CHAPTER 13
IVAN’S POV
Ano bang mga problema ng mga babae ngayon? Close naman na kami pero bakit ganito sya umasta? Kanina sa management tinatanong ko sya kung anong problema nya sabi wala daw. Eh bakit pakiramdam ko iniiwasan nya ako. At bakit pakiramdam ko naaapektuhan ako?
Siguro dapat hindi ko na lang sya kausapin. Kung ayaw di wag nya. Bahala kang Vanesaa ka! Magfo-focus na muna ulit ako kay Chelsie total nag-e effort naman yung tao.
Tapos naalala ko na naman kanina noong papunta na ako sa time ng Filipino namin! Tsk!
FLASHBACK
"Hi. Marvs. " I heard Vince says to Vanessa while showing his perfect set of teeth!
"Hello. Kamusta?" Vanessa smiled back at him tapos tinuloy na nya yung paglalakad. Ito namang si Vince sunod ke sunod ke Vanessa! Siguro ihahatid to nito sa room namin! Kaya sumunod na din ako pero I keeped my distance para di nila ako mapansin.
"Eto. okay lang naman. Ikaw ba? Oonga pala. Gusto mo ba sa group nlng nmin sumama sa group project ntin sa Management?" Ang sigla-sigla pa ng pagkakasagot nya kay Vince, e samantalang kanina di man lang nya ako matignan!
"Oo sige ba. Sali mo ako ha? Sino ba ang leader natin? " tsk. hindi ba nya narinig na isa ako sa leader kanina?!
"Sige. Sali kita. Si Ivan ang leader natin. Hindi mo ba Narinig na isa sya sa tinawag sa leaders? " tumigil na sila sa may tapat ng room namin. Ako naman doon sa kabilang pinto dederetcho, dalawa kasi ang pinto ng room namin.
"Ay. Ganun ba? " saad ni Vanessa na para bang nalungkot dahil ako ang leader! what the F!
"Oo. sige. Dito na room mo, right?" ngiting ngiti pa tong si Vince nakakainis!
"Osge. Ingat ka. Salamat sa pagpapasali. " nagngitian pa sila bago umalis si Vince! Naiirita ako kay Vince kase ako dapat yung mag-aaya kay Vanessa! Badtrip!
Kaya noong napasulyap sakin si Vanessa bago pumasok sa room namin eh sinamaan ko na sya ng tingin! Nagtataka yung muka nya pero wala akong pakealam! Nabadtrip na ako kaya hindi na ako dumeretcho sa pag-pasok sa room. I'm bored!
END OF FLASHBACK
Yan ang dahilan kung bakit ako naiinis ngayon! Kaya hindi na ako umattend
“Babe.” Narinig kong tawag ni Chelsie sa akin. Nandito ako ngayon sa parking lot ng school at handa ng umuwi. Tinatamad na ako eh.
“Why?” tamad kong tanong sa kanya.
“Where are you going? Hindi ka na ba aatend sa last subject mo?” mahinang tanong nya sakin. Tsk. Ayoko nga umattend makikita ko na naman si Vanessa at mababadtrip na naman ako sa cold treatment nya sakin.
“Uwi na ako. Tinatamad ako. Bakit ba?” sabi ko sa kanya. Lumapit sya sakin.
“Maya ka na umuwi. Date na lang tayo.” Masiglang sagot sa akin ni Chelsie. Psshh. Date na naman?
Pero pumayag parin naman ako sa date naming ni Chelsie. Kumain kami sa labas. Naglakad lakad sa may mall. Ganon lang ang ginawa namin hanggang sa napagod na ako kaya nagyaya na akong umuwi.
* * *
MARVS POV
It’s been a week simula noong hindi ko kinakausap si Ivan kahit nag a-attempt syang kausapin ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Siguro ito na lang ang way ko upang mapatay ko na ang lumalalim na nararamdaman ko sa kanya. Tsk. Ang hirap ng ganitong pakiramdam. May gustong gusto kang tao pero kailangan mo na syang iwasan kasi alam mo naman na may mahal na syang iba.
“Hi Marvs.” Bungad sakin ni Vince pagdating ko sa classroom namin. Shems! Ang gwapo nya lalo ah! Medyo magulo kasi yung buhok nya, parang sinadyang guluhin. Tsk bagay sa kanya.
“Hello Vince. Long time no see ah. Busy?” nangingiti kong tugon sa kanya.
“Yap. Medyo abala kami ng grupo sa presentation naming sa HBO, pero patapos na kami.”-Vince
“Ah. Kaya pala. Okay lang yan. Keri nyo yan.” Nakangiti parin ako habang nagderetcho na sa upuan ko. Tumabi sakin si Vince. Weird. Bakit sya tumatabi sakin ngayon?
“Ah-h, Marvs. May gagawin ka ba sa Sunday?” parang nahihiya pang tanong nya sakin. W-wait. Bakit nya kaya tinatanong?
“Uhm. Simba lang and after that wala na. Bakit?” balik tanong ko sa kanya. Tapos biglang iniwas nya ang tingin nya sakin. Eh?
“Y-yayayain sana kitang manood ng sine. Ok lang ba? Labas tayo? After mo mag-simba?” sunod-sunod nyang tanong sakin ng hindi parin tumitingin sa mata ko. Eh? Niyayaya nya ba akong mag-date? Pakiramdam ko nag init yung muka ko ah.
Sasagot na sana ako ng biglang may bumagsak sa paanan ko na notebook kaya naagaw ang atensyon ko.
“Shit!” narinig ko pang sabi nya. Tsk. Si Ivan pala dumating na. Hindi ko alam kung sinadya nyang ipatak yun o nagpatak lang talaga yung notebook nya.
“Oh. Marvs, ano? L-labas tayo?” natuon na ulit kay Vince yung atensyon ko. Napaisip ako? Sabagay wala din naman akong gagawin eh.
“Oo ba, sige. Kita nalang tayo sa mall?” nginitian ko ulit sya. Pagkasabi ko nun parang lumawak yung ngiti nya. O-okay? Problema nya? Feeling ko tuloy ang ganda ko ngayon kasi parang espesyal ang pagkaka-yaya sakin ni Vince.
“Ah. Sunduin na lang kita sainyo. Sasamahan na din kita mag-simba para deretcho na tayo sa mall.” Malawak parin yung pagkakangiti nya kaya pati tuloy ako nadamay.
“Okayy. Masyado kang masaya ah? Pati ako nahahawa sayo eh.” Natatawa kong sabi sa kanya sabay hampas. Nakakatuwa kasi sya.
Meanwhile, nasulyapan ko naman si Ivan na nakasimangot. Tsk? Problema nito? Pero noong biglang pumasok si Chelsie ngumiti sya. Para tuloy bumigat yung pakiramdam ko. Feeling ko nadaganan sya ng bato. Kainis.
Pinagpatuloy na lang naming ni Vince yung kwentuhan naming. Sabi nya sakin agahan na lang daw nya ang punta nya samin para maaga rin kaming makauwi. Feeling ko ang haba ng hair ko today. Isipin mo yayain kang lumabas ni Vince no?
--
SECOND A/N: Hello Guys! You are free to leave comments and suggestions either negative or positive. Gusto ko lang naman pong malaman kung okay lang itong story ko. First story ko po kasi kaya hindi ko po alam kung anong dapat ko pang i-improve. Your comments and suggestions will be much appreciated. You can vote too kung okay itong story ko. THANKYOU PO. GODBLESS GUYS!
BINABASA MO ANG
Dreams do come true w/ YOU. (ON-GOING)
Novela JuvenilIs it true that DREAMS DO COME TRUE W/ YOU?