Ivan & Chelsie together.

32 1 0
                                    

CHAPTER 11

IVAN’S POV

Badtrip ako. Nakakainis lang kasi kanina sa management class namin kasi hindi ako pinalipat ni Ma'am sa upuan ni Vanessa. Ang tagal ko tuloy nag-antay ng labasan. Ayoko dito sa upuan ko. Ayokong nakikita kahit sa peripheral vision ko si Chelsie. Naiinis ako. Kaya noong naglabasan na tumayo na agad ako. Nakita ko si Vanessa na nagmamadali sa pag-tayo kaya tinawag ko sya.

“Vanessa!” tsk. hindi man lang sya lumingon balak ko pa naman sanang sumabay sa kanyang kumain.

--

Pagkalabas ko kanina sa last subject namin nakita ko si Chelsie sa labas ng room na parang may hinihintay. Hindi ko sya pinansin kaya nagdere-deretcho na ako palabas. Pero napatigil ako noong lumapit sya sa akin at hilahin ang kamay ko.

“I-iivan. Pwede ba tayong mag-usap?” nagsusumamong pakiusap sa akin ni Chelsie. Nakakainis. Bakit naapektuhan parin ako?

“Ang alam ko wala na tayong dapat pag usapan.” Dere-deretcho na ako sa paglalakad. Pauwi na ako ngayon at doon ko balak dumaan sa may dulo ng hallway kasi nasanay na akong dumaan doon. Pero nararamdaman ko na sumusunod si Chelsie sa akin s apaglalakad kaya hinarap ko sya.

“Ano pa bang kailangan mo? Umalis ka na kasi wala akong panahon para makipag-usap ngayon.” Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko kasi kahit nakaharap ako sa kanya hindi ko matingnan sya sa mata nya.

“Please Ivan, mag-usap tayo. Sorry.” Pilit niyang hinuhuli ang mga mata ko para mapatitig ako sa kanya. At nanalo sya doon. Kaya hinila ko sya doon sa part na malapit sa hagdan para walang makakita saamin na ibang estudyante. I know hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na may nakaraan kami ni Chelsie.

“Ano pa bang kailangan mo? Wala na sabi tayong dapat pag-usapan! Kaya pwede ba!” matigas kong pahayag sa kanya. Ano ba to? Hindi pa ba sya titigil. Ayos na ako eh. Nag-iiba iba na. Hindi ko na nga sya masyado naiisip simula noong madalas naming pagsasama ni Vanessa. Napapagaan na nga nya ang loob ko. Pero bakit kailangan pang bumalik ni Chelsie? What for? Para guluhin ulit ang damdamin ko? Alam ko naman na sa sarili ko na hindi ko na sya mahal pero ano tong nararamdaman ko? Awa ba dahil nagsusumamo sya?

“Babe, Forgive me. Bigyan mo pa ko ng pagkakataon. Please. Hindi naman na talaga ako dapat tutuloy sa paris dahil…” I cut her words.

“You don’t have to explain yourself to me because I don’t even need your stupid explanations!!” naiinis ako. Naiinis ako sa kanya! And now she’s explaining?! Ang tagal kong hinintay ng paliwanag nya. Ni hindi man lang sya nag effort na tumawag sakin tapos ngayon nag e-explain sya! Bullshit!

“Ivan, please. Makinig ka naman sa akin. Alam kong may kasalanan ako pero sana naman bigyan mo ako ng chance na marinig ang explanations ko.” Naiiyak na sagot ni Chelsie sa akin. Kaya lalong sumabog ang galit ko! Anong karapatan nyang humingi ng chance?! Ako ba binigyan nya ng chance noong panahong pinipilit ko sya na kausapin ako ng matino! Goddammit!

“You know what Chelsie walang mangyayari sa usapang ito. Just leave me alone and don’t waste your precious time to talk to me again! Bumalik ka na lang sa Paris at ipagpatuloy mo na ang nasimulan mo doon because at the first place kaya to nangyayari because of your stupid dream! Why come back? Anong meron?! You can go on that f*cking Paris and let your goddamn dream come true!!!” mahabang lintaya ko sa kanya! She’s stupid! I don’t need her explanations! Besides ano pang dahilan ng pag e-explain nya?

“Mahal kita. Mahal na mahal parin kita… Kaya ako bumalik kasi naisip ko na hindi kita kayang iwan. Sorry Ivan, but please please give me a second chance. I’ll do what is right now and what’s my heart says. Hindi ko gustong iwan ka dati ng walang paalam. Nasilaw lang ako sa pangarap ko kaya nabigla ako sa mga desisyon ko. Gaadddd! I’m so stupid of letting you go because of that dream but please Ivan, babe. Give me another chance. I promise I’ll make it up to you.” Nagulat ako hindi sa haba ng lintaya nya pero sa sinabi nyang mahal nya parin ako? Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. What the F! Tiningnan ko sya sa mata sa mata at nababanaag ko naman roon ang sincerity nya. Pero bakit kahit gusto kong bigyan sya ng chance parang may pumipigil sa akin? Taliwas sa iniisip ko ang lumabas bigla sa bibig ko.

Dreams do come true w/ YOU. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon