Part 19

1.7K 46 15
                                    

Dedicated to merlynfullente

"I said what's the meaning of this?!" Parang para sakin lang ang tanong na 'yun ni Sir Uno dahil sakin lang siya nakatingin. Hindi ko maipaliwanag ang emosyon na nasa mukha niya ngayon habang naghihintay ng isasagot ko.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng hiya at kaba. Sasabihin ko naman sa kanya eh, naunahan lang niya talaga ako. Tiningnan ko si Tres na seryoso lang na nakatingin sa kapatid niya. Hawak pa rin niya ang kamay ko pero hindi ko rin mabasa ang ekspresyon sa mukha niya.

Lumunok muna ako para makasagot. "Ahm... Sir Uno kasi..." Hindi ko naman alam ang isusunod ko. Paano nga ba kasi? Pinagpapawisan na ata ako ah. Pero diba dapat simple lang 'to? Bakit nagkaganito?

Binitiwan ni Tres ang kamay ko. Tiningnan niya ng matalim si Sir Uno. "Follow me, let's talk." Tapos binalingan niya ako. "We'll talk in private, ako na'ng bahala." At saka nauna nang naglakad papunta sa opisina niya.

Binigyan pa ako ni Sir Uno ng makahulugang tingin bago sumunod sa kapatid niya. Matagal rin na nahinto ako sa aking kinatatayuan. Pinag-iisipan ko kung hahayaan ko na lang ba muna silang dalawa na mag-usap. Pero hindi ba dapat nando'n rin ako? Kaibigan ako ni Sir Uno. Kaya lang hindi naman ako maayos na makasagot kanina kaya siguro sinolo na lang ni Sir Tres ang pagpapaliwanag.

Ay maalala ko lang... kailangan ko nga pala mai-print 'yung isang letter of authorization na ni-request ng Head of Finance. Kailangan nila 'yun ngayong umaga!

'Di bale, magdadahan-dahan na lang ako sa pagpasok para hindi nila mapansin na naroroon ako. Medyo makapal naman ang glass door ng opisina ni Sir kaya kung mag-iingat ako at tahimik lang na gagalaw ay hindi ko sila maaabala.

Naglakad na ako papunta sa office ko at dahan-dahan na itinulak ang pinto. Patingkayad pa akong naglakad para hindi madinig ang tunog ng sapatos kong suot. Hindi kasi carpeted ang flooring ng space ko unlike sa sahig ng mga Officers and Board Members.

"What are you up to huh?! Are you really out of your mind? Diba sinabihan na kita? I told you to spare her!"

Sobrang lakas siguro ng boses ni Sir Uno kaya nagawa kong madinig ang sinabi niyang 'yun. Napahinto ako sa gagawin ko sanang pag-open ng desktop ko. Sigurado akong galit siya dahil ang taas ng boses niya. At sa kapal ng salamin ay umabot pa dito sa puwesto ko. Alam kong mali ang makinig sa usapan ng iba pero hindi ko mapigil ang sarili ko na pakinggan sila.

Tungkol rin naman sa akin at saming dalawa ni Sir Tres ang pinag-uusapan nila. May karapatan din naman siguro ako na malaman 'yun. Humakbang ako papalapit sa pintuan, gumilid ako ng kaunti at lalong luminaw saking pandinig ang usapan sa loob ng opisina.

"Kuya, please... nagmamakaawa ako, not this time. Not Aiya!"

Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lang ang pagmamakaawa ni Sir Uno. Ano'ng huwag ako? Bakit? Lalo ko pang idinikit ang likod ko sa pinakaglass wall katabi ng mismong pintuan.

"I love her Uno!"

"That's bullshit! Ano'ng alam mo sa pagmamahal? Nagmahal ka na ba? Hindi mo alam 'yun dahil kahit sa sarili mong pamilya hindi mo 'yun naibigay. Tapos ngayon sasabihin mo sakin you love Aiya?"

"I love her and she loves me. Nagkakaintindihan na kami at wala ka ng magagawa do'n."

"Fuck sh't! Maybe you can fool her, but not me. Hiwalayan mo siya habang maaga pa dahil kung hindi sasabihin ko kay Aiya ang lahat."

Biglang may bumundol na kaba sa dibdib ko. May hindi ba ako alam? May hindi ba sinabi sakin si Tres? Bakit gusto ni Sir Uno na maghiwalay kami? Bakit? Hindi ba siya masaya para sa amin ng kapatid niya?

SECOND CHANCE: The Secretary and The Boss #BRSAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon