X.

1.7K 47 3
                                    

"We are the best second chance that never happened"
-Ergate Scarce

Chapter Ten: Dati

Alyssa's POV

*text message from Ate Cha.* ✉️

"Ly, training today. See you."

Tinatamad pa akong bumangon pero pinilit ko, kaya nag-unat na ako at chineck ko yung phone ko. 6:00am na pala, nagmadali na akong naligo at nagbihis. Bumaba na ako at sakto na nandon si Mama.

"Hay nako Ly, late ka na naman." salubong niya sakin.

"Eh kasi naman Ma, di niyo ako ginising."

"Kanina pa kita ginising, ayaw mo magising." sabi niya.

"O sige na Ma, aalis na ako. Doon na lang ako kakain ha? Bye Ma."

Patakbo na sana ako sa pinto pero bigla siyang nagsalita.

"Ly, bat ganyan na naman ngiti mo?" sabi niya habang nakapatong mga kamay niya sa bewang.

"Ha? Bakit ba ma?"

"Anong bakit ba? Ano na namang problema? Wag ako Alyssa ha!" sabi niya

Matatawa na sana ako pero baka masira yung pagka-seryoso niya. Haha. Lumapit na lang ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Ma, okay lang ako. Masyado kayong OA!"

"Alyssa ayoko ng ganyan ha! Ayoko ng maulit yung dati!" sabi niya

Pag binabangit talaga ni Mama ng buo yung pangalan ko, alam mo na seryosong usapan to. Haha.

"Ma ano kaba, okay lang ako ha! Sige na Ma, aalis na ako. At masasabon na naman ako niyan kay Ate Cha! Okay lang ako Ma! Sige na, alis na po ako ha?"

- - -

On the way na ako ng Ateneo. Late na naman ako, lagot na ako kay Ate Cha. Hay! While driving, naisip ko na naman si Den. Sana sumama siya kina Bea ngayon sa training. Gusto ko siyang makita. Pero ayaw kong umasa. Alam niyo yun? Yung gusto mo lang na nanjan siya, pero hindi ka aasa. Gusto mo lang siyang makita, pero ka lalapit sa kanya. Magulo, pero yun yung gusto ko. Yun nalang muna.

"20 minutes Ly!" bungad agad sakin ni Ate Cha pagdatin ko ng BEG.

"Sorry Ate Cha, si Mama kasi eh."

"Sinisi mo pa Mama mo, loko to. Haha. Sige na!" sabi niya.

Nag-bihis na kami for our training. Nandito na sina Bea at Ella, pero wala si Den? Habang tinatali ko yung shoe laces ko, lumapit sakin sina Bea.

"Wag mo na siyang hanapin. Wala siya." sabi niya

"Nasan siya?"

"Bumalik na ng LA" sabi ni Ella.

"Seryoso?"

"Haha. De joke lang, umuwi sa kanila. Ayaw ka daw makita." sabi niya.

Nagstart na yung training namin. Di parin maalis sa isip ko kung bakit wala siya ngayon. Yung excitement na naramdaman ko kanina parang bigla nalang nawala. Takot na yung nararamdaman ko, ewan ko kung bakit. Takot na baka sa susunod hindi ko na ulit siya makikita. Or baka hindi na siya babalik ulit.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon