Chapter 37: Cutting

70 1 0
                                    

SEPTEMBER 21-Were been official <3 (Andrei Villareal)

*School*

Flag Ceremony

I'm not feeling well. Ang sakit-sakit ng puson ko wala pa yung boyfie ko. Asan na kaya yun ? Biglang may bumulong sa tenga ko

"May tagos ka"-ay k*ke. Paglingon ko si Andrei M. at pagtingin ko nga sa palda ko meron nga. Pakshet! Bakit siya pa nakakita?! Jusko lord!

"Oh takpan mo"-Aysht! Takte anu pang magagawa ko edi kinuha ko yung scarf ko at tinakpan yung tagos ko.

"Pumunta ka na ng cr"-tapos tinulak-tulak niya ko papuntang cr

"Magpalit ka na go!"-sabi niya sakin habang nasa tapat kami ng cr ng girls.

"Ah-hh ano.."-nahihiya akong sabihin e. Please help!

"Ano?"-di ko pa rin siya masagot ngayon mas lalong tumaas yung boses niya

"Anoo?!!!"

"Wala kasi akong PAAD!!"-Natawa naman siya tapos bigla siyang nawala. Aalis na sana ko pero dumating na siya na may inaabot saking Whisper

"Bakit may wings? Dapat no wings!"-babawiin ko sana at sasabihin kong joke pero bigla siyang nawala at maya maya bumalik ulit

"Ayan na! Whisper without wings!"-natawa ko sa reaksyon niya. At pumasok na ng cr.

Di pa rin ako makamove on sa mga nangyari kahapon. Shemay. Lalo na yung most embarassing moment ko sa kanya:

1. Napapatong ako sa kanya dahil sa katangahan ko ay pati kalampahan ko ay hindi dahil dun sa balat ng saging na naapakan ko. Fuck that banana.

2. Nakagat ko yung labi niya dahil sa gusto kong manalo o dahil sa  pagkapatay gutom ko sa pagkain ng apple.

3. Siya pa yung nakakita ng tagos ko. And siya yung bumili ng pad ko take note: Bumalik ulit siya para palitan ng no wings yung pad ko.

Ok. Back to reality. Paglabas ko aakyat na sana ko pero biglang may nagtakip sa bunganga ko. Shemay!

"Ummmmmmmhh--"-pinilit kong magpumiglas pero ang lakas niya. Teka bakit may kidnapper sa loob ng school?

"Sssshh--"

PAAAACKKK!-Pagharap niya sakin, sinampal ko agad siya at oh no..

"Putraaagiis--"-napahawak ako sa bibig ko.

"BAKIT MO KO SINAMPAL?!?!"-Nagpeace sign ako at tumakbo

"HOI BUMALIK KA DITO!!"-Pahabol niyang pagsigaw.

Paglingon ko hinahabol niya ko so here we go again. ALERT! ALERT! ANDREI IS COMING!

"Uwaaaaaa!"-sigaw ako ng sigaw habang nakayakap siya sakin.

"Naalala mo 'to?"-naramdaman ko ang hininga niya sa may bandang tenga ko. Nangilabot ako

"OO, E ETO?"-Sabay kagat sa braso niya sabay takbo

"Aray! Puta!"-teka gantong-ganto rin yung nangyari samin dati ah?!Tapos tatakbo ko ng mabilis na mabilis tapos mababanga ko si Iver and pagtatanggol niya ko sa HALIMAW.

Pero this time napapagod na ko sa pagtakbo, halos malibot ko na yung buong school. Bakit ganon?! Asan na si Iver?! Hanggang sa pabagal ng pabagal yung takbo ko at naabutan na ko ni Andrei.

"You have a very lot of trouble miss montez"-sabi niya. We're both catching breath tapos bigla niya kong hinigit.

"Help"-wala na kong magawa kundi sa sumunod na lang sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa ponakalikod ng school.

Humarap kami sa pader. Humarap sakin si Andrei M. at ngumiti ng nakakaloko.

"What now?"-tanong ko

"Akyat"-tapos inayos niya yung lader

"Bakit? No! Ayoko!''

"DO IT!"-nagulat ako kasi bigla siyang sumigaw. Napaakyat naman ako ng tuluyan.

"Uwaaaaa"-nakakalula. Nasa taas kami ng pader at ang sa baba e yung labas na ng school

"Akana yung bag mo!"-binigay ko naman sa kanya yung backpack ko tapos kinuwa niya rin yung kanya at hinulog sa labas

"Tara na.."-tapos hinawakan niya yung kamay ko at inalis ko naman 'to bigla

"Ayoko magcutting no!"-bigla naman niya ulit akong hinawakan

"Marami kang kasalanan sakin kaya dapat lang na sumunod ka sa lahat ng sasabihin ko. Ngayon tatalon tayo ng sabay"

"Tapos cutting"

"Yeah"

"So pagbilang ko ng 3 talon?"-napalunok naman ako ng laway at hinintay siyang makabilang ng 3

"3 Jump!"

Booogshhhh!!

Ang saya. Hahahahaaha pero ang sakit sa pwet nagkatinginan kami ni Andrei M. sa isa't-isa at nagtawanan.

"Tara"-binitbit niya yung backpack ko at backpack niya tapos sumunod na ko sa kanya.

Hanggang sa makarating kami sa isang lugar na may malaking puno at sa harap nun ay ilog. Umupo at sumandal naman si Andrei M. sa puno kaya tumabi ako sa tabi niya.

"Bakit mo ko dinala dito?"-hindi pa rin bumubukas yung mata niya nung magsalita siya.

"Sabi ni Mama dalhin ko daw dito ang importanteng tao sa buhay ko"-nanginig ako sa sinabi niya.

"Ahh…So pati si tiffany nadala muna dito?"-at hinintay kong bumakas yung bibig niya

"Oo"-matipid niyang sagot

"Aahh..Asan na pala mama mo?"-I heard him sigh

"Sumama na sa lalaki niya. Iniwan niya kami ni papa.."-nagulat ako sa sinabi niya iibahin ko na sana ang topic kaso nagsalita siya ulit

"March 18 last year. Pumunta ko sa birthday ni Ahlyssa when my phone rung.. Papa is calling pumunta ko sa garden nila Ahlyssa. Sinabi sakin ni papa na iniwan na kami ni Mama. Sa sobrang sama ng loob ko binaba ko agad. Pinilit kong uminom at magyosi ulit. Pangalawang beses kong ginawa yun dahil sa babae. Una sa pagiwan ni Tiff at pangalawa sa pagiwan ni Mama. At yun sa sobrang sama ng loob ko di ko inisip yung mararamdaman ng ibang tao. Sa sobrang sama ng loob ko nakapagbitaw ako sayo ng masasakit na salita."-nagulat ako sa sinabi niya at speechless lang ako. Ok, so may pinagdadaanan pala siya nung oras na.yun.

"Sorry Hart for being a jerk to you before but I promise I'll take care of you."-ngumiti ako at pinat yung shoulder niya

"Sabi ko nga sayo. Past is past.Ang nakaraan ay nakalipas na"-bigla naman niya kong niyakap

"Thank you! Kaya mahal kita e"-bulong niya. Ha? tama ba yung narinig ko?

"Ano?"

"Pwede ba tayong magstart ulit ng happy memories?"-pag-iiba niya ng topic. Kumalas naman ako sa pagkakayap niya at ngumiti sa kanya.

"Pwede pero wag lang sosobra remember may boyfriend ako"-nagnod naman siya.Tapos biglang tumayo at pumunta sa ilog. Anong gagawin niya

"Aaahhhhh!"-ang lamig ng tubig. Binasa ako ni Andrei M. ng tubig sa ilog kaya gumanti ako.

Tawanan at asaran namin ang nangingibabaw sa tambayan namin ni Andrei M. Basang-basa na kami dahil kahina pa kami naghaharutan sa ilog. Parang bata lang pero kasi di ko mapigilan.

SEPTEMBER 22- First cutting with him (Andrei Martinez)

100% We Can't be TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon