Unti-onti ko ng tinanggap na wala na siya. Tinanggap ko na hindi ko na siya makikita. Tinanggap ko na Iniwan niya na ko. Pero ang hirap lang kalimutan yung taong mahal na mahal mo. Ilang months na kong gan'to. Malamig na ko sa kanila. Pumasok akong walang kinakausap hanggang pag-uwi ko sa bahay. Nasaaanay na rin akong mag-isa na lang ako. Kahit sino hindi na muling narinig ang tawa ko. Wala sa kanila nakitang ngumiti ako simula noon. Nagfocus ako sa pag-aaral. Papasok sa school. Uuwi ng bahay, kakain mag-isa at papasok sa kwarto. Ganto na lang ba ako habang buhay ? Pagpasok sa kwarto iiyak hanggang sa makatulog akong basang-basa ang muka ng luha.
Wala na kong kinakausap pang iba. Pagsasagot sa tanong nila Oo at hindi lang. Nagsasalita lang ako pag magrerecite ako. Nagbago lahat ng buhay ko simula nung umalis siya. Tumaas ang grades ko. Tumaas ang deportment ko. Bumaba ang kasiyahan at kasiglahan nawalan ng inspirasyon.
Recess na pala. Pumunta ko sa canteen at umupo ng mag-isa sa pinakasulok na table. Tahimik akong kumain.
Naramdaman kong umupo si Mika at Elice sa harap ko. Pero di ko sila tinignan.
"Hart hanggang kelan ka ba gan'to?"-hinawakan nila ang kamay ko. Hindi ko sila iniimik.
"Hart.…"-napatingin ako kasi narinig kong pumiyok sila. Umiiyak sila.
"Hart hanggang kelan ka magiging *sobs* ganyan"-umiiyak na si Elice
"Sorry kung umalis na ko sa inyo"-hindi na nakatira samin si Mika. Dahil niregaluhan siya ng condo ng parents niya
"Pasensya *sobs* kasi iniwan din kita. Kahit alam kong mabigat yang pinag-dadaanan mo"-tumulo na ang kanina ko pang pinipigilan na luha.
"Pero andito kami hart. Wag mo naman kalimutan yan!"-dagdag pa ni mika. Sa ngayon nag-iiyakan kaming tatlo.
"Miss na miss ka na namin!"-bumubos na ang damdamin ko at niyakap ko sila.
"Mahirap palang wala kang kinakausap. Mahirap pa lang umiiwas ka sa saya. Mahirap pa lang mawalan ng kaibigan at mas mahirap pa lang iwan ng pinakamamahal mong tao. Sa isang araw, papasok sa paaralan uuwi ng magisa. Hindi sasabay sa pamilya pag kakain tapos papasok sa kwarto. Pagtuntong ko sa kwarto ko bumavalik nanaman sa isip ko yung pag-iwan niya. Iiyak nanaman ako buong gabi hanggang sa mapagod at makatulog na ko. At kinabukasan ganoon din ang mangyayari.Puro aral ako. Sa school aral ang tumatakbo sa isipan ko. Pagdating sa bahay ko iba na. Hindi ako sanay na maiwan ako ng mag-isa. Hanggang ngayong hindi pa naghihilom ang mga sugat na iniwan niya saking mag-isa. Mahirap na masakit piliting kalimutan na siya…"-nagyakap-yakap kaming tatlo.
Pero hindi parin nagbago ang sitwasyon ko. Alam ko pa ring iniwan ako ng lalaking pinakamamahal ko.
Welcome to the Planet.
xoxo
Author's Note
Omaygod. Hindi ko maisip na matatapos na 'tong story ko. So salamat sa mga nagbasa at naghintay sa matagal kong pag update :** Lalo na sa mga sumuporta. Abangan niyo po sana yung Epilogue nito. Pasensya di ako marunong magpaiyak e :) So hanggang dito na lang muna :D
MESSWEMADE_
BINABASA MO ANG
100% We Can't be TOGETHER
Teen Fiction100% Why we can't be TOGETHER Checklist: ✔Im not that Pretty ✔Im not that Popular ✔Im not that Rich ✔Im not that Fabolous ✔Im not that Sexy ✔Im not even a Chic ✔Im not he's Type