Chapter 36: Camping (Part 3)

79 2 2
                                        

Kriiiiiiiiiiiiiinggggg!!!

Aysht! Inaantok pa ko e. Di ko mamulat yung mata ko. Gusto pa nilang matulog.

Krriiiiiiiiiiiinnngggg!!!

Eto na eto na! Istorbo!  Ayoko sa lahat yung iniistorbo ako sa pagtulog e. Pagbangon ko gising na sila. Teka maglalagay pa ko ng contact lense ko. Makahugas muna ng kamay.

Grrrrrr...Ang lamig ng tubig..Pagtapos ko maghugas bumalik ulit ako sa tent.Pagbalik ko wala na sila. Si Andrei M. na lang. Aba tigas ng muka, natutulog pa rin. Umupo ako sa higaan ko. At nagkabit ng contact lense. U-hh much better. Then lalabas na sana ko

"AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!"-sigaw ko mula sa pagkakadulas ko. Napakalampa ko shet.

Pagmulat ko ng mata ko, nagulat ako sa posisyon ko.

"Good Morning"-ngiti niyang sabi sakin habang nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya,OMAY GULAAY! Ilang beses ng nangyari samin 'to! Shet! Tumayo na ko tapos agad na lumabas. Ang awkward kaya.

Paglabas ako andun na sila kumakain umupo naman ako sa tabi ni Mika ng tulala. Naiisip ko pa rin yung nangyari kanina. GAD! Bigla nagflashback yung una kong napatungan si Andrei. Shemay. I have no idea that he will become important to my life nun. Bigla may malambot na tela nag nagtakip sa mata ko, napahawak naman ako dun.

"H-heey.."-bigla niya kong hinawakan sa kamay

"Sumama ka sakin."-boses ni andrei v. Inalalayan niya naman ako maglakad dahil nga nakapiring yung mata ko. Hindi kalayuan yung nilakad namin. Nalaman ko na lang yung nagstop na kami sa paglakad.

"Surprise crush"-sabi niya pagtanggal nung piring and HUWAW! Lumelevel-up na ang lovelife ko. 

"OMG"-habang kinikilig na ko sa kinatatayuan ko.

Nandito kami sa ilalim ng malaking puno and may picnic groove. May telang nakalatag at my dalawang platito na may cakee. At may kandila sa gitna, meron rose petals na nakapalibot doon at music background pa.

"Thank you!"-sabi ko mula sa pagkakayakap. Agad naman siyang kumalas 

"May I?"-ngiti niyang sabi habang humawak ako sa braso niya. Inupo niya ko and then umupo na rin siya. Ang sweet niya gurabe. Sinong hindi kikiligin sa kalagayan ko ngayon?

Kumain kami ng kumain and we talk about so much in our life's. Tawanan,kulitan, barahan,inisan tapos kiligan nanaman. Ang saya-saya ko ngayon. Ang sweet-sweet nya kasi and caring pa siya. Ideal man ko na'to. Hayys.

Biglang sumeryoso yung muka niya at may kinukuha sa pocket niya.

"Will you be my girlfriend?"-nakangiti niyang sabi. My jaw almost drop pero ngumiti ako at niyakap siya. And sayy..

"Yes.."

Ang sumunod na nangyari nakita ko na lang ang sarili ko tawa ng tawa ahabang pinapanood siyang magsisigaw sa kalawakan na YES! KAMI NA! THANK YOU LORD!  Hanggang sa bumalik na kami sa camping and lahat sila nagtinginan dahil oops mag ka holding hands kami ng boyfriend ko. Biglang lumapit samin si Andrei M. kasunod si Tiffany and napatingin siya sa kamay namin. Oh oh

"San kayo nagpupupunta ? Alam niyo bang magsstart na ang activity?" 

"Tsaka teka bakit magkahawak kamay kayo???"-sunod -sunod niyang tanong. Napatingin naman ako kay Andrei V. na ngayon ay nakangiti. Ay shet ang gwapo.

"Kami na.."-nakita ko ang naging reaksyon ni Andrei M. Nagulat siya. Pagkarinig niyang yun nagwalk out siya at nakita ko pa ang muka ni Tiffany na nagsmirk.

"What's wrong with that guy?"-tanong ko

"Wag mo na siyang pansinin"-tumango naman ako tsaka kami pumunta sa direksyon nila Mika at Zero nandun din sila Elice,iver andrei and tiffany.

100% We Can't be TOGETHERMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon