Part 2

1.7K 98 97
                                    

"Hi Ma. Happy Birthday! Kamusta ka na diyan? Ako eto miss na miss ka na naman. Nangungulila ako sa'yo. Miss ko na mga tawa mo, mga ngiti mo at mga payo mo sakin. Siya nga pala Ma,  kailangan ko rin na iwanan muna ang bahay para doon tumira sa mansyon ng Boss ko. May sakit kasi siya at kailangan niya ko ngayon sa tabi niya."  Sabi ko sa harap ng puntod ni Mommy habang nilalapag doon ang bulaklak na binili ko para sa kanya.

Napakasaya ng pamilya namin noon. Busug na busog ako sa pagmamahal ni Daddy at Mommy. Solong anak lang nila ako kaya naman na sakin lahat ang atensyon nilang dalawa. Para sakin, napaka-perpekto ng aming pamilya.

Mas close ako kay Daddy. I was a Daddy's girl. Minsan nga nagseselos pa ang Mommy dahil sa closeness namin ni Daddy. Pero syempre kapag gano'n, sabay naman namin siyang sinusuyo ni Daddy hanggang sa sabay-sabay na kaming magtatawanan.

Tapos bigla na lang bumaliktad ang mundo namin no'n. Biglang nagulo at nasira ang lahat. Sirang-sira na hanggang ngayon ay hindi na nabuo at hindi na talaga mabubuo pa! Minsan, gusto kong magalit sa mundo sa tuwing maiisip ko ang nangyari sa buhay namin, sa buhay ko in particular.

Graduating ako sa highschool nang iwanan kami ni Daddy para sa kabit niya. Since then, Mom got depressed and she got sick. Then a few months later, she died. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapatawad ang Daddy ko. Napakalaki ng kasalanan niya sakin. Sobrang galit ang nadarama ko para sa kanya! Basta na lang niya kami iniwan ng walang paalam.

Wala rin akong balita sa kanya hanggang ngayon. Mula noon ay hindi na kasi siya nagpakita. Kahit noong libing ng Mommy ay hindi ko nakita ni anino niya. Sabagay, bakit pa nga ba niya ako babalikan? Eh wala lang naman ako sa kanya. Siya na rin ang nagtapon ng relasyon namin bilang mag-ama!

At kung sakaling babalik pa nga siya, hindi ko nasisiguro kung makakaya ko siyang tanggapin agad. Ang ginawa niya samin ay nag-iwan ng malaking sugat sa pagkatao ko.

Naputol ang pagbabalik tanaw ko sa nakaraan nang marinig kong tumutunog ang phone ko at nakita kong mula kay Sir Uno ang tawag.

"Hello Sir?"

"Aiya, D-dad is dying." Hindi ko alam  kung paano ko ba na-end ang phone ko. Ang tanging alam ko lang ay nagpaalam ako sa puntod ni Mommy at mabilis na kong bumalik sa sasakyan para puntahan ang mansyon.

Pati ba naman ang parang ama na rin sa akin ay mawawala pa. Sa maikling panahong pinagsamahan namin ni Don Diosdado ay naging parang anak na rin niya ako. Siya naman ay talagang naging parang tatay ko na rin. Sa kanya, hindi lang ako basta secretary lang. Tinuring niya kong parang tunay na kapamilya.

"I-iha, I can feel that it won't be long." Simula niya sa pagitang ng kanyang malalim na paghinga. "I want you to stay in the company especially... with my son Tres. Don't leave him even if its hard. Stay by his side no matter what. He needs you... as much as I need you Iha." Huminto ito sandali at humugot ng malalim na paghinga.

"Boss, magpahinga pa po kayo. Huwag na muna kayo masyadong magsalita at baka maka-sama pa sa inyo." Sabi ko sa kanya. Hirap na kasi siya sa pagsasalita at baka tuluyan na siyang bumigay kung sakaling ipagpapatuloy pa niya ang sinasabi niya.

Mahinang umiling ito. "Do this for me and for the company. Promise me Iha." Nanghihinang sabi niya sa akin pagkapasok ko sa kuwarto. Naiiyak na ko. Hindi ko na mapigil ang luha ko. Tanging ako at si Sir Uno lang ang nandito ngayon.

"O-po Don Diosdado, pangako po!" Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya. Pagkuwa'y nginitian niya ako.

Napatingin ako kay Sir Uno na nasa kabilang bahagi ng kama. "Sir, nasaan na po sila?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ang tinutukoy ko ay ang mga kapatid niya.

"My second brother Dos is on his way now. I hope he can make it. The eldest, Tres is still thinking whether he'll come or not."  Malungkot at may himig tampong turan nito.

"P-po? Pero ano mang sandali ay maaari pong mawala na ang Don."
Tiningnan ko ang Don na nakangiti pa rin. Sa itsura niya ngayon na kahit  kinakikitaan ng hirap at sakit, mapapa-isip ka na talagang kinakaya niya ang lahat ng hirap na pinagdaraanan niya ngayon.

"Iha, it's all okay. Kasalanan ko naman ang lahat." Again, he inhaled more deeply. "I made the gap between me and my son Tres. Bata pa siya ay kinakitaan ko na siya ng kawalang interes sa kompanya. He's a womanizer. Maraming babaeng nasaktan at umiyak ng dahil sa kanya." Huminto siya at pumikit." Para umiwas sa kahihiyan ay pinadala ko siya sa Europe at doon pinag-aral. Hindi ako naging ama sa kanya. Subalit ginawa ko 'yon para rin sa kanya. I know this is the time to make him home. For him to run the company." Sa kabila ng lahat ay panatag pang nasabi ng Don.

Gano'n ba katindi ang galit no'ng Tres na 'yun sa ama niya para hindi man lang umuwi ng mas maaga? Ginawa lang naman ng Don 'yon para sa kanya ah. Sa huli, kabutihan pa rin niya ang inisip ng Don. Siya na nga itong gumawa ng hindi maganda na halos ikasira ng pangalan nila, siya pa 'tong may ganang magmalaki!

"Promise po Don Diosdado na gagawin ko po ang makakaya ko para sa kompanya. Aalalayan ko rin po si Sir Tres tulad ng gusto ninyong mangyari."  Hawak-hawak ko pa rin ang mga kamay niya.

"Hindi ko na ata sila mahihintay. Masaya na 'kong aalis at panatag akong iiwan ang lahat sa inyo. Uno ikaw na ang bahala. Kailangang mapauwi mo ang Kuya mo. Pakisabing mahal ko siya at mahal na mahal ko kayong mga anak ko. Pati na rin ikaw Aiya." Halos hindi na marinig ang sinasabi ng Don. Paos na ang kanyang tinig at parang wala ng kalakas-lakas.

Pagkatapos ay pumikit na siya na parang natulog lang. May ngiti sa mga labi kahit na lumisan siyang hindi nakita ang dalawang anak. At kasabay no'n ay ang pag-agos muli ng aking luha.

Isang mahalagang tao na naman sa buhay ko ang nawala. Ang iniwan ako. Bakit gano'n? Pakiramdam ko lagi na lang ako naiiwanan. Lagi nalang kailangan kong harapin ang pangungulila. Harapin ang lahat ng nag-iisa.

Isang malungkot na pangyayari na naman ang kailangan kong lagpasan.
Isang hamon na naman ng buhay na susubok sa aking katatagan. At katulad ng mga pangyayari sa buhay ko, kailangan kong maging malakas at lumaban.

SECOND CHANCE: The Secretary and The Boss #BRSAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon