Part 10

1.4K 71 16
                                    

Nagising ako nang malapit ng magtanghalian. Ilang oras din pala kong nakatulog. Nilinga ko ang paligid ko o ang kabuuan ng kwartong tinuluyan namin.

Malaki at maganda ito. Puti ang pintura ng wall, pati itong kama ay puti rin hanggang sa bedsheet, kumot at mga unan. Ang pinto at mga bintana naman ay yari sa glass pero may puti ring venetian blinds. Tanaw ko mula rito ang asul na asul na dagat na nakapaligid sa kwarto. Sa kaliwang sulok naman kaharap ng kama ay isang flat sreen TV na naka-hang, sa kanan ay puti ring couch na medyo mahaba. Sa bandang kaliwa ko naman gawing likod ay daan papuntang cr.

"Asan na kaya 'yon?!"tanong ko sa sarili ko na ang tinutukoy ay si Sir Tres.

Kaninang pagdating namin ay nahiga na ako at siya naman ay lumabas. Hindi pa kaya siya bumabalik? Saan na kaya 'yon nakarating? Nagugutom na ko ah.

Tumayo ako at lumabas ng bungalow. Tinahak ko ang wooden bridge (na nagdurugtong sa mga overwater bungalows ) para makababa sa isla.

Pagtapak ko sa white sand ay napansin ko siya na naroroon sa ilalim ng puno ng buko. Nakatayo. May kausap sa telepono at mukang masaya. Nakapagpalit na pala siya ng damit. Naka suot na siya ngayon ng loose white sando kaya kitang kita ang mga muscles niyang nasa tamang mga pwesto. Tinernuhan ng black walking short na naglabas sa pagiging long legged nito, naka black na tsinelas at kinubli niya ang chinitong mata sa black sun glasses.

Napakalakas ng appeal ng Boss ko sa totoo lang. Kahit ang mga babaeng nadadaanan siya ay nililingon pa siya na halos mabale na ang leeg kakatingin. At nginingitian naman niya ang mga ito? Kaya naman halos malaglag rin ang panty ng mga babae sa kilig! Hmp!

Playboy yan, tsk!

Nilagpasan ko siya at hindi na nilapitan dahil abala naman ito sa iba.
Dumiretso na lang ako sa hotel para kumain.

Malapit na ko sa buffet table kung saan naroroon ang pagkain ng may pamilyar na mukha akong nakita na papunta sakin. Nakangiti ito sa akin habang papalapit at nakilala ko na agad siya. None other than Deelanne II Yuchengco, aka Dos a second brother of Sir Tres.

"Hi Aiya! You're here. Nasa vocabulary mo pa pala ang salitang vacation huh?!" He said cheerfully nang nasa harap ko na siya.  A boy next door. Matangkad lang ng kaunti sa kanya si Sir Tres. Chinito rin ang mga mata at palangiti. Approachable siya hindi katulad ng Boss ko na maiilang kang kausapin.

"Hello Sir Deelanne. Kumusta po?"ganting bati ko sa kanya.

Madalang kong makita si Sir Dos dahil nga nakabase siya sa China ngayon. Nando'n kasi ang isang branch ng Yuchengco Group, ang Yuchengco Ventures. Siya ang Presidente nito.

"Heto. Doing fine. Still searching for.... you know... uhm never mind."sagot niya sakin at tumawa pa ng pagak. "So are you alone or with someone?"tanong nito sakin habang inaya naman ako sa kalapit na buffet para makakuha na ng makakain.

"I'm with Sir Dionne."

Sasandok na sana ito ng pagkain ng mahinto dahil sa sinabi ko.
"What?! Why? I mean, just the two of you or with the gang?!" At talagang hinarap niya ko uli para hintayin ang isasagot ko.

"Yes Sir. Kami lang po. Pinagbakasyon po niya ko dahil wala pa raw akong leave the whole year. Tapos nang malaman niya na dito ako sa Maldives magbabakasyon, sumama siya. Samahan na daw niya ko." Kibit-balikat na sagot ko. Saglit ko lang din siya tiningnan at itinuloy na rin ang pagkuha ng pagkain dahil gutom na talaga ko.

Napatigil ito sandali na parang may kung anong inisip. "Aiya, I have one advice for you. Just don't fall for him. Okay?"

"Sir you don't have to worry about that certain kind of thing. I can handle it." Confident na saad ko.

Kaya nga ba? Oh eh bakit naman hindi? I had my own experience. At 'gang ngayon nandito pa rin ang sakit. Ang pakiramdam ng maiwan na lang. Pakiramdam ng niloko. Pakiramdam ng pinagpalit sa iba. And as long as I feel the hurt inside me, I don't think I can love someone else. O mas tamang sabihing hindi na mawawala ang galit ko sa tulad nilang mapaglaro.

"And-"

"So what do we have here?"si Sir Tres na nasa likuran na pala namin. May sasabihin pa sana si Sir Deelanne pero hindi na niya  naituloy dahil sa pagdating ng nakatatandang kapatid.

"I heard you have your vacation with Aiya. Just like the old times huh?"pasaring na wika nito sa kuya niya at hindi man lang binati. At kung hindi ako nagkakamali ay may nakita akong galit sa kanyang mga mata.

"Cut the crap!"mariing wika naman ni Sir Tres at tinitigan ng masama ang kapatid.

"Why? Totoo naman hindi ba?" Nakangisi pang saad ni Sir Dos.

Sasagot pa sana ang Boss ko pero sumingit na ako. "Ah Sir Deelanne, tayo na ho sa dining table baka lumamig po ang pagkain."aya ko na kay Sir bago tuluyang magkainitan silang dalawa.

Pero wala pa ring tumitinag sa kanilang dalawa. Sino kayang unang magbabawi ng tingin? O ang mauunang kukurap?!

"No. Hindi ka sasama sa kanya!"
Nakatingin pa rin siya kay Sir Dos habang sinasabi ito.

Naunang nagbawi ng tingin ang mas bata. Huminga ito ng malalim."Okay, I'll leave the two of you." At tumingin si Sir Dos sakin na parang may gustong ipaghiwatig. Na parang gusto niyang makuha ko ang ibig niyang sabihin sa pamamagitan ng kanyang mga mata.

"Spare her."

Nadinig ko pa ang bulong niya na 'yon kay Tres bago kami iniwan na dalawa. Smirk lang naman ang sinagot ni Sir Tres sa kanya. Binalewala ko lang naman 'yon at lumakad na patungo sa mesa.

Pero bago pa ko makalapit ng husto ay may humawak sa siko ko. "Ako, won't you invite me to join you?"

Naramdaman ko ang parang kuryenteng dumaloy sa braso ko sanhi ng pagkakahawak niya na 'yon sakin. Nilingon ko si Sir Tres. Sino ba naman ako para tanggihan sya?

"Uh. Kain po tayo."pilit ang ngiting sabi ko at umupo na ko. Siya naman ay pumunta na sa buffet table. Sinimulan ko na ang pagkain at hindi na siya hinintay pa.

Gutom na kasi ako talaga. Tapos pagod pa sa byahe. Hindi ko na siya kayang hintayin noh. Konti lang naman ang kinuha kong pagkain kaya naubos ko na agad bago pa siya makabalik dito sa mesa.

"Are you done?"tanong nito na obvious naman ang sagot. Dahil ang linis na ng plato ko. Tsk.

"Yes Sir."

Mula sa hawak niyang pinggan ay nilagyan pa niya ang akin ng konti pang rice at buttered veggies na siya namang ikinagulat ko. "Kumain ka pa, ayoko ng papayat payat......sa, sa kompanya."pabitin pang sabi niya.

Ako? Payat? Hah! Slim kaya ang tawag dito. Kung payat, edi sana buto't balat. Achu!

Hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain ko ng muli syang magsalita.
"Gusto mo bang subuan pa kita?"

Napanganga na naman ako at mabilis na hinawakan ang spoon and fork at kumain muli.

Haiist. Hindi ko talaga siya maintindihan madalas eh. Minsan, galit na masungit. Minsan, malambing na mabait. Ano ba talaga?! Ang gulu-gulo niya talaga!

Pero kahit ano pa siya never mind nalang. Boss ko siya, secretary niya ko. Nothing else. Period.

Pero nakikita ko sa line of vision ko na tinitingnan niya ko. Kikiligin naba ko?! Nakakailang, feeling ko namumula mga pisngi ko!





















A/N: Another cliche here. Pero sana magustuhan niyo pa rin. Pretty please vote and comment. Nice comments get a dedication! Yey! 😍😀

Gusto ko pala magpasalamat sa mga sumusunod, hindi po sila snob and very approachable. Thank you po mga sweetie pretty! 😚
floopowder118

Ms_Singkit13




Pls read my another story
Sisters, Lovers

Thanks a lot! ❤😚

Saranghae,

Cha Rivero

SECOND CHANCE: The Secretary and The Boss #BRSAwards2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon