XI.

1.7K 50 1
                                    

"I never wanted to be okay without you."
-gemmatroy

Den's POV

Chapter Eleven: Ice Cream.

It's been almost a month na pala.

Medjo matagal narin palang tinitiis ni Nanay Mel na katukin ako dito sa kwarto para pilitin akong kumain at lumabas ng kwarto ko. Pero hindi parin ako sumunod. Ganun narin pala ako katagal tinatawagan at tinitext nina Ella at Bea, always checking if I'm okay. They always wanted to came over pero lagi ko silang pinipigilan. I really wanted to be alone muna. Ayoko na muna silang isama sa gulo ng buhay ko.

Nung isang araw tinext ako ni Ella, sabi niya "Den nandito lang kami ha?". Nagtext din si Bea, "Call us if you need anything."

Kung may swerte man ako sa buhay, siguro sila yun. Sa kanila ko talaga nararamdaman yung tunay na definition ng salitang 'pamilya'. Hindi ko nga alam kung bakit hindi sila nagsasawang intindihin ako, lalo na sa mga panahong ganito. Mga panahon hindi ko maintindihan yung sarili ko. Never silang umalis sa tabi ko, kahit na not physically na nandito sila ngayon pero ramdam ko. They never give up on me. Minsan nga naisip ko kung bakit kailangan kong maging ganito. Napapatingin ako sa pinto ng kwarto ko, naiisip ko na there are so much to be seen behind that door. Pero pag naiisip ko na si Alyssa, wala na. Natatalo na naman ako sa gera. Na walang kwenta kung ano mang meron sa labas ng pinto kung hindi siya ang makikita ko.

Hindi ko alam na inabot na pala ako ng isang buwan sa kwartong to. Ganun na pala ako katagal nakahilata sa kwarto ko, nakikipagtitigan sa kisame. Gabi-gabing walang tigil sa pag-iyak. Araw-araw na hindi kumakain. Himala nga at hindi pa ako namamatay sa ginagawa ko.

Balak ko pa sanang dagdagan ng isa pang buwan ang pag-stay ko dito pero biglang nagring yung phone ko. Chineck ko kung sino.

"ringg...Bea calling."

Nag-hesitate pa akong sagutin pero naisip ko na magtetext lang naman to pag hindi importante yung sasabihin niya. Sinagot ko.

"Bei?"

"Den, buhay ka pa!" sabi niya.

"Gago! Haha."

"Taray! Tumatawa na siya. Haha. Effective pala ang one month ah." sabi niya.

"Wala pa akong balak lumabas."

"Gago! Seryoso? Sunugin ko bahay niyo tignan ko kung di ka lumabas. Hahaha." sabi niya.

"Siraulo ka! Anong meron? Bat napatawag ka."


"Haha. Namimiss kana daw kasi ni Alyssa." sabi niya

"Okay bye."

"HAHAHA! Joke lang! Wait!!" sabi niya.

"Ano nga kasi!"

"Invited ka this coming Sunday, Battle of the Rivals." sabi niya.

- - -

Siguro mga isang daang beses ko muna pinag-isipan kung tatayo ba ako sa kama ko. Hindi ako siguro kung gusto ko na bang lumabas or magstay nalang dito sa kwarto ko. Ayaw ko namang idecline yung invitation, pero parang ayaw ko din munang makita si Alyssa. Kasi gugulo na naman yung lahat. Edi parang wala din ulit kwenta yung pagpapahinga ko ng isang buwan. Pero sabi nga nila, hindi naman pwedeng takbuhan ko nalang to habang buhay.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon