Meet HIM.

88 1 0
                                    

CHAPTER 2

“Bessssyyyyy!!!” salubong ng BFF ko sa akin.

“Ay anak ng tupang kalabaw na kwan!!! Ano ba naman yan Bessy! Wag mo akong ginugulat!” sigaw ko dito.

“Eh kase naman, para kang natuklaw ng ahas habang tulala ka habang naglalakad! At infairness pwede na din baliw kasi kinakausap mong mag isa yang sarili mo!” mahabang paliwanag ni Bessy.

Sya nga pala ang bestfriend ko si Kathleen Mae Vera. Makulit at maingay pero lovable naman. (:

“Eh pano naman kasi Bessssyyyyyy!!” sigaw ko. Ay hindi pala sigaw, bulong lang na medyo pasigaw.

“Oohhhh?? Anong meron Bessy? Natuklaw ka nga ng ahas?” tanong agad ni Bessy sa akin.

Umiling ako.

“Baliw ka na ba?” tanong ulit.

Iling ulit.

“Eh ano nga ang nangyare? Gravity! Pa-suspense? Tapos wah wents naman sasabihin! Ano nga kaseee??” pangungulit nya pa. Tulala parin kasi ang lola nyo.

“Eeeeehhh. Bessssyyy!!” impit ko sa kanya.

“Ala! Ewan ko sayo. Bahala ka dyan hindi ka makausap ng matino!” dabog nya pa sakin at sabay walkout.

Syempre, natauhan ako hinabol ko ang Bessy ko. Mukha kasi syang pahabol, gusto palagi sya hinahabol. At ayun, awa ni BRO naabutan ko naman kahit medyo hihikain na ako sa pagtakbo, kahit hindi naman talaga takbo yung ginawa ko para naglakad lang ng medyo mabilis. Hayyy. Hirap talaga pag SEKSIK. 

“Ehh, Bessy. Eto na kukwento ko na nangyari kanina.” Hila ko sa kanya.

“Oh? Anyare nga kase?” habang dere-deretcho parin sa paglalakad. Ako naman nakabitin padin sa kamay nya.

“Nakasalubong ko si Ivan…” bulong ko sa kanya.

"Sino?" sagot ni Bessy.

"Si Ivan nakasalubong ko." bulong ko ulit. 

"Ano?" sagot ulit ni Bessy.

"Nakasalubong ko si Ivan!!!!!" sigaw ko! Wala na akong pakialam kung madami ang napataas ang kilay sa pag sigaw ko! Aba! Nakakainis kasi parang wala lang sa bestfriend ko yung sinabi ko. T.T

Noong sumigaw ako natigilan sya at tumingin sa akin tapos naglakad na ulit habang nagsasalita.

“Oh? Eh ano? Syempre dito sya pumapasok alangan naman hindi mo makasalubong tsaka parehas lang naman natin siya ng course kaya hindi malayong makasalubong mo sya. Magtaka ka kung nakasalubong mo sya sa loob ng kwarto mo o sa loob ng CR nyo. ” Mahabang paliwanag nya pa sa akin.

“Ehh. Nakabunggo ko kasi sya..” bulong ko ulit sa kanya hindi ko na pinansin yung mahabang lintaya niya.

“Oh? Tapos? Ayaw mo non napadikit ka sa kanya.” walang ganang sagot niya sa akin.

“Eee. Bessy, natapunan ko sya ng buko juice… T__T” paiyak na ako nito.  Pero patuloy parin kami sa pag lalakad. Ngayon ko lang naisip na bakit ang tagal naming mag lakad. Hayy, hirap talaga kapag problemado.  -_-

“Oh. Eh an….. ANOOOOOOO????? Bakit naman sa dami ng matatapunan mo yun pang….”.Napatigil sya. At gumilid sakin tapos bigla syang may tinititigan sa likod ko.

Dreams do come true w/ YOU. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon