CHAPTER 9
MARVS POV
Nakikinig ako sa klase namin ngayon pero kahit nakatuon ang pansin ko sa unahan habang nag di-discuss si Ma’am parang nararamdaman ko na may nakatingin sa akin. Iginala ko ang paningin ko kaya natagpuan ko ang mata ni Ivan na nakatingin, I mean nakatitig sakin. Ha? SAKIN? Bakit na naman kaya?
“What?” I mouthed. Tahimik kasi ang mga kaklase ko kaya hindi ko malakasan ang boses ko.
“Gusto ko dyan sa upuan mo.” Walang emosyong sagot at wala man lang pakundangan sa pag sagot dahil narinig sya ng mga kaklase ko pati na ang nasa unahan na nagdi-discuss na si Ma'am at ikinalingon nila iyon especially si Chelsie na halos kalapit nya lang. Nagulat ako sa sagot nya pero hindi ko ipinahalata. Mamaya nyan madamay pa ako pag napagalitan sya eh.
“Mr. Dela Vega? What’s the problem in your seat?” Ma’am Aurora asked Ivan while raising her eye brow. Okay I know di sya yung tipo ng professor na nasisindak agad sa titig palang ni Ivan. Hindi kagaya ng ibang prof namin na nagniningning ang mga mata kapag nakatingin kay Ivan Carlo.
“Wala. Gusto ko lang magpalit kame ng upuan ni Vanessa.” Wala paring emosyon na sagot nya kay Ma’am kaya lalong tumaas ang kilay ni Ma’am Au. Kainis! Ano nanaman kayang problema ng lalaking to at tinotopak na naman tapos pati ako idadamay! Napalingon ako kay Ma’am nung nagtanong ulit kay Ivan.
“At bakit naman Mr. Dela Vega? Anong meron sa upuan ni Ms. Del Sol at mas gusto mo doon?!” nagulat ako kasi madiin ang pagtatanong ni Ma’am kay Ivan. At ito namang manhid na si Ivan nag shrugged lang. Okay? Hindi ba sya natatablan ng matalim na titig ni Ma’am Au? Tsk. Patay sya sakin pag pati ako eh nadamay dyan sa kayabangan nya talaga.
“Oh ano? Wala lang pala. Next time don’t you dare interrupt my class okay? And class next meeting I’ll arrange your seats in alphabetical order para wala ng nagre-reklamo diyan.” Mahinahon ng saad ni Ma’am sa buong klase. After that nag-patuloy na si Ma’am sa pag-didiscuss.
Paglingon ko kay Ivan ang sama ng tingin nya sakin. Oh? What did I do again?! Ang laki talaga ng alaga nitong si Ivan.
Oh? Don’t miss-interpret sa sinasabi kong alaga ha? Ibig kong sabihin malaki ang sapak ni Ivan hindi yung kung ano pa man na tumatakbo dyan sa utak ng mga berde dyan.
*KRIIIIIING* (Bell po yan hindi cellphone).
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko ng narinig ang bell hudyat na tapos na ang klase namin sa management. Next will be our vacant period. Yes! Aga ng vacant namin. Makakain na ako. Yieee. Excited na akong lumabas para pumuntang cafeteria.
“Vanessa!”
May narinig akong tumawag sakin pero hindi ko na inintindi kasi gutom na talaga ako kaya nagmamadali na akong lumabas ng room. Pero malakas ang pakiramdam ko na si Ivan iyon kase sya lang naman ang tumatawag sa akin ng pang girl na pangalan na yun eh at dahil doon lalo akong nainis sa kanya kaya lalong hindi ko na sya inintindi pa. Bahala syang gwapo sya!
-
Natapos ang maghapon na wala namang bago maliban sa nangyari kanina sa klase namin sa Management. Hay nako, kakainis tapos yung bestfriend ko laging missing in action. Hindi ko na alam kung ano ng nangyayari sa buhay ng babaing yun, kase hindi naman sya nasagot sa mga text ko even my calls. Last pa kaming nagkasama eh noon pang klase naming sa investment and that was two weeks ago.
Yes, you read it right two weeks ko na siyang hindi nakakasalubong dito sa school at two weeks ko na siyang hindi nakikita sa subjects na mag-kaklase kami. And two weeks na rin na palagi kaming nagkaka-encounter ni Ivan tapos hindi yun alam ni bessy. Nakakainis lang na wala akong makasamang iba dito sa school maliban sa mokong na gwapo. Well, minsan nakakasabay ko si Vince na crush ko din. Pero miss ko na ang bestfriend ko. Pag ako nainis pupuntahan ko yun sa kanila eh.
Naglalakad na ako dito sa hallway sa second floor at naisipan kong sa may dulong hagdan na lang ako bumaba kaysa doon sa usual na dinadaanan ng mga estudyante dito. Pahimig himig pa ako habang naglalakad at ng malapit na ako sa likuan papuntang hagdanan pababa ay may naulinigan akong sumisigaw? Kumabog ang dibdib ko at di ko alam kung bakit.
“You don’t have to explain yourself to me because I don’t even need your stupid explanations!!” narinig kong sigaw noong lalaki sa kausap niya. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero malakas ang pakiramdam ko na pamilyar ang boses niya kahit na sumisigaw pa sya.
“Ivan, please. Makinig ka naman sa akin. Alam kong may kasalanan ako pero sana naman bigyan mo ako ng chance na marinig ang explanations ko.” Naiiyak na sagot ng babae kay Ivan. OO guys, si Ivan yung lalaki and you know what? Magugulat kayo kung sino ang babaing nagsusumamo sa kanya ngayon.
“You know what Chelsie walang mangyayari sa usapang ito. Just leave me alone and don’t waste your precious time to talk to me again! Bumalik ka na lang sa Paris at ipagpatuloy mo na ang nasimulan mo doon because at the first place kaya to nangyayari because of your stupid dream! Why come back? Anong meron?! You can go on that f*cking Paris and let your goddamn dream come true!!!” mahabang lintaya ni Ivan. Omy! May past sila ni Chelsie? Gadd! Bat diko naisip agad yon! Kaya nga pala nanggagalaiti sila Kyla noong isang araw dahil kay Chelsie! So this explains why!
This is interesting pero dapat umaalis na ako dito kasi hindi naman ako kasali dito baka mamaya makita pa ako ni Ivan for sure I’m a deadmeat! Pero hindi ko parin maigalaw ang paa ko dahil sa narinig ko sa kanya. I know this is the first time na naglintaya ng ganyang kahaba si Ivan and his voice is full of bitterness.
Oh Gods! Tama ba na naririnig ko ang usapang ito? But in the half of my mind may nagdidikta sa akin na pakinggan pa ng buo yung usapan nila. Kaso natatakot ako sa mga susunod pang sagutan. I don’t know kung anong nangyayari sa akin pero bakit at the back of my mind parang nagsusumigaw yung utak ko na may mali sa nararamdaman ko? Ano ba to? Parang nasu-suffocate ako? Kailangan ko ng umalis. Dapat na akong umalis. Yun yata ang dapat kong gawin. Pero napatigil ako ng marinig ko ang sagot ni Chelsie sa mahabang lintaya ni Ivan.
“Mahal kita. Mahal na mahal parin kita...” umiiyak na sagot ni Chelsie and with that, hindi na ako nagdalawang isip na umalis. Nagtatakbo ako pabalik at doon na dumaan sa usual na daanan ng estudyante. So this is the REVELATION between them? Shit!! I don’t know what’s wrong with me? Why do I have this feeling na hindi ko gusto ang narinig ko? Diba si Vince yung new crush ko? Dapat sa kanya ako nagfo-focus. Dapat nagpapaganda at nagpapa-sexy na ako para mapansin na ako ni Vince.
Pero bakit ganito kabilis tumibok yung puso ko sa mga revelations na narinig ko? Parang sa sobrang bilis gusto kong maiyak kase hindi talaga ako makahinga?
Is it because of my fats? Or what?! Goddammit! I need an answer!
BINABASA MO ANG
Dreams do come true w/ YOU. (ON-GOING)
Teen FictionIs it true that DREAMS DO COME TRUE W/ YOU?