The BEGINNING.

108 0 0
                                    

CHAPTER 1

Simulan natin ang istorya.

"Shete! Kanina pa ako dito wala parin dumadaan!" madiin kong bulong sa sarili ko! Badtrip! Anong oras na nandito pa ako sa kanto namin! 

-

After 30 minutes of waiting may dumaan din, ang kaso parang ayaw pa akong pasakayin nung mamang driver, bakit? kasi, makikita mo sa nangungusap nyang mga mata na parang sinasabe nyang:

“Ineng, kakasya ka pa ba dyan?.” 

Nakakainis. Badtrip na nga ako tapos ganto pa ang itsura ni manong!

Badtrip! Ang sakit sa puso’t damdamin kapag napapamukha sayo ang katotohanan. Pero hindi ko pinansin si Manong driver, sumakay parin ako. At ayun buti na lang nagkasya naman ang sexy kong butt. Yiieee, excited na akong ma-boring mamaya pagdating ng school. Magulo ba? Magulo po kase talaga ako.

@SCHOOL

Papasok na ako pero hindi nyo pa nga pala ako kilala kaya kailangan ko munang magpa-kilala.

Hi. I’m Maria Vanessa H. Del Sol but Marvs for short, I'm 17 years of age, taking up Bachelor of Science in Business Administration na naniniwala sa kasabihang “Ang kagandahan ay wala saakin. Nasaan? Diko pa alam” yun lang po at maraming salamat. Clap. Clap. Clap. Beauty pageant ampeg? Nagde-day dream lang po. Pagbigyan na si Taba.

Actually, inaamin ko naman na mataba ako. Pero konti lang, tama ng chubby nga yung tawag sa akin. Eh kasi naman para 60kls lang para sa isang 17year old na kagaya ko, eh may iba pa nga dyan na mas mataba pa sa akin at mas bata pa sa akin no? Nang damay pa? HAHA eh kasi naman, hindi lang naman ako ang mataba sa mundong ibabaw pero parang pag nakikita nila ako parang isa akong malaking kasalanan sa mundong ito.

Masakit mang isipin pero totoo, alam ko ang tingin ng karamihan samin sa akin ay hindi ganun kataas kagaya ng ibang normal na babae. OO, kaya nila ako tinatawag na baboy kasi mataba nga eh. Pero alam ko naman kaya nila palaging napupuna yun kase MAGANDA ako. But seriously speaking, alam ko masama ang tingin nila sa akin eh bakit nga ba? Kasi malandi daw ako, OO ako na nga tong nilalait-lait na mataba tapos sasabihan pa ng malandi. Eh sila na nga nagsasabing baboy ako eh pano ako lalandi? Taka kayo ano?

Eh paano naman kasi halos lahat ng lalaki na taga sa-amin ay friends ko, “tropa” kung salitang pang kalye. Kaya ayun, kasi nga halos lahat ng nakakasama kong lalaki ay tropa ko at very close kami, ayun dun nag simula ang salitang “malandi.” Ok lang sana kung lumalandi nga, kaso hindi. At ok lang sanang tawagin nila akong malandi kung pinapansin ako ng CRUSH ko, ang kaso hindi. Tulad ngayon. -_-

* * *

“Heyyy! Ano ba naman yan Miss! Watch out!” sigaw nung lalaking nabangga ko. Eh ayan! Paano na ako makakapagpaliwanag sa inyo eh may nagsusungit sa akin ngayon!! >_<

Nandito na nga pala ako sa school. Papasok na ako kanina noong may makita akong nagtitinda ng buko juice sa labas kaya bumili ako. Ibibigay ko kay bessy yung isa. Tapos yung isa iniinom ko.

Ang kaso napabuhos sa uniform ng taong nakabangga ko yung iniinom kong buko juice. Shete! Nakakahiya. Kuha ko syempre yung panyo ko para punasan sana yung uniform ni Kuya pero pag-harap ko.

O.O

Napa ganyan ako. WHY? Paano naman kasi ang nakabangga ko lang naman ay yung isang taong kinababaliwan ng halos lahat ng babae sa school namin. Sino pa, edi si….

“Ivan Carlo Dela Vega.” Mahinang bulong ko.

“Yeah, right. I’am. And Miss, next time be careful. But be ready. Babalikan kita!!!” Galit na pahayag ni Ivan.

At dere-deretcho na ito pataas ng hagdan. Para kasi siyang nagmamadali eh. Napa-tango na lang ako kasi natulala na naman ako sa kanyang ka-gwapuhan. Pagka-lampas niya sa akin ay tsaka lang ako natauhan at nagpatuloy na din ako sa paglalakad.

“Shit! Shit! Of all people naman! Bakit sya pa ang nabangga ko! Badtrip!” kausap ko sa sarili ko habang deretcho na ako sa paglalakad papunta sa classroom namin.

Naisip ko yung sinabi niya. Babalikan daw nya ko? Be ready? Packing tape!!! Dapat kiligin ako kung ibang sitwasyon yun! Pero pagka-nga naman nahagip ka ng kamalasan sya pa talaga ang natapunan ko! Shett. I’m dead.!! T_T

---

FIRST A/N: Hello po. This is my first story. I hope you'll like it. You are free to leave comments either negative or positive. Alam ko po na madami pa akong kailangan i-improve kaya I hope na matulungan nyo akong i-improve ang writing skills ko through your comments and suggestions. Help me guys! Pretty please. Comment and Vote po kung okay po yung story. Thankyou po! GODBLESS. 

Dreams do come true w/ YOU. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon