IV.

1.7K 37 0
                                    

"You must go on adventures to find out where you belong"
- Sue Fitzmaurice

Chapter Four : Puerto Galera.

Nagising ako sa alarm ni Bea.

I checked my phone. 6:00 AM.

"Guys! Bangon na kayo. Get ready na! Maya-maya nandito na yung service." sabi ni Ella.

Nagmuni-muni muna ako bago ako kumilos. Dito na pala kami lahat sa sala nakatulog kagabi. Halos hindi ko na maalala mga nangyari kagabi.

Kinuha ko yung salamin ko. Tumayo na ako.


Inayos ko yung mga dadalhin ko at nilagay ko sa backpack ko.

Maya-maya dumating na yung service namin.

Syempre ang katabi ko sa van si Ella at Bea.

"Ready kana bumalik?" sabi ni Ella.

"Oo naman."

"Buti naman." sabi ni Bea.

"Kinalimutan ko na lahat ng nangyari dati. Ngayon, iba na yung reason kung bakit babalik ako doon."

- - -

Nakatulog ako sa buong biyahe.

Nakarating narin kami sa wakas.

This place never failed to amaze me.

Ganitong ganito yung feeling ko nung first time kong makapunta rito. Pero syempre ngayon, iba na yung dahilan.

Nagcheck-in na kami sa hotel na tutuluyan namin. Mermaid Resort.

Nagkayayaang lumabas.

Habang naglalakad kami.

"Feels good to be back?" sabi ni Bea.

"Oo, ang saya lang."

"Alam mo ganyan na ganyan din yung ngiti mo nung last time na nandito tayo. Way back, 5 or 6 years ago?" sabi niya.

Inalala ko yung mga moments na yun. One of the best memories. But those memories doesn't live here anymore. May mga bagay talaga na dapat kinakalimutan nalang.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nagflashback lahat ng mga days na nandito ako dati. Dito nag-umpisa nagbago yung buhay ko. Dito sa lugar na to nalaman ko na may pag-asa pa yung buhay ko. Dito sa lugar na to akala ko makikita ko yung happiness ko. Nangyari nga, pero panandalian lang din. Naglaho lang din.

Minsan talaga akala natin yung mga bagay na masaya, masaya na forever. Sa sobrang saya hindi na natin naisip na pwede nga rin palang mawala. Na pwede rin palang magbago lahat. Nagiging kampante tayo kasi akala natin masaya, oo nga masaya pero mabilis lang. Papasayahin ka lang saglit tapos wala na. Iiwan ka lang din.

- - -

Sunset na. My favorite part of the day, same with sunrise every morning.

Simula nung nakulong ako sa parents ko, since then para naging importante yung sunrise and sunsets sa buhay ko.

Kasi everytime I woke up in the morning, sunrise symbolizes na it's another day. It's another day to live. Na meron pa palang maganda sa umaga, kahit na yung whole day mo magiging empyerno lang din. Tapos magsusunset na, ibig sabihin matatapos na naman yung araw ng kalbaryo mo. Dati I don't know talaga kung bakit parang may something special sa sunset. Kasi dati ayaw ko agad matapos yung araw, kaya I hate sunsets. Kasi syempre ayaw kong matapos yung araw na magkasama kami dati, ayaw kong matapos yung araw na masaya ako. Pero gaya nga ng sunset, lulubog din pala siya.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon