ata kami ni Nico. Haha.

"Hoy! Ano ba yan. Ang aga aga ang ingay ingay niyo. Anong nangyayari?" sabi niya.

"Eh kasi naman si Ate ma, susunugin ata yung bahay natin." sabi ni Nico.

"Ma hindi kaya. Nawala lang talaga sa isip ko yung mainit na tubig."

Umupo na ako at chineck ko kung anong niluto ni Mama. Umupo si Mama sa harap ko.

"Anong oras kana nakauwi kagabi?" sabi niya.

"Uhm. 9pm na ata."

"San ka galing? Lumabas kayo." sabi niya.

"Galing ako sa condo nina Bea. May hinatid lang ako."

Napakunot yung kilay niya.

"Diba may kotse naman si Bea? Yaman kaya non." sabi niya.

"Eh Ma hindi naman si Bea yung hinatid ko."

"Sino?" sabi niya.

"Si Den."

Nanlaki yung mata niya nung narinig niya yung sagot ko. Tapos ngumiti ng nakakaloko. Tumayo siya tapos tinawag niya si Papa. Okay, interview na naman. Jusko!

"Eh Pa, kaya pala ganyan yung anak mo ngayon." sabi ni Mama.

Umupo naman si Papa sa tabi ko.

"Bakit? Anong meron?" sabi ni Papa.

"Nagkakamabutihan na daw sila ulit ni Dennise." sabi ni Mama.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon