Prologue

2.8K 108 102
                                    



"We're over."

Simple pero matinding kirot ang hatid sakin ng salitang 'yon ni Alfred. We've been in a relationship for almost three years now. We were happy, contented and inlove. We dreamt of our future together. Settling down... having babies... And I must say everything goes perfectly until today.

"B-bakit?" I asked. Hindi ko man lang naramdaman na mangyayari ang ganito. Hindi ko ito inaasahan. Wala akong ideya na posible pala ito sa aming dalawa. Kaya naman tama lang siguro na itanong ko at malaman ang dahilan.

"I'm engaged. I'm sorry Aiya. Sana mapatawad mo ako." Hinawakan niya ko sa mga bisig ko. Kitang kita ko sa kanya ang pagsusumamo. Nakikita ko sa mga mata niya na totoo ang paghingi niya ng tawad. Bakit hindi? Alam na alam niya kung gaano kasakit sa akin ito.

Kaya pala nitong mga huling buwan ay parang wala siya sa sarili niya. Laging lutang. Kapag magkasama kami ay lumilipad sa kung saan ang isip niya. Minsan, may gusto siyang sabihin sakin pero biglang hindi niya itutuloy. Pero hindi, kailangan kong lumaban. Sino ba ang babaeng 'yon? Sino ba siya at kinailangang gawin ito sakin ng mahal ko?

"Babe, okay ka lang ba?" Tumawa ako ng pagak. "Nagbibiro ka lang diba? Sabihin mo na nagbibiro ka lang. Bawiin mo 'yung sinabi mo." Tumatawa habang umiiyak kong pakiusap sa kanya.

Kahit kaunti, kahit konting pag-asa na hindi totoo ang nangyayari ngayon.  Sana. Sana panaginip lang ang lahat ng ito. Maghihintay ako na bawiin niya ang mga sinabi niya at magiging okay na. Kasi kung hindi, sobrang sakit naman. Natatakot ako na baka hindi ko na kayanin.

Una si Daddy, sumunod si Mommy. Tapos ngayon, siya pa?

"I am really sorry Aiya. Im so sorry for causing you so much pain right now. I lied. I betrayed you. I love you. But I have to choose her over you. I hope someday you can forgive me." Malungkot nitong saad. Bumitaw na siya sa pagkakahawak ko bago pa malaglag ang nagbabantang luha sa mga mata niya.

At lumakad na siya palayo. Pero hinabol ko siya. Niyakap ko siya sa likod nang maabutan ko. Pero tinanggal niya ang pagkakayapos ko at humakbang na muli palayo. Nag unahan naglandas ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan ang pagbukal nito sa mga mata ko. Walang hinto. Hindi ko mabilang kung ilang kutsilyo ang parang sumasaksak ngayon sa puso ko. Hindi ako makagalaw. Nanghihina ang mga tuhod ko.

I could almost feel the pain na naramdaman ni Mommy when Daddy left her for another woman. Ilang araw ko s'yang hindi makausap. Nawala ang dating kinang sa mga mata niya, the smile that always posted on her lips were gone.

At ngayon heto ako. Mahirap. I do not know how to deal with tomorrow without him. There is no guarantee if I can.

But I have to stand up and fight. Kailangan kong lumaban ng mag-isa. I need to survive. I have to live, on my own.

At simula ngayon, hindi na ko iibig pa o magmamahal ng tulad ni Alfred na manloloko at nang-iiwan.

Edited 05-19-2017














A / N:

Annyeong !! 😍

Please continue to read. I would really appreciate it. Thank you!
Please vote and comment. Nice comments get a mention / dedication! 😊❤

Credits to Ilurvzsheee for the nice previous Book Cover! He's so friendly and works so fast. ❤ Thank you Michael!

Saranghae,

Cha Rivero

SECOND CHANCE: The Secretary and The Boss #BRSAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon