Soooo Assuming!

46 1 0
                                    

CHAPTER 5

MARVS POV

Ang aga kong nagising ngayon. Gusto ko kasing mauna sa klase kasi ayokong maagaw ang atensyon ng mga kaklase ko mamaya kapag pumasok ako. I know until now pinagtatawanan parin nila ako ng dahil sa nangyari kahapon.

Urghh. Bwisit kasi yung gwapong si Ivan na yun eh. Kung hindi dahil sa kagwapuhan nya este sa kasungitan nya hindi ko dapat sya susungitan.

Hindi sana ako na detention kahapon.

Hindi ko sana na missed yung mga activities kahapon pati mga quizzes.

At higit sa lahat, hindi ko sana na missed pati yung pagkain kahapon sa cafeteria na pina-reserved ko kay Aling Rosa.

Grabe. That evil guy. Kung hindi ko lang sya crush nakuu matagal ko na syang inuwi samin este matagal ko na syang ibinaon sa lupa.

Porket hindi ako maganda kung itrato niya ako pati ng mga kaklase ko akala mo hindi ako karespe-respeto. Nakakainis talaga sila. Silang lahat. Nakooo pag ako nagging sexy na at gumanda "WHO YOU" sila sakin. I swear. >_<

Nabura lahat ng iniisip ko ng matanawan ko ang bestfriend ko si Kathleen.

“Hello Bessy, Good morning!” bati sakin ni bessy may kasamang beso pa. Feeling maganda tuloy ampeg. Nahawa tuloy ako. 

Well, maganda naman talaga ang bestfriend ko hindi ko nga alam kung paano kami naging mag bestfriend eh ang ganda ganda nya eh ako para lang akong basahan. (nakakaawa naman ako).

“Hi, goodmorning.” Masayang bati ko din sakanya. Nagsabay na kami ng lakad kasi magkaklase naman kami sa first subject namin ngayon.

“Bessy, nga pala about yesterday. Ano ng nangyari sayo sa detention’s office? Pag punta ko dun nung hapon wala ka na daw sabi nung SA (student assistant).” Tanong sa akin ni bessy.

“Ah. Umuwi na ako agad. Pinayagan na kasi ako nung bandang alas-dos na ng hapon kasi may pupuntahan daw yung SA e sasaraduhan yung office kaya pinauwi nya nalang ako.” Mahabang paliwanag ko habang nakangiti.

Naaalala ko kasi kahapon yung SA, pinagmamadali niya kaming umalis ni Ivan kasi may date pala sya. Nakooo. Pwede palang ganon. Pwede palang saraduhan nalang nya ng basta ang office. Tiwalang tiwala yung head sa kanya yun pala hindi naman niya ginagawa ng mabuti yung assigned job sa kanya. Sumbong ko sya sa head eh.

Natawa si Kath nung kinuwento ko yung naalala ko.

“Girl, ang swerte mo ha. Pasalamat ka at nagka date yung babaeng yun kung hindi hanggang alas-singko ng hapon ang beauty mo don. HAHA” Natatawang sabi nya pa sa akin.

Nakarating na kami ng room at gaya ng inaasahan ko kami ang kauna-unahang dumating. I’m so thankful kasi hindi na mababaling ang atensyon sa akin ng mga kaklase ko.

“Oo nga eh. Nakakatawa lang yung muka nya kasi atat na atat na talaga syang paalisin kami sa office.” Sagot ko pa sa kanya. Nangunot ang noo nya.

“Anong kayo? May kasama ka pa sa office kahapon?” kunot noo nya paring tanong sa akin.

“Oo naman. As if naman ako lang nakagawa ng violation kahapon. Like duh.” Natatawa ako sa way ng pagtatanong nya.

“Eh? Sino naman mga nakasama mo sa office kahapon?” sabi nya sa akin sabay hila ng upuan at umupo sa harap ko.

“Sino pa edi si Mr. Yabang A.K.A Ivan Dela Vega” nag t-twinkle pa yung mata ko habang sinasabi ko yung pangalan nya.

Parang tanga lang ako, kahapon at kanina galit na galit ako sakanya tapos ngayon naman kinikilig ako pag na i-imagine ko yung mukha niya.

Lalo na noong nakapikit sya kahapon. Para syang maamong tupa noong nakapikit sya. Ang haba pala ng kanyang pilik mata at ang tangos ng kanyang ilong pati ang lips nya, eeee.

Nakuuu napaka kissable, mas mapula pa ata ang lips nya kaysa sa akin. Iniisip ko nga kung nag l-lip balm yun. HAHAHA

Wala na akong ginawa kahapon kung hindi titigan siya, nawala yung badtrip ko kasi napagmasdan ko ng malapitan yung mukha nya.

Kaso nabadtrip ulit ako nung nagmulat na. Sigawan ba naman ulit ako. Grabeeee.

“Ah ganon. Kaya pala nawala sya kahapon at diko na nakita. Tumambay pala sa detention’s office.” Patango tango pa si bessy habang nagsasalita.

Naputol ang pag uusap namin ng biglang nag ring yung first bell meaning 5mins nalang at mag uumpisa na yung klase. Nagsi-pasukan na yung mga kaklase ko at nagsi-upo na sa kanya-kanyang upuan.

-

We are in the middle of our discussion ng biglang nagbukas yung pinto sa unahan. Wew, hanep ang aga naman ng gwapong toh ah. Sino pa ba? Edi si Mr. poging Ivan.

Pasok pa ba to ng matinong estudyante? Ni hindi man lang nag sorry sa prof sa unahan dahil na late sya at ni hindi man lang bumati ng good morning??

What the? Tapos bigla nya akong tiningnan. So tingin lang din ako. Kinabahan naman ako noong nakita kong lumalapit sya sakin.

Goshhh. Dipa ba nya ako titigilan? (GAHDD!!)

Tapos lumampas sya sakin naupo sya sa vacant seat sa likod ko. 

Ayy, ASSUMERA ako. TOTOO.

Dreams do come true w/ YOU. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon