Chapter 35: Camping (Part 2)

79 1 2
                                    

*School Grounds*

Lahat ay ready na at iniintay na lang ang bus. Biglang lumapit sakin si Andrei V.

"Hart, sayang no? Di tayo partner"

"Pero di kita iiwanan..Andito lagi ako sa tabi mo ha?"-bigla ko siyang hinug

"Alam ko na yan. Araw-araw mo ba namang sabihin e"-i heard him chuckled

"Ehem"-pagtingin namin si Andrei M. at what the heck? Nakapulupot sa kanya si Tiffany. Si andrei namang naiirita na

"Nanjan na yung bus. Halika na kayo"-tapos tumalikod na siya at tinanggal ang kamay ni Tiff sa braso niya. Haha buti nga!! Bad!! Hart!! :3

Katabi ko si mika sa bus excited na talaga kami para mamaya. >//<

2 oras ang biyahe and then aakyat pa kami ng bundok. Shemay. Habaang umaakyat kami feeling ko anytime madudulas ako. 30 Minutes na ang nakakalipas at umaakyat pa rin kami. Jusko baka langit na pinupuntahan namin. Yungtuhod ko ang sakit-sakit na. Humawak ako sa may bato para tumigil muna at hanapin si mika pero sa ginawa kong yun..

"Ay shit!"-Ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Hinawakan ko na ang lahat ng nahahawakan ko pero nadudulas pa rin ako.

"Aaaaaahh!"-daretso dulas pa rin ako, naiiyak na ko.

"Hart!"-biglang napahawak ako kay Iverson.

"Hart, ano ka ba! Kahit kelan ang lampa mo!''-Pagsermon ni iver

"Iver! Tulungan mo muna ko mamaya mo na ko sermonan!"-napatigil naman siya at kinuha yung big backpack ko.

"Halika na.."-aakyat sana ko ng biglang may naramdaman akong masakit sa bandang paa ko.

"A-aray..Nasprain pa ata ko!"-habang hawak hawak ko yung ankle ko. Ang sakit kaya

"Halika na sumakay ka na sa likod ko"-offer ni Martinez.

"Baliw ka ba?"-bigla naman kumunot noo ni Andrei M.

"Bilis!"

"Eehh"

"Hart! Ang arte mo! Hayaan mo na siya jan Andrei!"-badtrip'tong iverson na 'to

"Osige"-akmang aalis na si Andrei M. pero nagsalita na ko

"Eto na"-ngumiti siya tapos umupo sa harap ko ng nakatalikod. Sumakay na ko sa likod niya. At nagumpisa na siyang umakyat. Nakita kong nakangiti siya habang naakyat

"Ooouuuch! Andrei Help!"-napalingon naman kami ni Andrei M. si tiffany ba yun? Oo siya nga. Anung nangyari sa kanya?

"Andrei.."-*puppy eyes* pa siya. Hindi bagay! Wag kang epal tiffany!

"Mark tulungan mo si Tiffany"-halos magpigil na ko ng tawa sa sinabi ni Andrei M.

"Ang sama mo, ex mo pinapabyaan mo"-sabay tapik ko sa likod niya bigla naman siyang lumingon sakin . Inches na lang ang pagitan. Omay!!

"Kesa naman ikaw ang pabayaan ko.."

"Ha?"-bigla naman siyang lumingon ulit sa inaakyatan namin

"Wala"-matipid niyang sagot.

"Matulog ka na lang jan. Pagod ka na"-pinatong ko na lang yung ulo ko sa may bandang likod niya and Umhhh... Ang bango niya.. Kahit pawisan na siya. Maya-maya pa nakatulog na ko at paggising ko nasa tent na ko.

"A-aaray.."-napahawak ako sa masakit na parte ng paa ko. Aray! Yung sprain ko..

"Haartt.."-biglang pasok ni Villareal

100% We Can't be TOGETHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon