IX.

1.8K 42 5
                                    

"I don't know what's killing me more; talking to you or not talking to you."
- Unknown

Chapter Nine: NayMel

Den's POV

'Don't say maybe if you want to say no' sabi nga nila.

Gulong gulo na ako sa totoo lang. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko, kung ano pa yung mararamdaman ko. Mas lalo lang humihirap kasi maliit lang yung mundong ginagalawan naming dalawa. Hindi ko siya pwedeng takasan, yung nararamdaman ko hindi ko pwedeng takbuhan. Ang hirap ng ganito, yung parang yung katawan mo patay na pero yung puso mo tumitibok pa.

Akala ko ba okay na. Buong akala ko okay na siya, na wala nalang kwenta kapag nagkita na kaming dalawa. Eh diba ito naman yung gusto niya, yung mawala ako sa buhay niya. Pero baki ganito ngayon, ibang iba yung mga iniisip ko sa mga pinapakita niya. Gosh Alyssa! Bakit ganito?

"Uy si Aly, humuhugot sa twitter!" sabi ni Ella.

Nandito kami ngayon sa kusina, nagluluto ng breakfast si Bea.

"I wish I could just turn back time." sabi niya, binasa ata niya yung post sa twitter.

"Naks naman si Aly, ang aga aga. Haha." sabi ni Bea.

"Oo nga, papost-post pa eh pwede naman pumunta dito para harap-harapan sabihin kay Den! Hahaha." sabi ni Ella.

Tawanan silang dalawa. Nabato ko tuloy yung tinapay na hawak ko kay Ella, haha.

"Sira ka!"

"Sus!! Kunwari pa to si Den eh." sabi ni Bea.

"Grabe talaga kayo, gulong gulo na nga ako eh."

Bigla silang nagkatinginan dalawa. Tumayo si Ella tapos nilapitan ako at pinatong niya yung kamay niya sa likod ko.

"Den, alam mo kung naguguluhan ka, edi tanungin mo mismo sa kanya." sabi niya.

Ayoko. Di ko kaya. Kahit ibang paraan na, wag lang yun. Nakakamatay na nga pag nag-uusap kami ng simpleng 'hi' hello' eh. Yun pa kayang tanungin ko siya kung mahal pa ba niya ako? Pano kung hindi na? Mamaya nag-aasume lang pala ako. Tsaka kung sakaling masabi man niya sa harap ko na mahal pa niya ako, alam ko bibigay ako. Kaya ayoko.

"Uwi muna ako."

"Ha? Sa inyo?" sabi ni Bea.

"Oo."

"Eh akala ko ba hindi pa nila alam na nasa Pinas kana?" sabi niya

"For sure nasabi na din sa kanila ni Mommy."

Umupo sa tabi ko si Bea.

"Ano tatakbuhan mo na naman yang nararamdaman mo?" sabi niya.

"Hindi Bei, gusto ko lang mapag-isa. Gusto kong luminaw yung isip ko."

"Den, hindi ka malilinawan kung hindi kayo mag-uusap dalawa." sabi niya

"Hindi ko pa kaya."

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon