CHAPTER 7
MARVS POV
Well, habang dumaan ang mga araw unti unti narin kaming nagkakasundo ni Ivan. Even though he is so masungit hindi na umuubra ngayon yun sa akin katulad ngayon. Medyo close na nga kami nyan eh pero masungit parin kahit na close na kame. I looked at him.
"Oh? what's with the look? Don't dare to say na gutom ka na naman baka makalimutan ko ng bababe ka!" badtrip na pahayag nya sakin nang makita nya akong nakatingin sa kanya. Nandito kasi kami sa cafeteria ngayon.
"Chill. Bakit ba badtrip ka na naman? Nasagutan ko naman yung activity kanina ah?! Tsaka wala naman akong sinasabing gutom ako. Kakakain ko lang remember?" I said tinaas taas ko pa ang kilay ko. (Feeling maganda).
Nakakatuwa syang pikunin. Ang cute nya kasi. Sainyo ko lang to aaminin ah? May crush parin kasi ako sa kanya, pero kahit ganoon hindi naman ako ang tipo ng babae na porket close ng crush eh nagmamalandi na. May hiya parin naman ako sa gwapong kaharap ko ngayon.
“Okay. Diyan ka na. Tatawagan ko lang si Clarence.” He said before he left.
Okay. Ako nalang mag isa dito sa table namin. Inaantay ko padin kase si Bessy para sabay na kaming pumunta sa next subject namin.
After 30 minutes of waiting wala parin ang bestfriend ko eh magta-time na kaya tinex ko na lang sya na uuna na ako. Kaya tumayo na ako at nagsimula ng maglakad papunta sa room namin.
--
Naglalakad na ako papunta sa room ng biglang may tumabi sakin. Pagtingin ko natulala na naman ako. Paano ba naman kasi ang gwapo at ang macho ng katabi ko tapos ang bango bango pa.
“Hi. Diba ikaw yung babae kahapon sa room 108?” he said while showing his perfect set of teeth. OMG. Ang gwapo pati nung ngipin. Nyek.
“A-aam. Oo ako nga. Hello.” Pa sweet pa ang tono ko kahit hindi bagay sa itchura ko. Grabe pag ba naman ganito ka gwapo ang makakasabay mo pagpasok tamadin ka pa kaya? Grabe. Gaganahan ako nito kapag araw araw ko na syang kasabay.
“Ano nga palang name mo? Nakalimutan kong tanungin kahapon eh.” Sabi pa nya sa akin habang patuloy parin akong sinasabayan. Iniisip ko nga ihahatid ako nito sa klase ko eh. Grabe kinikilig na agad ako. Tapos he is asking my name? OMG.
“Maria Vanessa Del Sol nga pala at your service, pero you can call me Marvs for short. Ikaw anong full name mo?.” Nakangiti kong sagot sa kanya at inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Agad naman nya itong inabot. Shet. Nag shake hands kame. Ang lambot ng kamay nya. Kamay mayaman eh.
“Okay Marvs. Ako nga pala si Vince. Vince Reyes.” Tapos binitawan nya na yung kamay ko. Kainis ang sarap pa naman hawakan ng kamay nya bumitiw naman agad sya. Pero hindi ko pinahalata na nadismaya ako. Ngitian ko padin sya. Yung ganto oh ^______^.
“Ano nga palang subject mo ngayon? Magkaklase siguro ulit tayo.” Dugtong pa nya.
“Ah. Room 405 ako. Filipino.” Nakangiti ko paring sagot sa kanya. Naalala ko yung room number namin dahil sa tanong nya at doon ko lang napagtanto na sa 4th floor nga pala yun at dahil sa kakadaldal nya sakin nakalimutan ko na palang mag elevator kaya naman pala ako hinihingal na eh.
“Ah. Kala ko magkaklase tayo, sa 504 ako eh. Sige lakad ka na sa room mo nandito na tayo sa 4th floor eh. Ingat nalang.” Sabi nya sa akin ng nakangiti. Tapos umakyat na sya sa hagdan kasi 5th floor pa sya.
Hayy, ang pogi nya talaga.Saan ko pa kaya sya magiging kaklase? Okay. Enough of this, nag deretcho na ako sa room namin para maunahan kong dumating ang mga kaklase ko. Pag pasok ko sa room ingay lang ng aircon yung naririnig ko.
Okay. I feel so lonely right now. Kinuha ko ang headset ko at nag-sounds na lang ako. Umubob narin ako para mas feel ko ang pagiging EMO ko.
Wala pa ako sa kalahati ng pinapatugtog ko ng biglang may nag-text sa akin kaya pinatay ko na ang sounds ko. Pagtingin ko si Bessy pala ang nagtext, hindi raw sya makakapasok kasi masama raw pakiramdam nya. Syempre kahit nalungkot ako na mag isa lang ako ngayong araw nag aalala parin ako sa bestfriend ko kaya nireplyan ko sya na magpagaling na lang at ako ng bahalang mag-sabi kay Ma’m Realingo na di sya makakapasok.
“Have you heard the news??” may narinig akong nagsasalita sa labas ng room. Binubuksan nya yung pinto habang umiimik sya kaya napapakinig ko ang sinasabi nya. Siguro kaklase ko to.
“What news girl?” sagot naman noong kasama nyang babae na tuluyan ng nabuksan ang pintuan at naupo na sa unahan ko. Si Kyla at Abegail pala yung magkausap kaklase ko nga.
“Si Chelsie Salvador daw nag-transfer na dito sa school natin.” Sagot naman ni Kyla habang nakasimangot. At napasimangot din si Abegail noong marinig ang pangalang Chelsie.
Nagtaka naman ako sa expression nila. Sinong Chelsie Salvador yung pinag uusapan nila?
*BELL*
Tatanungin ko na sana sina Kyla kung sinong Chelsie yung pinag uusapan nila ng bigla nalang nag-bell meaning time na. Kaya nagsipasukan na yung mga kaklase ko pa sa room namin.
I was clueless tuloy kung sino yung Salvador na yon.
BINABASA MO ANG
Dreams do come true w/ YOU. (ON-GOING)
Teen FictionIs it true that DREAMS DO COME TRUE W/ YOU?