Aiya's POV
No words can explain how happy I am right now. I can't believe this is really happening. Imagine, boyfriend ko na ang Boss ko. Ang pinakamasungit na lalaking nakilala ko. Ang laging nagpapagulo sa isipan ko dahil sa pagka-moody niya. Ang guwapong lalaki na dahilan ng hindi maayos na pagtulog ko dahil alam kong nando'n lang siya sa kabilang kuwarto.
Hindi rin ako makapaniwala na mahuhulog ako sa kanya. Playboy, womanizer at lahat na ng pwedeng itawag sa kanya. Ano'ng magagawa ko, pinigilan ko naman eh. Itinago ko naman ang damdamin ko. Pero hindi ko rin nagawang itaguyod dahil sobrang mahal ko na rin siya.
Kung masasaktan man ako sa bandang huli, tatanggapin ko ng buong puso. Kailangan ko sigurong gawin 'yon. Dahil ang pag-ibig ay isang sugal. Sa ngayon, ie-enjoy ko muna ang lahat. I will cherish every moment being with him. And when the time comes that he will need to replace me in his heart, I will let him go whole heartedly kahit masakit.
Nakangiti ko nang ipinagpatuloy ang pagbibihis ko para pumasok na ng opisina. Bawal akong malate.
Kasi ayoko namang isipin ng Boss ko na porke naging kami magpapalate na ko sa trabaho. Syempre iba pa rin 'yung personal life sa trabaho. Hindi pa rin namin napag-uusapan ang tungkol dito pero sa tingin ko naman ay wala ng kailangang pag-usapan. Kapag sa trabaho, Secretary ako, Boss ko siya. Kapag nasa labas naman ay boyfriend ko siya at girlfriend niya ko.
Mamaya ko na lang din ibabalita kay Dianne ang nangyari. At siguro pati kay Sir Uno na rin.
Nagulat ako ng buksan ko ang pinto. "S-sir?" Nakatayo kasi siya sa mismong tapat ng pinto at aktong kakatok na sana.
"Hi! Goodmorning baby girl." Ngiting-ngiti na bungad nito.
Nakakakilig ang baby girl. Parang natutunaw ang puso ko sa kaba kapag naririnig ko 'yon. "Sir, ahm... bakit kayo naririto?" Nagtataka lang ako.
"Papasok ka na? Sabay na tayo. Huwag mo na dalhin ang kotse mo. At saka pwede bang huwag ng Sir ang itawag mo sakin. It can be baby boy since I'm calling you baby girl."
Malambing na wika niya. Natawa naman ako sandali sa sinabi niya. Hindi yata ako sanay na ganito siya ah. Nakangiti, mabait at masigla. Walang linya ang noo, walang talim ang mga mata. Hindi nakakailang."Okay sige. Ah, pwedeng baby na lang?" Tawad ko pa sa kanya. Parang medyo OA naman kasi 'yung baby boy eh.
"Yeah, kung saan ka masaya. But for me, calling you baby girl is enough for me." Tinaas-baba pa niya ang kanyang mga kilay na labis kong ikinatawa.
"Sige. Pero pagdating sa opisina Sir na ang itatawag ko sayo ha. Okay ba 'yun baby?" Matamis ko siyang nginitian.
Sumimangot naman ito. "Naah, I don't like that idea. Gusto ko kahit do'n sa office baby pa rin ang tawag mo sakin."
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Ano?! Hindi pwede, ayoko! Ano na lang ang sasabihin o iisipin nila sating dalawa?""So what? Mag-ano ba tayo?"
"Magboyfriend."
"Ikinakahiya mo ba ko?" Bigla na naman s'yang sumimangot.
Bakit ko naman siya ikakahiya? Ako nga siguro ang dapat niyang ikahiya dahil secretary niya lang ako. "Hindi."
"Oh 'yun naman pala eh."
"Pero kahit na, ayoko pa rin na sumama 'yung tingin nila satin. Lalo na sa 'yo, secretary mo pa rin ako."
"Mas mahalaga pa ba 'yung iisipin ng ibang tao kesa sating dalawa?"
"Hindi naman sa gano'n. Ang akin lang baby, nasa trabaho na tayo eh. O siya, sige na nga. Para hindi na natin ito pagtalunan, kapag tayong dalawa lang sa office, we will use our endearment. Kapag may ibang tao, formal calling na. Okay ba 'yun?"
BINABASA MO ANG
SECOND CHANCE: The Secretary and The Boss #BRSAwards2017
Romansa🎖 1st Place Winner in The Crystal Stories Awards 2017 🎖Glimpse Book Society Best Story Awardee 🎖Best in Romance, garnering 3.90% in Honey's Writing Contest ✔ #235 in ROMANCE Highest Rank Achieved As of 6-24-2017 "I do not know how to unlove you...