Chapter 48: He left.

43 1 0
                                    

"Hart Omg! Bumangon ka!!!!"-sigaw ni Mika pero tinalukbong ko yung kumot. Anong oras na rin kasi kaminakauwi ni Andrei kagabi no.

"Haaaaaaaarttt! Si Andrei nasa airport!? Aalis na siya ng bansa, hindi niya ba sinabi sayo!!??"-napabangon naman ako

"Anooo!!!!!??"

"Bilisan mo puntahan mo na!"-sigaw niya. Napapanic na kaming dalawa. Naghilamos ako at bumaba na. Nagpadrive kami kay manong.

Isang oras bago kami makapunta.

"Sana andun pa siya!"- naiiyak na ko. Pagkapark nakita ko ang maid ni Andrei.

"Ate si Andrei!?"

"Nasa eroplano na siya hija"-tumulo na ang luha ko. Nanghina ang tujod ko kaya napaluhod ako. Di ako makapaniwalang wala na siya. Bakit hindi niya man lang sinabi sakin!? Iniwan niya na ko...

"Haart.…"-tinapik-tapik ni Mika yung shoulder ko ng magsalita yung maid nila Andrei

"Ikaw ba si Ms. Hart!?"-napatingala naman ako dun sa yaya

"A-ako nga po…"-may kinuha si manang sa kotse. Pinakita at inabot niya sakin ang isang box

"Pinapabigay po sa inyo ni sir. andrei bago siya umalis."

Nasa kotse na kami. Hawak-hawak ko yung box na binigay sakin ni Andrei. Napatingin ako sa bintana

"Manong stop the car. Bababa ako"-tumigil naman ang sasakyan. Hinaeakan ni Mika yung kamay ko

"I'm Okay Mika gusto ko lang muna mapag-isa"-ningitian ko siya bago ako bumaba.

Pumunta ko sa lugar kung saan ang tambayan namin ni Andrei. Umupo ako sa ilalim ng puno. Tumulo pa yung luha ko bago ko buksan yung box.

Nilabas ko yung cellphone. May note naman yun.

Password: HART

Kaya nilagay ko sa passcode yun. Pinuntahan ko yung gallery. Puro selfie ko. Naalala ko pa nung hineheram ko yung phone niya para lang makapagselfie. Tuwang-tuwa naman siya pagnagseselfie ko. Minsan yung mga picture ko pa sa phone niya dndnp niya.

May picture kami yung nasa puno kami. Pinasa ng TG siguro to kay Andrei. Again tumulo nanaman ang luha ko habang nakangiti.

Tinignan ko yung videos.

"Dan dan dan dan Nandito na tayo!"-sigaw ni Andrei sa video habang vinivideohan niya yung paglakad niya papunta sa tambayan namin.

"Hahahahahahahahaha"-grabe ganyan pala ko tumawa pag siya na ang nagpatawa.

Pinakita pa sa video yung nakaukit sa puno na MONTINEZ FOREVER ang corny no? Pero sabi nila lahat ng bagay na sweet corny.

Sunod kong unilabas yung Album

"Memories"

Unang bukas ko pa lang humagulgol na ko. Picture ni Andrei pati yung box na binigay niya sakin. Matagal na niya pala tong pinaghandaan.

May message bawat picture. Sunod yung picture na braso niyang namunula tapos may bakat na ngipin. Medyo natawa ko kasi kinuhaan niya pa yun. Ikaw nga pala ang babaeng unang nangagat sakin. Naulol kaya ako sayo dahil sa kagat mo :)

Sunod na picture lata ng coke Sabi ko pa nun *Yes sa wakas nagantihan ko na rin 'to* pero nakita ko umiiyak ka kaya nangonsyensya ako. Sorry.. Unang beses kong nakita kitang umiyak.

Sunod na picture yung picture ko. Yung tipong tinawag niya ko tapos bigla kong lumingon then biglang nagcaptured. You said you look hurroble in this picture but when I'm on emo moment I look at this picture and it makes me laugh.

Sunod na picture yung baller namin na 'Boss' and 'Man'. Pinicturan namin yun nung pagkasuot namin.

Nung suot suot nga namin yun akala nila kame. Pero sabi ko hindi mangyayari yun.

Sunod na picture nung fieldtrip. Namumula yung muka ko habang si Andrei kiniss yung cheeks ko. You: Delete mo yan Elice! Me: Wag mong idelete. Were like that at that moment.

Sunod na picture yung nasa billboard. Nandun ako halata sa muka ko na gulat na gulat. Sino nagpicture nito? This picture is funny.

Sunod yung picture sa fieldtrip yung nasa bus kami ni Andrei. Nakatulog ako sa lap niya tapos siya hinahawi  niya yung buhok ko habang nakangiti.Ang seryoso ng muka mo pagtulog ka. Ngumanganga ka pa! Hahahaha

Sunod na picture yung nakapatong ako sa kanya. Ang awkward naman nito magkatitigan kami ni Andrei dito e parehas pa kaming namumula. One of the best shot zero took. Nice bro!

Sunod yung christmas party. Nakasweetdance yun. Unang sabi ko sayo ng I Like You kahit hindi naman

Sunod bote ng alak. Dahil dito kung anu-ano lumabas sa bunganga ko. Sorry etong time kasi na 'to nakalimutan na kong bisitahin ni Mama

Sunod na picture yung stolen shot ko. Anlako ng pinagbago mo. Tinamaan ako.

Sunod yung seatplan namin. Pinicturan din niya yun. Masaya na sana e kaso katabi mo rin pala yung kaagaw ko.

Ngayon lang ako nakaramdam na ganto. Selos na ba 'to!? Andun naman yung picture namin ni Andrei Villareal. Eto ata yung nagtapat sakin si Andrei na crush daw niya ko.

Masakit isiping sinagot mo na siya. Nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin sayo naunahan niya ko. Teka eto yung time na sinagot ko si Villareal ah!?

I'm so glad ikaw ang kapartner ko sa camping. Omg! You bite my lips?! Joke sinadya ko yun para makagat mo. Hahahahahaha XD Oh and yeah the song is dedicated to you..Eto yung picture na laro nung camping yung may apple tapos yung nasa stage si andrei. Sakin pala dedicate yun?

Your the godness of beauty you know that!? Picture namin ni Andrei nung Js prom.

Awww. Say Hi to our babies Romie and Julie! Picture ni Julie at Romie

Promise mo habang buhay natin to isusuot. Yung picture ng singsing pati kwintas. Eto na lang pala ang huling ala-ala.

Paglipat ko ng page bumungad sakin yung place kagabi. Nandun yung bench sa ilalim ng puno tapos litaw na litaw yung moon pati sa stars. Our first and last kiss.

Sinarado ko na yung album. Niyakap ko 'to at sumandal ako sa puno. Napapikiit ako.

"ang sakit-sakit lang, wala man lang kong alam na aalis siya…"-halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Nakita ko uung marka ng pangalan niya sa kamay ko.

Ilalagay ko na sana yung cellphone pati yung photo album. Pero may envelope na pink.

Dear Hart,

         Nung una wala ka lang sakin. Pero nung dumating si Villareal at nalaman kong may gusto siya sayo. Nakaramdam ako ng hindi ko pa nararamdaman nino man. Nakaramdam ako ng selos pero inisip ko na hindi dapat ako magselos kasi wala ka lamg sakin. Tumagal hindi ko na kayang pigilin ito. Narealize kong gusto kita. I want to say it to you but it was too late kayo na ni Villareal...Ang tanga ko. Pinakawalan kita nung una.Tapos nakuha ulit kita hindi ko man lang natanong kung girlfriend na ba kita. Ang tanga ko.. Tapos ngayon iniwan kita mag-isa alam kong sa una mahigirapan tayo pero lilipas din 'to.

First thing I want to say is Sorry.. Nakaalis na ko pagnabasa mo 'to. Sa ibang bansa na ko magtatapos ng pag-aaral. Nakacontract Marriage ako dun. Hindi ko pweseng takasan yun Hart. Hindi ko alam kung makakauwi pa ko jan basta kalimutan mo na ko. H'wag mo na kong hintayin. Marami ka pang makikilala na hindi ka iiwan. At hindi ka papaasahin. I Love you so much Montez.

                                   Sincerely yours,

                                   Andrei Martinez

100% We Can't be TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon