Part 3

1.6K 98 54
                                    


"Andiyan na daw ang bagong CEO natin. Ang dinig ko nga ayon sa sinabi nu'ng secretary ng VP ang guwapo daw, matangkad at may pagka-seryoso. Gusto ko siyang makita agad."

Dinig na dinig ko ang bulungan sa kabilang mesa dito sa cafeteria habang naglalunch kami ni Dianne. May halong kilig at excitement pa ang pagkukwentuhan nila. Pinag-uusapan nila ang panganay na Yuchengco na ngayon nga ay tinalagang mamahala sa kumpanya. Ang balita ay ngayon nga ang pagdating nito.

Pero ako keber lang, dedma lang. Kahit pa magiging new Boss ko siya. Bakit naman ako magiging interesado sa pagdating niya? Tsk. Ang bad ko noh?

Nagkakilala naman kami ni Dianne dito sa Yuchengco Group. Sabay kaming nag-apply for vacant positions at suwerteng natanggap kami pareho. Simula noon ay naging magkaibigan kami. Magkasama sa pagkain, pagsa-shopping at paglabas-labas. Kahit may boyfriend siya at ako ay wala, may time pa rin siya para saming dalawa.

"Hindi mo ba alam na ngayon ang dating niya dito?" Kinalabit niya ako at saka sumubo ng kinakain niyang chicken wings na adobo.

Umiling ako. "Nope. Kahit si Sir Uno nga ay walang idea na ngayon ang dating niya eh. At saka wala din kaming kaalam-alam na tatanggapin pala niya ang position na iniwan ni Don Diosdado." Paismid kong sabi at isinubo pa ang natitirang pagkain sa pinggan ko.

"Weird naman ata ng bagong Boss mo girl. Imagine, darating siya ng walang pasabi. Nakakabigla!"

"Bahala siya kung ano'ng gusto niyang gawin. Tss gusto pa magarang entrance? Hmp!" Naiinis kong sagot kay Dianne.

"Bakit nga pala siya ang naging CEO? Eh hindi ba matagal naman siyang wala dito. Si Sir Diovanne ang laging nandito at talagang hands on sa company." Nagtatakang wika pa niya.

Ako din naman ay nagulat no'ng binasa ng abogado nila ang will ni Don Diosdado. Ang inaasahan ko kasi ay si Sir Uno nga ang magte-take over sa kompanya. Pero kung pagbabasehan ang reaksiyon ng dalawang Yuchengco ng mga oras na 'yon ay parang wala lang sa kanila ang narinig at mukhang ayos lang sa kanila ang desisyon ng kanilang ama.

"Eh 'yon kasi ang nakalagay sa last will ng Don. Pero hindi naman inaalis sa dalawa pang anak ang right sa company. Ang gusto lang niya, ang panganay na anak ang humawak ng pamamalakad nitong Yuchengco Group. Dahil sa tingin niya siguro, sa pagiging successful nito sa sariling negosyo, ay makakaya din nitong palaguin at palakihin pa ang family business nila." Mahabang wika ko at tumangu-tango naman si Dianne.

Isa pa hawak kasi ni Sir Dos ang isang sangay ng kumpanya sa ibang bansa. At si Sir Uno naman ay nagpaplano na rin ng isa pang business line, ang Yuchengco Airlines.

Yuchengco Group owns a motor company, known as Jonda Cars. It manufactures automobiles (Jonda Zivikk, Jonda Hazz, Jonda Zitti), motorcycles (Jonda Beat, Jonda Trigger), trucks and jeepneys. Nakikipagsabayan ito sa mga naglalakihang pangalan sa bansa and abroad.

"Okay. Pero hindi ka nagrereact sa mga bulungan dito ah. Ano, guwapo nga ba?" Tanong ulit sakin ni Dianne na ngayon ay tapos nang kumain. Kahit kailan talaga ang bagal nito pagdating sa kainan. Ngayon lang natapos, inuna pa kasing makibalita rin.

"Hindi ko pa naman nakikita 'yun noh. Kaya malay ko kung guwapo nga. Siguro oo kasi guwapo naman si Sir Uno at Sir Dos diba?"

Kahit hindi ko pa nakikita ang Tres na panganay na Yuchengco ay may sama ng loob na ako sa kanya. Hindi siya nagpakita sa burol ng ama niya at kahit sa libing na rin. Pati sa pagbabasa ng Last Will ng Don ay wala siya.

Sa tingin ko naman ay walang problema sa dalawang Yuchengco dahil hindi ko naman sila kinakitaan ng galit sa kapatid no'ng mga oras na 'yon. Pero baka hindi lang nila ipinahalata sa mga tao? Kahit paano ay nirerespeto pa rin nila ang nakakatandang kapatid kahit pa malayo ito sa kanila.

Kaya wala rin sakin kung guwapo nga ba siya o hindi. Pare-pareho lang naman ang mga guwapo, lahat sila babero. Mapaglaro. Mapanakit ng mga damdamin ng mga babae.

"Oo pero diba medyo close din kayo ni Sir Uno? Hindi ka ba niya naipakilala sa kuya niya?" Pangungulit pa niya sakin. Siya rin ay interesado talaga sa bagong Boss ko eh. Bakit kaya hindi na lang siya makisali doon sa kabilang mesa na iisa lang ang pinag-uusapan?

Pero oo nga noh. Sa tagal narin naming magkaibigan ni Sir Uno, hindi pa niya ako naipakilala sa kuya niya. Madalang din naman niyang mabanggit ito sa akin. Kaya kahit picture nilang dalawa ay wala rin siyang naipakita.

Unknown Number calling.

"Hello?"sabi ko pagkasagot ko ng tawag.

"At my office,now!" Sagot rin ng baritonong tinig sa kabilang linya. Nagulat ako. Pero hindi naman ako nakaramdam ng takot.

Hindi ko naman siya nakikita kaya malakas pa rin ang loob ko para sagutin siya. "May I know who's this?"mataray na sagot ko.

"Dionne III Yuchengco,the new CEO".

Ganun na lang ang gulat ko nang malaman na ang bagong Boss ko pala ang tumawag. Sa pagkabigla ay hindi ko na rin namalayan na na-end na pala yung tawag.

"Uy girl, sino ba yung tumawag at para kang natuklaw ng ahas dyan?"untag sakin ni Dianne na matamang nakatingin sakin.

Parang hindi ako makagalaw agad. Nabastos ko ata ang Boss ko. Bakit kasi hindi ko naisip na siya ang pwedeng tumawag na 'yon?

"S-si Sir Tres. Sige na mauna na ko ah. Pinapupunta niya ko ngayon sa opisina eh." Mabilis kong sabi at tumayo na. Kinuha ko na ang pouch sa table ko.

"Sige na. Goodluck girl. Balita ko moody din daw si Sir Tres. Kaya mo yan."

"Hmp. Sige na. Thanks."iniwan ko na si Dianne at naglakad na.

Dumiretso na ko agad sa office niya kahit hindi pa ako nag-reretouch. Para kasing nagmamadali siya na makapunta na ako agad. Ano kayang kailangan niya at hindi pa niya ako nahintay na bumalik? Kinailangan pa niyang tawagan ako. Saan kaya niya kinuha ang phone number ko?

Pero teka, omg! Sisig nga pala yung inulam ko. Patay!

Mag-toothbrush muna kaya ako? Kaya lang mukhang urgent 'yung tawag at kailangang naroon na ako agad ngayon sa opisina ni Boss. Hay, bahala na. Hindi naman niya siguro mahahalata. Babawi na lang ako sa susunod.

Kakatok nalang ako sa pinto nang maisip kong amuyin mo na ung hininga ko. Hmmmm. Ok naman siya. Ang sarap ng amoy. Amoy sisig.









A/n :

I'm open for your comments and suggestions about my story. Pls read, feel free to comment and vote. Thank you! Mwaahhhuuugggs! 😚😚

Saranghae,

Cha Rivero ❤

SECOND CHANCE: The Secretary and The Boss #BRSAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon