CHAPTER 10
MARVS POV
SATURDAY.
I woke up dahil may narinig akong nag-iingay sa labas. Hindi ko alam kung anong meron pero basta maingay sa labas. And that sounds sucks! Nakakainis! Ang aga aga! I shoud be thankful ngayon kasi I have no classes today but I don’t know what’s wrong with those people outside!
Sumasakit ang ulo ko dahil kulang pa ako sa tulog. Sumasakit ang mata ko kasi hindi ko alam kung anong idinadrama ko kagabe!
Yes! Nag dadrama ako kagabi dito at hindi ko alam kung anong dahilan ko. Nakakainis kaya na umiyak ka ng hindi mo maisip kung anong dahilan. Naranasan mo na ba yun? Yung basta ka nalang iiyak tapos pagkatapos mong umiyak sa harap ng salamin tatanungin mo ang sarili mo ng “BAKIT?”. Tsk. Nakakainis at nakakabobo.
“MARIAAAAAAAAA!!!!” may naririnig akong sumisigaw sa labas. Nagtalukbong ako ng kumot kasi tinatamad pa akong bumangon kahit namimiss ko yung boses na naririnig ko na sumisigaw sa labas. Yeah, namimiss ko na ang boses na yon but not to the extent na itotolerate ko ang pag sigaw niya ngayon. I’m not in the mood.
“Mariaaaa! Hoy babae! Bumangon ka na dyan!!! Hindi mo man lang ba ako namiss haaaaaaa???” full of energy pang sigaw ng bestfriend ko sa labas. Kinakalampag nya yung pinto ng kwarto ko kaya I don’t have any choice kung hindi buksan ang pinto na yan bago pa masira yan!
Tamad akong bumangon at binuksan ko ang pinto ko. I looked at her lazily.
“Omy! Besssssy! Anong nangyari sayo???? Tsaka bakit ang dilim dito sa kwarto mo? Hawiin mo kaya ang kurtina para malaman mo na tirik na tirik na ang araw!!” hyper parin na sigaw niya sa akin. Urgh! What’s with her ba? Tinatamad talaga ako. Pati pag imik tinatamad ako. Kaya bumalik ako sa kama ko para mahiga ulit. Pero pinigilan nya ako.
“Hep! hep! hep! Wag ka ng bumalik dyan! Bumangon kana! Kaya ka nananaba kase tanghaling tapat na tulog ka parin! Bangon din pag may time!” sigaw nya parin sakin habang inaagaw ang kumot na hawak hawak ko na pilit itinatakip ko sa muka ko. At dahil napikon na ako tinalsik ko na ang kumot at hinarap sya kahit di pa ako nakakasuklay man lang.
“Ano ba bessy! I’m not in the mood right now! Hindi maganda ang tulog ko at hindi maganda ang gising ko! Please. Hindi pa ayos talaga ang tulog ko kaya hayaan mo muna ako.” Naiiyak ko namang sagot sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ako naiiyak dahil sa pinaalala na naman nya na mataba ako o dahil sa sigaw nya at pag gambala nya sa pag-tulog ko.
“Hmp. Sige na nga matulog ka na ulit. Tska ko na lang ibibigay sayo ang mga pasalubong ko na CHOCOLATES at PERFUMES. Sige bumalik ka na ulit sa pag tulog mo.” In-emphasize nya talaga ang chocolates at perfumes kasi alam nya na paborito ko ang mga yon. Kunwaring nagtatampo pang sabi nya sa akin pero ang totoo nyan ine-excite nya lang ako. Tsk. Kaibigan ko ba talaga ito?
Pero kahit na alam kong ine-excite nya lang ako eh nangislap parin ang mga mata ko sa narinig ko. Pati ata antok ko nawala. Palabas na si Bessy ng hinarang ko ang pinto.
“Sige na nga. Nawala kasi ang antok ko. Bumalik ka na sa kama magtotoothbrush lang ako.” Sabi ko sa kanya habang nakangiti. Kaya nagderetcho na ako sa CR para gawin ang rituals ko sa umaga. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na ngiting ngiti sya habang umuupo sa kama ko. GRRR. Naisahan talaga ako ng babaing ito. Alam nya kasi ang mga kahinaan ko.
-
“Bessy, try mo to.” Sabay bigay sa akin ni Kath ng isang dress na above the knee. May manggas naman sya kaya hindi makikita ang braso ko pero parang masyadong maikli sa akin kaya ayokong suotin.
Nandito kasi kami ngayon sa mall. OO, tama ang nabasa nyo. Nasa mall kami ngayon. Kaya pala nya ako binulabog kanina kasi miss na miss na raw niyang mag shopping. Grabe. Noong binigay nya ang pasalubong nya sa akin natuwa pa ako pero noong malaman ko na ang kapalit pala noon eh ang pag sama sa mall gusting gusto kong bumalik ulit sa higaan ko.
“Bessy ayoko nyan masyadong maikli naman eh.” Tanggi ko talaga sa inaalok nya sa akin na dress.
“Nako. Sayang naman. Libre pa naman sana to.” Napa-tsk pa sya noong tumanggi ako. Pero noong narinig ko ang sabi nya na libre natauhan ako.
“Nako, parang babagay pala yan sakin. Try ko Bessy ha?” sabay hablot sa kanya ng dress na yon na ikinatawa nya. Nakahawak pa sya sa tiyan nya kasi naiiyak na ata sa kakatawa. Grabe. Ang galing talaga ng bestfriend ko.
Nagderetcho na ako sa fitting room pero bago ako makapasok sa loob may nahagip ang tingin ko. Napatingin ako sa labas ng boutique na ito dahil pamilyar ang tindig noong lalaki sa labas ng time zone. Kaya dali dali ako sa pag sukat at noong na satisfy ako lumabas ako at pinabayaran ko na kay bessy sabay hila sa kamay nya palabas ng boutique.
Naandoon parin kasi yung pamilyar na nakatindig parang may hinihintay. Hindi ko tuloy napansin na napapalakas na ang higit ko sa kamay ni Bessy.
“Aray bessy ha? Medyo masakit na yata ang wrist ko. Saan ba tayo pupunta?” tanong nya sakin. Tapos noong inginuso ko sa kanya ang nakikita ko sa tapat ng time zone eh nanlaki ang mata nya.
“Omy! Nagkabalikan na pala sila????” exagge na tanong sa akin ni bessy. Nalito ako kasi isa lang naman ang tinuturo ko pero bakit sila ang ginamit na term ni bessy? Kaya nabalik ulit ang tingin ko sa lalaki at nanlaki ang mata ko noong nakita kong hinawakan nya bewang yung babae.
“Anong nagkabalikan? Naging sila ba ni Chelsie?” hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong pero ramdam ko na habang nagtatanong ako eh nananakit ang lalamunan ko.
“Yes bessy! Hindi mo ba kilala yang si Chelsie? Naging cover sya ng ilang sikat na magazine dito sa atin at sa paris.” Mahinahong sagot ni bessy sakin habang sya naman ang humila sa akin maupo paharap kina Ivan at Chelsie para panoorin silang masayang naglalaro ng drive-drivan doon sa time zone. OO drive-drivan kasi ayoko ng i-explain kung anong laro yun. Nananakit ang lalamunan ko at naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung kaya ba naninikip ang dibdib ko kasi puputok na ang damit ko o dahil sa hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko?
Grabe. Ang saya saya nila Ivan. Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ay hindi pala ngiti tawa pala. Ngayon ko lang sya nakitang tumawa ng ganoon. Iba ba talaga ang dating ni Chelsie na iyan?
“Am. Bessy ayos ka lang ba? Para kasing mapupunit na yang paper bag na dala mo eh. Let me hold it na lang kaya saying ang abg ee.” Walang kaalam-alam ang bestfriend ko sa nararamdaman ko ngayon. Pero ipinaubaya ko na sa kanya ang paper bag kasi tinatamad akong hawakan sya.
“Ah. Bessy tara na. Uwi na tayo. Sa bahay na lang tayo kumain parang mas masarap kumain doon eh kesa dito.” Bitter na bitter yata ang boses ko. Hinila ko na sya palabas at nagderetcho na kami sa parking lot. Hindi na umimik ang bestfriend ko kasi alam ko may nahihimigan yan sa nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko na pinansin ang pagtingin tingin nya sa akin noong nasa sasakyan na kami kasi naiisip ko parin yung nasa mall kanina. Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko? Parang ganito rin kasi ang nararamdaman ko kahapon noong narinig ko ang usapan nila.
Hindi na naman ba maayos ang pag tulog ko mamaya? O magda-drama ulit ako buong mag-damag? Shit! Mamayat nalang ba ako sa mga ganitong paraan?
BINABASA MO ANG
Dreams do come true w/ YOU. (ON-GOING)
Genç KurguIs it true that DREAMS DO COME TRUE W/ YOU?