Chapter 22: The accident

98 1 0
                                    

*Saturday Afternoon/soon to Eve*

@Ahlyssa's Pad

Birthday ni Ahlyssa kaya andito kami ngayon kasama ko si Elice. Medyo maingay dulot ng videooke. Halos boung section andito except nga lang kay Iver. Sabi niya susunod daw siya may gagawin lang daw. 5:30PM na pero sabi ni Iver sabay na kami umuwi. Nabored na ko kaya niyaya ko muna si Elice pumuntang 7-eleven, malapit lang naman dito yun kaya nilakad na namin.

*7-eleven Store*

"Omg! Nakita mo na ba 'tong magazine ni Dj?"-sabi ko habang hawak ko yung magazine

"Omg ! Ahh ! Tara bilin natin"-sabay binigay na namin sa Counter yung magazine para bayaran. Pagtapos naming tignan yung laman ng magazine naisipan na naming bumalik sa bahay nila Ahlyssa

Pagbalik namin yung mga TG kanya-kanyang hithit ng yosi at alak. Wala dun si Andrei kaya pumunta agad ako kay Ahlyssa

"Asan si Andrei?"-tanong ko kay Ahlyssa

"Nasa garden"-pagsabi niyang yon. Sinabi ko kay Elice na pupuntahan ko lang si Andrei tapos nagnod naman siya.

Pagpasok ko ng garden. Nakita ko si Andrei humihithit ng yosi, at may hawak na bote ng alak. Nasaktan ako sa mga nakita ko. Sa sitwasyon ko ngayon matuturn off na kayo pero hindi e. Nilapitan ko siya nung makita kong umiiyak siya, may problema siya. Kailangan niya ng magcocomfort.

"Andrei, don't do this"-sabi ko sa kanya.

"Leave me alone !"-sigaw niya tapos tinanggal yung kamay ko.

"Andrei !"

"Ano bang problema?"-tanong ko ulit sa kanya.

"Just leave me alone!"-sabi niya sabay pinunasan niya ang muka niya.

"Pano kita iiwanan kung ganyan ang itsura mo."-naluluha na rin ako. Ayokong nakikita ang mahal ko na nagkakaganto.

"I told you to leave me alone!"-muli niyang pananaboy sakin

"Ayo..."-naputol ang sasabihib ko ng bigla siyang sumigaw ulit

"Sabi ko umalis ka na! Hindi kita kailangan! Wala kong kailangan sayo! Bakit ba ang kulit mo?! Ha ?! Diba sinabi ko na sayo na iwan mo na ko ?! Bakit ayaw mo pa rin akong iwan ?! *sob* Wag mo kong pakielamanan sa problema ko"-Di ko na mapigilan ang luha ko. My tears is falling in my cheeks, it won't stop.

"Gus-to ko lang naman na..."-naputol ulit ang sasabihin ko ng magsalita siya ulit.

''Na ano icomfort ? Di mo kailangan gawin yan. Dahil sa simula't sapul. Ano ka ba sa buhay ko? Diba wala ? Wag mo na ko pakielamanan problema ko to. Yung sinasabi kong liligawan kita binabawi ko na. Ayoko kasi ng babaeng pakielamera!"-sabay hithit ng sigarilyo

"Una sa lahat, hindi ako pakielamera ang gusto ko lang macomfort ka ! Oo tama ka, Ano ba ko sa buhay mo?! Wala ! *sob* Pero kung ayaw mo ng comfort ko, hindi ko na ipipilit. Pangalawa, hindi ka kawalan. Hindi ko naman hiniling na manligaw ka diba ?! *Sob* Walang mawawala kung ititigil mo yung panliligaw mo!"-hindi ko na kaya.Kaya iniwan ko na siya dun magisa. Bahala na siya sa buhay niya ! Umalis na ko ng bahay nila Ahlyssa ng walang paalam. Ayokong makita nila ang muka ko.

Sa ngayon gusto kong mapag-isa. Sinabayan ng kalangitan ang damdamin ko. Bumuhos ang ulan. Pero wala na kong pakielam.

IVERSON D. QUIZON calling...

"Hello hart.."-boses ni Iver sa kabilang linya

"H-hello ?"-Di ko mapigilan itago ang mga hikbi ko. Bakit ba ang hirap

"Umiiyak ka ba? Asan ka?!"-bakas sa boses ni Iver ang pag-aalala niya

"U-Uh . H-hindi aah.."-nanginginig kong sabi

"Hart asan ka!"-sigaw ni Iver sa kabilang linya

"Hart asan ka ?!"-tinig ni Elice sa kabilang linya

"Ok l-ang ako, a-ano ba kayo"

"Hindi ka okay, alam kong may pinagdadaanan ka ngayon. Asan ka?!"-tinig ni iver

"Nasa park"-di talaga ko makaiwas sa bestfriend ko. Yung kausap ko sa kabilang linya ngayon wala na. Binaba niya na at sure akong pupuntahan nila ko.

Palakas ng palakas ang ulan pero wala kong pakielam. Palakad-lakad lang ako sa park. Doon ko namalayang nanginginig na ko

"Hart!"-paglingon ko si Iver patawid siya sa direksyon ko

"Iveeeeeeer!!!!!"-sabay naming sigaw ni Elice. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Si iver. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko pati na rin ang ulan

"Iveer !"-tumakbo ako sa direksyon Kung saan may lalaking nawalan ng malay at duguan dulot ng pagkakabangga.

"Iver*sob* I'm sorry.."-sabay hinaplos ko yung muka niya

"Ano pang tinutunganga niyo jan? Tumawag na kayo ng ambulansya!"-bakas sa muka ni Elice ang pagaalala pero nagulat ako ng bigla niya kong hinigit at sinampal

"It's your fault!"-nanginginig niyang sigaw sakin. Habang ako namang nakahawak sa nasaktang pisngi

"S-sorry.."-bumuhos ng bumhos ang luha ko sa mga nangyayari ngayon.

"Sorry lang? Napahamak si Iver ng dahil sa'yo tapos sorry lang?!"

''From now on, Im not longer your friend ! Pag may masamang mangyayari kay Iver, don't show your face again!"-di ako makapaniwala. Hindi si Elice ang kaharap ko ngayon.

"Umalis ka na!! Ano pang ginagawa mo!!"-galit niyang sabi tapos sumakay na sila sa ambulansya. Naiwan ako doon na basang-basa sa ulan. Yung mga luha kong hindi nagsasasawang bumuhos kasbay ng lungkot ng panahon ngayon. Tama si Elice ako ang may kasalanan. Kasalanan ko. At kasalanan din ng Andrei na yun ?! I hate him !

Paguwi ko sinalubong ako ng pag-aalala nilang lahat. Hindi ko maiwasang umiyak sa harap nila habang kinukwento ang lahat ng nangyari kay Iver. Ayokong malaman nila ang nangyari samin ni Andrei. Nagulat silang lahat ng malaman nila iyon. At bukas na bukas dadalawin namin sa ospital si Iver. Ayoko sana pero kinumbinsi nila ako na hindi ko namang ginusto ang mga nangyari. Tinanong pa nila ko kung bakit napunta sa sitwasyon na bakit pinuntahan ako ni Iver pero sabi ko ayoko munang pagusapan.

Pagdating sa kwarto ko. Humiga na ko sa kama ko at niyakap ang teddy bear na binigay sakin ni Ivy. Sa kwarto ko dun ako nag-iiyak. Doon ko lahat binuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Bakit ganito ang nangyari ngayon. Nasira ang pagkakaibigan namin ni Elice pati ba rin siguro kay Iver at pag nalaman pa ng magulang ni Iver ang nangyari posibleng mawasak na rin ang koneksyon ng Quizon sa Montez. Lahat ng yun kasalanan ng walang kwentang lalaki. Dapat di ko na lang siya minahal ! Kung ganto lang din ang mangyayari. Maya-maya pa nakatulog na rin ako. Pagod na rin ang mga mata ko kakaiyak.

Sorry Ivy ..

100% We Can't be TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon