My alarm clock woke me up with it's loud tone. I looked at the time, 6 o' clock. Bumangon ako at nag-inat. Kinuha ko ang phone at pinahinto ang pagtunog nito. Iniligpit ko na ang higaan at tinungo ang banyo para maligo. This has been my everyday routine simula nung magtrabaho ako sa Yuchengco Group bilang CEO's Executive Secretary.
I'm living an independent life now. Walang pamilya. Walang boyfriend. Nasanay na rin ako sa ganitong buhay. I only have few friends na nandiyan naman lagi para sakin.
"Goodmorning Miss Aiya," bati sakin ni Kuya Peter habang papasok ako ng main entrance ng kumpanya.
"Good morning sayo kuya Peter," sagot ko naman sa kanya nang nakangiti.
Lumapit ako sa biometrics at nag-login. Two years na kong ES dito at inabutan ko nang security guard si Kuya Peter. Pedro talaga ang pangalan niya pero ayaw niyang tinatawag siya na ganun kaya binigay ko sa kanya ang nickname na Peter. Mukhang nagustuhan naman niya ito at nakasanayan na rin namin na gano'n na lang ang itawag sa kaniya.
"Araw-araw paganda kayo ng paganda ah, Miss Aiya." Biro niya sakin na siyang ikinatawa ko. Palabiro talaga 'tong si Kuya Peter eh. Pero sa lahat ng biro niya sakin, dito lang ako naniniwala. Char!
"Ay Kuya Peter, ang ganda pong pambungad ng araw ko 'yan. Thank you!" Nginitian ko siya ulit at lumakad na papuntang opisina. Minadali ko pa ang paglakad dahil naalala kong may dapat pala akong maihabol na documents for signing ng Boss ko.
Pagdating ko sa table ko ay inayos ko na agad ang mga papeles na dapat papirmahan kay Boss. Actually double checking na lang ang kailangan kong gawin dahil inayos ko na ito kahapon bago pa ako mag-out.
Dala ang mga papel ay tinungo ko na na ang glass door sa likod ko. Ang Ceo's Office. Pero wala pa siya. Nakakapanibago ah. Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko.
8:35 AM.
Hindi ugali ng matandang Don na pumasok ng tanghali. Sa tuwina ay lagi itong nauuna sa pagpasok sa aming lahat. Kung tatanghaliin man ito ay itatawag agad ito sakin para sa pagcancel ng ibang appointments.
Tumunog ang phone na nasa table ko. Lumapit ako at kinuha nang makita kong si Sir Uno ang tumatawag.
"Hello. Good morning Sir."
"Miss Aiya, Daddy is sick and he wants you to come. Can you please come here asap?!" Sabi niya sa kabilang linya.
"Ah yes Sir. Right away." Gano'n na lang ang kaba na bumundol sa dibdib ko. Sa pagkakasalita kasi ni Sir Uno ay parang urgent na urgent ang sitwasyon. Oo matanda na ang Don, pero malusog ito, malakas at hindi kakikitaan ng kahinaan.
"Okay. Thank you!" Yun lang at ibinaba na rin niya ang tawag.
Pagkatapos ng pag-uusap ay nagmamadali ko nang tinungo ang elevator pababa patungo sa parking.
Ngayon ay 6 months na akong may sasakyan. One year and a half month rin na nagcommute ako dahil hindi ko naman afford ang bumili ng kotse. Subalit ng malaman ng Don na nagkocommute ako sa araw-araw ay siya ang nagkusang mag-offer sakin ng sasakyan. Kalahati ng halaga ay sagot niya. At ang kalahati naman ay sa suweldo ko binabawas ng Accounting namin.
Malaki ang utang na loob ko sa matandang Boss dahil sa mga hindi simpleng tulong na ibinibigay niya sakin. Hindi ko naman ito pinag-iisipan ng kung ano dahil itinuring na rin niya ako na parang anak niya. Palibhasa wala siyang anak na babae.
"Iha, dapat ay dumito kana lang sa mansyon tutal ay mag isa ka lang naman sa bahay at walang kasama. This house is too big for me and Uno. Dito ay wala ka nang dapat isipin pa." Naalala kong sabi niya sakin noong nakaraan na buwan. Naramdaman ko sa kanya ang pagkakaroon ng isang ama. Sa tuwina ay lagi niya kong isinasama sa mga plano niya.
"Naku Don Diosdado, hindi na po. Salamat na lang po. Kaya ko naman po eh. Lalo pa ngayon na may sasakyan na ho ako, mas naging madali po ang lahat. At saka ayaw ko rin hong lisanin ang bahay na naiwan sakin ng Mama. Iyon na lang po kasi ang mayroon ako. At naroroon po ang masasayang ala-ala na mayroon ako." Para namang naunawaan niya ako dahil hindi na namilit pa.
Papasok na ko ngayon sa magarang mansyon ng mga Yuchengco. Mula sa main gate ay kalahating kilometro pa ang kailangang tahakin bago makarating dito. Sinalubong ako agad ni Manang Luisa, ang mayordoma.
"Tuloy ka Ms. Aiya. Pinasasabi ni Sir Uno na tumuloy kana agad sa master's bedroom pagkarating mo." Salubong na wika nito sa akin.
"Ahm sige ho Manang. Salamat ho."
Huminga ako ng malalim at kumatok sa pinto.
"Come in." Narinig kong sagot ni Sir Uno sa loob. Kaya naman binuksan ko ang pinto at pumasok ako. Nakita kong nakaratay ang Don sa kama nito. Nakapikit at parang hinang hina.
"A-ano pong nangyari kay Boss?" Nag-aalalang baling ko kay Sir Uno na nakaupo sa upuang nasa gilid ng kama ng ama.
"He has heart disease. He doesn't want to undergo surgery and the doctors said that the chance is small too." Pagkasabi ay napayuko na lang ito bigla. Para itago ang nagbabadyang tulo ng luha.
Bunsong anak ng Don si Sir Uno. Siya lang ang kasa-kasama palagi ng ama dito sa mansyon. Ang pangalawang anak na kung tawagin ay Dos ay nasa China ngayon na siyang nag-mamanage ng company branch doon.
Ang panganay na anak, si Tres ay nakabase sa Paris. A 32 year old business magnate on his own. His company manufactures and sells the famous perfume brand all over Europe, Asia and a part of America.
"Aiya, stay here. Dito ka muna tumira sa ngayon. So we can work easily kahit na andito ako't nakahiga." Nagising na ang Don at nagulat ako sa sinabi niya. Ang akala ko ay nawala na sa isipin ng matandang Boss ko ang patirahin ako dito. Ngayon ay heto na naman at mukhang mas desidido siya ngayon na mapapayag ako.
Ngayong may sakit siya, mas tama siguro na dumito na muna ako. Atleast para maalagaan na rin siya at para may makasama si Sir Uno dito. Sino ba naman ako para tanggihan ang Don na itinuring ko na ring ama.
"Okay po Boss. Gagawin ko po lahat ng makakaya ko para mapadali ang mga bagay bagay sa trabaho para sa inyo. Kung kinakailangan nga po ay huwag na muna kayo masyado mag-isip tungkol sa kumpanya. Naririyan naman po si Sir Uno eh."
Napangiti naman siya sa naging pahayag ko. Nagtagumpay si Don Diosdado na dito muna ako tumira pansamantala. Maging si Sir Uno din ay natuwa sa naging desisyon ko.
Sana lang ay wala akong maging problema sa mga tao kung sakaling dito nga ako sa bahay ng mga Yuchengco pansamantalang titira. Malimit kasing marinig ko ang ibang bulungan na kesyo, sipsip daw ako, nantutuhog at namamangka sa dalawang ilog. Natatawa na lang ako kapag naririnig ko ang mga 'yun. Hinahayaan ko na lang sila.
Basta ang importante magawa ko ng maayos ang trabaho ko at matulungan ang Don sa kumpanya. At higit sa lahat, ang maibalik lahat ng mabuting ginawa niya sakin.
BINABASA MO ANG
SECOND CHANCE: The Secretary and The Boss #BRSAwards2017
Romance🎖 1st Place Winner in The Crystal Stories Awards 2017 🎖Glimpse Book Society Best Story Awardee 🎖Best in Romance, garnering 3.90% in Honey's Writing Contest ✔ #235 in ROMANCE Highest Rank Achieved As of 6-24-2017 "I do not know how to unlove you...