Tumingin ako sa orasan, 30 minutes to 5 pm. Malapit na mag-uwian pero hindi pa rin kami ulit nag uusap ni Boss. Wala pa rin siyang inuutos sakin. Dapat matuwa ako kasi wala akong ginagawa kaya lang sobrang nakakainip naman.
Ang ginawa ko lang pagkatapos naming mag-usap kanina ay mag set ng mga appoinments and schedules niya for the whole week. May meeting siya kay ganito, may pupuntahan siya doon at may lalakarin siya na ganito.
Paminsan-minsan ay nililingon ko ang opisina niya para tingnan kung ano ba ang ginagawa niya o kung gumagalaw pa ba siya sa loob. Kaya lang medyo malabo naman ang pagkakayari ng glass door kaya hindi ko rin masyado maaninaw.
Naiinip na ako at kung hindi ako gagawa ng paraan para malibang ang sarili ko ay baka makatulog ako dito. Tinext ko naman si Dianne para makamusta siya sa trabaho niya pero hindi naman siya nagreply. Tumayo ako at pumunta nalang sa pantry para kumuha ng tubig na maiinom para mawala ang antok ko.
Lalagukin ko na ang tubig na iniinom ko nang marinig kong bumukas ang glass door sa gilid ko. Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko sa gulat. Lumingo ako at nakabungad sakin ang nakasimangot na mukha ni Boss.
"I'll be going. Set an urgent board meeting tomorrow at exactly 9am."
Tapos tinalikuran na niya ako at tuluy-tuloy na siyang lumabas ng opisina.Pssssh. Grabe siya oh! Hindi niya na nga ako hinintay sumagot, wala man lang thank you? Samantalang si Don Diosdado bawat utos o sasabihin ay laging may kasamang thank you sa dulo. Haiist. Ibang-iba siya sa Papa niya at kahit sa mga kapatid niya.
Nagtype na agad ako ng memo para sa board meeting bukas at pinrint ito ng ilang kopya, sapat para sa mga Board Members. Pinakisuyo ko ang pagpapareceive sa messenger namin at gumayak na para mag-out.
●●●●●
Madilim na rin nang makarating ako sa mansyon. Inayos ko ang garahe ang sasakyan ko at lumabas na. Malapit na ko sa pintuan nang may narinig akong boses ng lalaki sa loob ng bahay.
"Yes. I'll just fix everything here and I'd be there the soonest love." Narinig kong sabi nito. Tinulak ko ng dahan-dahan ang kalahati ng main door at nakita ko si Sir Dionne, ang Boss ko na nakaupo sa isang couch sa malaking sala habang nakikipag-usap sa phone.
Don't tell me dito rin siya titira? Oo nga pala. Malamang na dito nga, anak siya eh. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siyaa o lalagpasan na lang papunta sa hagdan para makarating na sa guest room.
Kahit namatay na ang Don ay dito pa rin ako sa kanyang bahay nakatira. Nakasama kasi sa huling testamento niya na I, Aiya Feliciano, have the right to live in this house as long as I want and there will be no Executive Secretary in the company except me.
Nilagpasan ko na siya at hindi man lang ako bumati. Busy naman siya sa kausap niya eh "So, hindi ka pa rin pala umaalis dito sa bahay?" Nagulat na naman ako. Inaasahan pala niya na aalis ako dito sa bahay ng ama niya?
Huminga ako ng malalim at hinarap siya uli. "Yes Sir. I made up my mind na dumito na muna. At saka wala naman pong dahilan para umalis ako." Sagot ko.
Ako, si Manang Luisa, tatlong katulong, isang hardinero, isang driver at ang guwardiya lamang ang naririto sa mansyon buhat ng mailibing ang matandang Don. Si Sir Uno ay doon na namalagi sa condo niya at bumalik na rin naman ng China si Sir Dos.
"I'll be staying here for a while. Would that be fine with you? Living with a man in one roof? Oh I forgot, you're living like that with my father and Uno right?" May kaunting talim sa pananalita nito. At kung nakamamatay lamang ang pagtingin niyang 'yon ay bumulagta na ako dito sa kinatatayuan ko ngayon.
First day ng pagkikita pero may animosity na agad sa pagitan naming dalawa at hindi ko maintindihan kung bakit at kung paano nagsimula. Nararamdaman kong hindi niya ko gusto. Ang sungit niya sakin samantalang wala naman akong ginagawa sa kanya. Ako nga hindi ko rin naman siya gusto pero hindi ko naman siya sinusungitan. Pero hindi ako papatalo. Kaya ko siyang labanan para sa pangakong iniwan ko kay Don Diosdado.
"Whatever you want to say, whatever you think of me, go ahead. Basta ako malinis ang konsensya ko!"matapang at diretso kong saad.
"May sarili ka naman atang tirahan bakit nagtityaga ka rito? Umaasa kaba na mapupunta sayo ang mansyon huh?" Tanong pa uli nito na siyang ikinakulo ng dugo ko. So, kaya pala siya ganito. Akala niya ay makakahati niya ako sa mga iniwan ng Don. Paano namang mangyayari 'yon? Anak ba ako? Asawa ba ako? May sira ata 'tong Boss ko eh!
"Inuulit ko Mr. Dionne III Yuchengco, kung ano'ng iniisip mo sakin bahala ka. Wala akong kailangang ipaliwanag sa'yo. It's really up to you. Sino nga ba naman ako? Isang hamak lang na secretary ng company ninyo?" Galit kong sabi at tuluy-tuloy na tinungo ang hagdan. Hindi na rin ako nagpaalam pa sa kanya. Para ano pa eh mukhang bastusan lang naman ang nangyayari saming dalawa.
Haiyst. Gutom pa naman ako. Gusto ko na sana kumain bago magpahinga pero mamaya na lang kapag naramdaman kong tapos na siyang kumain.
Pabagsak akong humiga sa kama. Dumapa. Tumagilid. Tumihaya ulit.
Waaaah! Kainis talaga. Ang pogi niya. Ay hinde, ang gwapo pala niya tapos ganun siya? Ang sama ng ugali niya sobra! Playboy na nga, masungit na nga, mapag-isip pa ng masama sa kapuwa! Hmp!
Na sa ganoon akong pag-iisip nang biglang may kumatok sa pinto. Huh? Siya kaya to? E bakit naman siya kakatok? Magsosorry ba siya? You're wish Aiya! Tumayo ako at tinungo ang pintuan.
"Ms. Aiya, nakahanda na po ang hapunan. Naghihintay na po sa kumedor si Sir Tres, pinapatawag kayo." Bungad sa akin ni Manang Luisa. Akala ko talaga siya na eh.
"Ah eh Manang busog pa po kasi ako. Bababa na lang po ako mamaya pag nakaramdam na ho ako ng gutom." I lied. Gutom na ko kanina pa. Pero ayoko muna talagang makita yung mokong na yon. Kahit pa ang gwapo niya. Masama naman ang ugali!
"O sige Ms. Aiya."tumalikod na si Manang at sinarado ko na uli ang pinto saka humiga ako ulit.
Isang minuto pa lang nakaalis si manang ay naririnig ko na naman ang katok sa pintuan. Si manang talaga may pagka makulit din.
"Manang-."laking gulat ko nang si Sir Tres ang nasa harap ko. At nahinto pa talaga ang bibig kong nakanganga. Pero tinikom ko na lang ulit baka mapasukan pa ng kung anong insekto.
"Have a dinner....with me."may pag uutos na naman na sabi nito.
Umirap ako at parang walang narinig o nakita. Tinalikuran ko sya at naglakad ako pabalik sa kama ng bigla nya kong buhatin. Walang hirap na isinampay niya ko sa kanyang balikat at inilabas ng kwarto ko.
"Ano ba. Ibaba mo nga ako!"
I shouted while punching his back."I will let you until you say you'll eat Aiya."
"Oo na. Oo na. Kakain na! Ibaba mo na ko."
"Sa susunod na buhatin kita gusto ko mabigat ka na." Sabi niya habang ibinababa na ako. At tumingin sya sakin na nakaangat na naman ang isang sulok ng labi.
BINABASA MO ANG
SECOND CHANCE: The Secretary and The Boss #BRSAwards2017
Romance🎖 1st Place Winner in The Crystal Stories Awards 2017 🎖Glimpse Book Society Best Story Awardee 🎖Best in Romance, garnering 3.90% in Honey's Writing Contest ✔ #235 in ROMANCE Highest Rank Achieved As of 6-24-2017 "I do not know how to unlove you...