Chapter 41: 12:51

66 1 1
                                        

*HOME*

Yaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaawn!! Pagmulat ko ng mata ko wala si mika. Teka ano ba 'tong na sa noo ko. Pagtanggal ko isang Note

Gone forever..JOKE XD Nagsimba lang ako pinsan :D

-Mika B.

Pagbaba ko wala ring tao. Asan yung mga yun ?! Ang aga-aga naglakwatsahan.yung pamilya ko -_-. Then I found a note na nakadikit sa ref namin.

Nak binisita lang namin yung lolo mo. Death anniversary niya ngayon.

-Mom,dad&bro's

I sighed. Oo nga pala Death anniversarry ngayon ni lolo. B-birthday ko ngayon..

Mula pa pagkabata ayaw ko na cinecelebrate ang birthday ko dahil sabi nila mama at papa ayun din daw ang kamatayan ng lolo ko.

Excited na excited si lolo nun dahil manganganak na si mama. Pero sa di inasahan...sa pagluwal ng mama ko ay naputol na ang hininga ng lolo ko..Mahina kasi ang puso ni lolo. Inatake siya sa puso at di na siya maabutan ng buhay noong dinala siya sa hospital.. And it was my fault. Simula noong nalaman ko yon. Di ako nagpapacelebrate ng birthday ko.

Message recieve from Andrei Martinez;+639……

Lumabas ka ng pinto

Nanginig ang buong katawan ko at bumaba na ko. Pagbukas ko ng pinto, walang mukang bumungad sakin pero meron note sa may pinto namin.

Meet me to our tambayan :)

Napangiti pa ko sa nabasa ko kaya walang alinlangang pinuntahan ko na siya doon. Di naman kalayuan yun laya nilakad ko na lang. Nang makapunta ko andun siya nakaupo sa ilalaim ng puno at nagiistrum ng gitara.

Tumabi ako sa kanya pero nakapikit lang siya. Tinignan ko pa sa relo ko kung anong oras na . 12:49 Halatang halatang focus siya sa gitara niya. Bumuka yung bibig niya at nagsimulang naglabasan ang magandang boses

Dinggin mo ang puso

na nagmamahal sa'yo

Ngunit hindi ko naman alam

kung pano mo nalalaman

Bigla siyang tumayo kaya tumayo rin ako. Hinawakan niya yung kamay ko pero tinanggal ko agad.Nanginginig yung katawan ko sa sitwasyon namin. Dahan-dahan niyang kinuha ulit ito.

12:50

"A-andrei m-may boyfriend ako"-yumuko siya ng nakapikit. Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko

"Mahal mo ba siya?"-mahinahon niyang tanong.

"H-ha?"

"Mahal mo ba siyaa??"-this time medyo malakas na yung tono ng boses niya.

"O-oo naman"-Napatingin siya sakin. My eyes meet his. Yung mata niya may namumuong galit at lungkot. Nakita ko ring may luhang namumuo sa gilid ng mata niya.

"Mahal mo ba talaga siya?!"-nagulat ako sa pagsigaw niya. Napabitaw ako. Lumapit siya pero umatras ako.

"A-anong bang problema mo??!!"-pumiyok yung boses ko

"Sh*t Hart! Wag la ngang manhid!"

"Anong ibig mong sabihin?"

12:51

100% We Can't be TOGETHERMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon