VI.

1.8K 44 2
                                    

"The truth is, if I could be with anyone, I'd still be with you."
- Anonymous

Chapter Six: My biggest Mistake

Alyssa's POV

After almost 5 years. She came back.

I never thought na babalik pa pala siya. Na makikita ko ulit siya. Na darating pala yung araw na magkikita kami ulit. She looks so different. Parang ang mature na niya compared before. Siguro nga dahil sobrang tagal na, marami na rin akong hindi alam tungkol sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi kami nag-uusap. Siguro awkward pa. Or baka ayaw niya talaga akong makausap. Baka hindi pa siya ready kausapin ako. Ako din naman, hindi pa. Aaminin ko natatakot talaga akong kausapin siya. Pag nakikita ko siya, sumasampal sakin lahat ng ginawa ko sa kanya. Sumasampal sakin yung katotohanan na isang akong malaking tanga.

Hindi ko alam kung okay na ba siya. Kung nasasaktan parin ba siya. Kung napatawad na ba niya ako. Siguro oo, siguro hindi. She looks happy. Okay na siguro siya.

Gustong gusto ko na siyang kausapin pero pinipigilan ako ng sarili ko. Hindi ko alam kung bakit. Ang dami dami kong gustong sabihin sa kanya. Nastock na sa puso ko yung mga bagay na kailangan kong sabihin sa kanya 5 years ago. Kahit na gustong gusto ko na siyang kausapin, pero everytime na nasusulayapan ko siyang nakangiti at tumatawa. Pinapangunahan ako ng takot ko. Ayaw kong burahin yung mga ngiti niya. She looks okay na. Ayaw ko naman sirain yun, ayoko ng saktan siya ulit.

*text message from Ate Cha* ✉️

"Ly, are you busy? Coffee?"

I'm on my way to Starbucks, sa Katipunan. I don't know pero I feel nervous while driving. Pero baka tungkol lang sa last game yung pag-uusapan namin ni Ate Cha.
I parked my car tapos pumasok na ako sa shop. I saw her sitting and she waved at me.

"Hi Ly." sabi niya tapos tumayo siya at bineso ako.

"Hi Ate. What's wrong? May problema ba?" sabi ko tapos umupo na kami.

"No. Wala wala." sabi niya.

"Akala ko naman kung ano na nangyari sayo."

"Haha. No. Want some coffee?" sabi niya tapos tinawag niya yung waiter.

As usual, we talk about the last game. Kung san banda kami nagkulang. Tsaka kung ano pa yung dapat i-improve. Nawala yung kaba ko, napahinga ako ng maluwag.

"Dibale, may next season pa naman." sabi niya.

Bilang naging seryoso yung mukha niya. Parang biglang tumahimik.

"She came back, Ly." sabi niya.

Ito na yun. Ito na yung sinasabi ko. Bumalik yung nararamdaman kong kaba kanina. May lumala pa.

"Yeah." sabi ko.

"Ano plano mo?" sabi niya.

Ate Cha knows everything. Kahit hindi ko pa sabihin. Alam ko hindi ako makakapagtago ng kahit ano sa kanya. Parang may magic siya na kaya niyang malaman yung mga tinatago mong sikreto. She knows me from the strands of my hair to the nails in my foot.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon