Part 12

1.8K 55 8
                                    

Dedicated to paxenxiosa77 bhabyblue_08prkjhn


AIYA'S POV

Ilang linggo pagkaraan ng bakasyon naming dalawa ni Sir Tres ay balik sa dati ang kasungitan niya. No'ng unang linggo nga halos hindi niya ko kinikibo eh. Na hindi ko naman maintindihan kung bakit.

Hindi ko rin naman saya gaanong pinapansin dahil naiilang rin naman ako. Magkakaroon lang kami ng pag-uusap kapag may iuutos sya o kung may sasabihin akong importante related sa work. Pagkatapos ay ganoon lang.

Parang ayaw namin mapag-usapan ang nangyari sa Maldives. Kahit ako, inaamin ko dala ng sobrang kalasingan ay naibigay ko ang sarili ko sa kanya. Subalit hindi ko naman makapa ang pagsisisi dito sa puso ko.

Tanda ko no'ng araw na 'yun pagkagising ko ay masakit ang parte ng katawan kong 'yun. When I looked at the white bedsheet I saw there was a blood stain. Sumikdo ang kaba sa dibdib ko nang bumalik sa ala-ala ko ang pinagsaluhan namin.

Hanggang sa eroplano at makauwi kami dito sa Pilipinas ay wala kaming imikan. Hindi na rin naman ako nagtanong. At saya ay parang kinalimutan na rin ang lahat.

"Uy girl ilang linggo na rin at hanggang ngayon hindi mo pa rin nikukwento ang talagang nangyari sa inyo ni Sir Tres sa Maldives."si Dianne habang kumakain kami sa cafeteria.

Tumawa lang ako. "Ano ka ba Dianne, wala ngang nangyari. It was just a normal vacation and I enjoyed of course."

Umirap sya sakin. "Sus! Iba yung nakikita ko dyan sa mga mata mo eh."

"Ano naman 'yon?"nagtatakang tanong ko.

"Basta. Ngayon ko lang nakita na ganyan kasaya ang mga mata mo. The glow girl! Yung kahit di ka nakangiti o nakatawa, yung mga mata mo masaya eh!"

"Ay naku Dianne, kung anu-ano napapansin mo. E ikaw kumusta na kayo ni Joshua?"si Joshua ay six months ng boyfriend ni Dianne. Kamakailan lang ay nahuli niya mismo ito na may kasamang babae sa mall.

Haiist. Ang mga lalaki talaga. Hindi makuntento sa isa.

"Okay na kami. Nagpaliwanag na sya sakin at pinatawad ko rin naman sya. Kasamahan niya daw sa work 'yung girl at nagpatulong lang daw sa kanyang bumili ng surprise gift para sa boyfriend." Paliwanag naman nito.

"Naniwala ka naman agad?"

Super lambot din kasi ng puso ni Dianne. Konting suyo lang ng boyfriend ay bumibigay na ito. Ilang beses na rin nagkaganito ang dalawa at nasanay na rin ako. Pero masaya ako para sa kanya dahil dito naman sya masaya.

Kaysa naman sakin, naiwan na lang basta basta. Niloko na nga, hindi pa ako 'yung pinili. Haiist. Kelan kaya darating 'yung time na ako lang talaga? 'Yung ako naman ang pipiliin over somebody.

"Oo naman noh. Kailangan ko syang paniwalaan dahil mahal ko sya at mahal din niya ko." She said confidently.

"Okay okay. I'm happy for you. Basta nandito lang ako lagi para sayo, ok?"

"Awww ang sweet naman ng bessie ko. Ako naman wish ko sayo sana magkalovelife ka na. Tagal mo na ring tigang eh! Pero alam mo girl, bagay kayo ni Sir Tres. Kung wala syang titulo sa pagka playboy, ipupush kita sa kanya." Saka sya humagalpak ng tawa.

Ako naman ay napaisip rin. Pagkatapos ng nangyari sa amin ay iba na ang naramdaman ko sa kanya. Kaya lang ayoko namang umasa. Lalo na at wala naman sa kanya ang bagay na 'yon.

"O sya halika na. Babalik na ko sa office at baka may iuutos pa si Boss Tres."

"Halika na sabay na tayo."

SECOND CHANCE: The Secretary and The Boss #BRSAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon