What's with the look, Ivan?

26 1 0
                                    

CHAPTER 12

MARVS POV

MONDAY

I woke up early. I sighed. Tsk. Monday na Monday mukhang biyernes santo ang mukha ko. Anong petsa na pero bakit ganito parin yung nararamdaman ko? Nakakainis ha. Wala naman akong karapatang maging ganito eh. Lahat na yata ng fats ko namomroblema na para kasing nagme-melt sila. Baka pumayat na ako nito ah? Tss pabor sakin.

-

@School

“Did you hear the news? Nagkabalikan na raw sina Ivan at Chelsie.” Papunta na ako sa room ng ganyan ang narinig kong usapan sa may hallway nina Kyla at Abegail. Tss. Updated sila ah? Sila na naman kasi ang narinig kong nag-uusap about sa Salvador na yun.

“Talaga? Kailan pa? Di ba kakalipat lang ni Chelsie dito? Ang bilis naman ng pangyayari. Nakakainis ” Komento pa ni Abegail. Binagalan ko yung paglalakad ko para marinig ko pa yung ibang pinag-uusapan nila. Hindi naman evesdropping ito di ba?

“At ito pa marami raw nakakita sa kanila na magkasama sa mall tapos nagpunta daw sila sa time zone. Imagine? Si Ivan nasa time zone. Heck! Ano bang meron dyan kay Chelsie nay an. Nakakabadtrip sya ah!” ramdam ko ang inis sa boses ni Kyla noong nagku-kwento sya. Gusto ko pa sanang pakinggan ang isasagot ni Abegail ang kaso may naka-bangga ako. Dahilan kung bakit nahulog ang mga librong dala ko.

“Tss. Bakit kasi hindi tumitingin sa dinaraanan.” Bulong ni Ivan pero rinig ko naman. Pinulot ko yung mga libro ko at nag-deretcho na ulit sa paglalakad. Hindi ko sya pinansin at hindi na rin ako nag-sorry sa kanya. What for? Eh kita naman nya palang hindi ako nakatingin sa daan edi dapat sya yung nag-adjust.

Ewan ko ba kung bakit nagfe-feeling maganda ako ngayon at feeling sexy at the same time kasi nagagawa ko pang tarayan si Ivan na ultimate crush ko. Tsk. Oo na kahit naamin ko na sainyo na crush ko parin sya eh uulitin ko ulit sainyo para maalala nyo palagi.

“Anong problema mo?” tsk. Sinundan nya pala ako? Sus, baka magkaklase kami sa first subject ang assuming ko talaga. Hindi ko sya pinansin at dumeretcho na sa room. Hawak ko na yung doorknob ng bigla nyang hawakan rin ito. Meaning parang nakahawak sya sa kamay ko. Ay kakaloka. Magkalapat ang kamay naming. Kinikilig ako pero hindi ko pwedeng ipahalata kasi ako lang naman ang lalabas na kahiya-hiya.

“Wala.” Sagot ko sa kanya at kahit labag sa kalooban ko tinanggal ko yung kamay ko sa doorknob at itinulak na ang pinto para makapasok ako. Nararamdaman ko na kasing namumula yung mukha ko baka mamaya akalain pa nya na dahil yun sa pagkakalapat ng kamay nya sakin kahit yun naman ang totoo.

Umupo na ako sa upuan ko. At sakto noon ang pag-pasok ni Ma’am Au. Management na naman pala. Tsk. Nakita ko si Ivan sa kanyang upuan at nakita ko rin na dumating na si Chelsie at ngumiti pa sya kay Ivan. Sweet smile. Bakit ba hindi ako ganoon ka attractive kapag nag-ssmile ako? Ang pangit ko kasi!

“Goodmorning Class. As I said last meeting we’ll arranged your seats in alphabetical order.” Narinig kong sabi ni Ma’am sa unahan. Inaayos ni Ma’am yung chairs at tinatawag ang mga surnames namin at tinuturo ni Ma’am kung saan kami uupo.

“De Chavez. Del Sol. Dela Vega. Encarnation.” Yan yung narinig ko kaya tumayo na ako. Nakakainis magkatabi kami ni Ivan. Sa sarili ko ako naiinis ha kai hindi ko alam ang nararamdaman ko.

“Ano bang problema mo? Nakita kita sa mall noong Saturday bakit hindi mo man lang ako pinansin? Akala ko ba close na tayo?” dere-deretchong tanong sa akin ni Ivan pagkaupong-pagkaupo nya sa tabi ko. Tsk. Ano bang dapat kong isagot? Eh ni sarili ko nga hindi ko maintindihan.

“Ah. Nakita mo ba ako? Hindi kita napansin. Nandun ka pala?” patay malisya ko pang sagot sa kanya. Kaya nangunot yung noo nya. Bakit kahit magkasalubong yung kilay nya gwapo parin sya?

“Nakita mo ako alam ko yon. Huwag ka na ngang magpatay-malisya dyan.” Hindi ko na sya sinagot kasi nagsimula ng magdiscuss si Ma’am. Na-arranged nya na pala ang seats naming lahat.

Nag-focus na lang ako sa unahan kahit alam kong sinusulyapan ako ni Ivan every five minutes yata. Nag-iinit tuloy yung mukha ko.

--

Atlast. Last subject na nmin. Papunta na ako sa room nmin ng makasalubong ko si Vince. Dapat kinikilig ako e. Bakit kaya hindi na? Tsk.

"Hi. Marvs. " while showing his perfect teeth. Pang close up lang?

"Hello. Kamusta?" i smiled back. Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko kaya sinabayan nya na ako. Siguro papunta na din sya sa last subject nya.

"Eto. okay lang naman. Ikaw ba? Oonga pala. Gusto mo ba sa group nlng nmin sumama sa group project ntin sa Management?" masiglang tanong nya skin. Tapos bigla ko nmn naisip yung project nga nmin na yun. Sa kanya nlng nga kaya ako sumama?

"Oo sige ba. Sali mo ako ha? Sino ba ang leader natin? " patuloy padin kami sa paglalakad.

"Sige. Sali kita. Si Ivan ang leader natin. Hindi mo ba Narinig na isa sya sa tinawag sa leaders? " tumigil na kami sa tapat ng classroom ko. Hindi ko namalayan na naglakad nanaman kme papunta dito. Para tuloy inihatid nya ako.

"Ay. Ganun ba? " Tsk. Osge na nga. bahala na.

"Oo. sige. Dito na room mo, right?" nakangiti nanaman sya. Nagpaalam narin ako sa kanya.

"Osge. Ingat ka. Salamat sa pagpapasali. " nginitian ko rin sya. Kaya naglakad na sya papuntang hagdan kasi sa taas pa room niya.

Pagbaling ko bigla Kong nakita si Ivan. Masama ang tingin nya sakin. Tsk. Ano nanaman ba ang problema nya? -_-

Dreams do come true w/ YOU. (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon